29 - Best Acting Goes to...

40.4K 1.1K 45
                                    

"Bye wife," Si Theon.

Tinawanan lang niya si Theon sa tuwing tatawagin siya nito ng ganun. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na mag-asawa na sila ng pokpok na ito.

"Take care hubby," panggagaya niya sa tono ng lalaki.

"Without kiss?"

Pinakitaan niya ito ng kamao at braso. Tumatawang umalis ito sa kaniyang harapan at nagtungo na sa garahe kung saan naghihintay ang sasakyan nito. Naalala pa niyang sa noo lang siya hinalikan ng asawa nung araw ng kasal nila at pagkatapos no'n, wala ng sumunod pa.

Pero nung magsama sila sa iisang bubong, doon niya napagtanto na hindi naman talaga pokpok ang lalaki tulad ng pagkakilala niya rito. Theon was the most sweetest guy she ever known. Sobrang maalalahanin ito taliwas sa kapokpokan at kalandian na pinapakita nito sa kaniya dati.

Wala siyang pasok sa araw na iyon, kaya nagpasya siyang bisitahin ang ina sa Beauty and Spa business na personal nitong pinapatakbo. Naging hobby nito iyon habang ang kaniyang ama ay nagpatuloy sa pagpapatakbo ng company lalo na at ganito ang kalagayan ni Azael.

Ang lawak ng ngiti ng Ginang nang makita siyang pumasok. Agad siyang niyakap nito nang mahigpit.

"I'm expecting a good news from my lovely daughter," bungad nito.

"Mom!" Pinandilatan niya ito ng mata. Alam niya ang ibig sabihin nito. Naniningil ito ng batang matatawag na apo sa kaniya. Parang gusto niyang pandirihan at magpatirik ng kandila sa bagay na iyon. Malabong maiibigay nila ni Theon ang apo na sinasabi nito.

"What?" natawa ito. "Wala naman akong sinabi, ah."

Umirap lang siya. Alam niya ang tono ng boses nito. Ito ba naman lagi ang binubungad sa kaniya o kaya naman ay tinatanong kung kumusta ang marriage life nilang mag-asawa at may nabuo na ba. Kung malalaman siguro ng mga ito ang gap at boundaries nila ni Theon, baka batok at kurot ang makuha niya sa ina.

Umupo siya sa bakanteng upuan paharap sa malaking salamin, kasama ang ibang mabibigating customer. May nag-aasikaso sa mga ito isa-isa. Mayamaya, lumapit ang ginang sa kaniya at pinagtabi ang kanilang mukha at sa malaking salamin sa loob ng beauty spa na iyon, napatitig siya sa mukha nilang mag-ina. Matagal niyang tinitigan ang repleksyon nilang dalawa.

"Ang ganda-ganda mo hija. Kamukhang kamukha mo ang lola mo." ang tamis ng ngiti nito at hinalikan siya sa pisngi.

Napatingin siya rito mula sa repleksyon. "My..." medyo nag-alangan siyang sabihin ang gumugulo sa utak niya, "Hindi ba ako ampon?"

Napatingin ang ilan sa mga customer sa kaniya at ang lakas naman ng tawa ng Ginang. "Of course, you are not."

Tinitigan niya ang mata nito at kitang-kita niyang nagsasabi ito nang totoo. Mabilis niyang pinilig ang ulo at pinagalitan ang sarili. Bakit nga niya pala naisip na ampon siya? Imposible nga kasing hindi siya anak dahil kung mangyari iyon, 10 years ang gap nila ni Azael. Dapat ang lalaki ang magsasabi agad sa kaniya na ampon lang siya dahil may isip na ito nung nasilang siya sa mundo. Iisa lang ibig sabihin nito, magkapatid sila mula dugo at laman at hindi na magbabago ang bagay na iyon.

"Nakita mo na ba ang girlfriend ng kuya mo? She's beautiful. Hindi lang sa panglabas na anyo and I really like her for Azael!"

Napatanga siya sa sinabi nito. Wait, kilala nito ang babaeng pagong na iyon? Ano kaya kung sabihin niya rito, na ito ang mortal na kaaway niya sa Australia. Alam niyang nagpa-plastic lang ang babaeng iyon. Kilala pa naman niya ang ina, mabilis itong madala sa konting drama at actingan na parang Maria Clara.

"Nung naaksidente ang kuya mo, siya ang nagbantay sa hospital. Nalaman ko rin na nag-propose na ang gwapo mong kapatid sa kaniya," sandali itong tumigil at sinuklay ang kaniyang mahabang buhok. "And finally, your brother found his love of his life." nakangiting wika nito.

Biglang umasim ang kaniyang pakiramdam. Bakit nagustuhan agad ito ng mommy nila? That's fuckiny unfair! Alam niya ang totoong ugali ng babaeng iyon at isa siya sa aayaw na makakatuluyan ito ni Azael. Hindi ang maarteng tulad nito ang nababagay sa lalaki.

"Mom, hindi man lang ba kayo tutol? I mean, baka masama ang ugali ng babaeng 'yan o kaya nagpapanggap lang na mabait para magustuhan mo."

Tumingin ito sa kaniya mula sa salamin at pinisil ang baba niya. "Galing siya sa mataas na pamilya at may dignidad. Her daddy is a lawyer at the same time, senator. Ang mommy naman niya ay nangangasiwa ng foundation sa mga babaeng inaabuso ng mga kalalakihan. Trust me honey, mabait siya. Ilang beses ko na siyang nakita at nakasama at sobrang bait niyang bata. I can't wait them to get married."

Talaga lang ha?! Parang gusto niyang mapangisi sa lantarang papuri ng ginang sa babae. Ayaw niyang mainis pero nang mga sandaling iyon, kinain siya ng inis. Anong ginawa ng Penelope na iyon para makuha ang loob ng mommy niya? Pang-famas ang acting nito! Bagay dito ang mag-artista! Pero wait, siya ang kontrabida at hindi ito deserving sa pamilya nila lalo na sa mommy niya.

"I gotta go mom." Bigla siyang tumayo. "Nakalimutan kong may lakad pala kami ni Theon today after his meeting. See you around." Hinalikan niya ito sa pisngi at nagpaalam. Hindi na siya nito napigilan dahil mabilis siyang naglakad palayo at eksaktong may tumawag din sa cellphone nito kaya lumayo ito at sinagot ang tawag.

And speaking of the bitch, nakasalubong niya ito sa pintuan. Papasok ito at may bitbit na lutong bahay na pagkain. Napataas ang kilay niya. Hindi lang pala ito peste, sipsip din. Nagtinginan silang dalawa at himala, para itong asong bahag ang buntot dahil walang salitang lumabas sa bibig nito pero kitang-kita niya ang matalim nitong tingin.

"Hey slut!" bati niya rito at inirapan. Ang sarap nitong kutusan sa mukha. Pero dahil ayaw niyang magsimula ng away ngayon, agad na siyang nagtuloy papalabas. Hindi niya inasahan ang pasimpleng pagharang nito ng paa sa daraanan niya para dahilan madapa siya.

Thats it! Sinagad na ng hayop na ito ang pasensya niya. Sa sobrang gigil niya at inis, mabilis siyang tumayo at isang malakas na sampal ang ginawad niya sa pisngi nito. Sa sobrang lakas ng sampal niya, nabaling ang mukha nito bumakat ang kaniyang kamay.
Agad naman itong pumalahaw ng iyak at nag-inarte. Letse! Pinapalabas nitong siya ang may kasalanan ng hayop na ito!

"What happened here?!""

"TitaMom!" mabilis itong lumapit sa kaniyang ina at maarteng umiyak na yumakap dito. "She slapped me. Wala naman akong ginawa, bigla na lang akong sinampal ng anak niyong si Amara."

Nagulat siya sa sinabi nito. Paano nito nalaman na isa siyang Legrand? So alam na rin nito na magkapatid sila ni Azael? Great! That's wow! Gusto niyang pumalakpak sa sobrang bilib sa acting nito! Anong gusto nitong palabasin sa ginawa nito ngayon? Matagal na ba nitong alam na isa siyang Legrand? Well in that case, wala siyang pakialam.

"Amara, why did you that to her? Hindi mo ba alam siya ang fiancée ng kuya mo? Siya 'yong kinikwento ko sa'yo."

Hindi siya sumagot. Kung nakakamatay lang ang titig niya, malamang patay na ang babae. Mabilis niyang tinalikuran ang mga ito at walang sabing umalis sa lugar. Mali ito nang taong binangga. Kung gusto ito ng mommy nila, pwes siya hindi. Magaling pala itong magdrama, well magaling din siya makipagsabayan. Titingnan niya kung sino ang gaganap ng best actress sa kanilang dalawa.

'Where are you, wife? What do you want for dinner?ʼ

Napangiti siya sa nabasang text ni Theon pero agad din napawi iyon. Masyadong okupado ang utak niya sa babaeng iyon. Maghintay lang ito, maghaharap din sila mamaya pagdating niya ng mansiyon. Tamang-tama, magkapit-bahay lang sila. Mas madaling makipagpatayan.

DOMINANT SERIES 3: Ignite (Completed) AZAEL LEGRANDWhere stories live. Discover now