42 - Death Threat

42.5K 1.1K 42
                                    

Malungkot na pinagmasdan ni Azael si Amara na tumalikod at humakbang papaalis. Pagkatapos siya nitong yakapin, bumitaw agad ito. Walang kahit isang salita na lumabas sa bibig nito.

Naiwan siyang maraming katanungan sa isip kaya nagpasya na lang siyang manatili sa rooftop at do'n magpalipas nang ilang oras para makapag-isip. Hindi niya alam kung anong hakbang ulit ang gagawin. Nasasaktan siya, iyon ang totoo.

Wala si Amara nung bumalik siya sa silid. Ang nabungaran niya ro'n ay si Penelope. Nakapagdesisyon na si Azael, sasabihin niya kay Penelope na peke ang kanilang kasal at kahit kailan hindi niya ito magawang mahalin. Sinubukan niyang mahalin ito pero bigo siya. Ang kaniyang nag-iisang prinsesa pa rin ang tinitibok ng kaniyang puso.

"Let's talk Penny."

"Bakit?"

Hindi siya sumagot. Deritso lang siyang tumalikod at sumunod ito sa kaniya. Nasa kotse siya nang pumasok ito sa passenger side. Walang sabing tinanggal niya ang singsing at nilagay sa dashboard. Nagulat ito sa kaniyang ginawa at hindi makapaniwala. 3 years with her was like a fucking hell. Though, pinaparamdam nito sa kaniya kung gaano siya kamahal pero hindi niya hawak ang kaniyang puso.

"W-what does it mean? You're joking, right baby?"

"Honestly Penelope, we aren't married. Fake marriage lang ang meron tayo. Pardon me for doing that to you but I did tried my best to love you... But I can't."

Sunod-sunod na bumagsak ang mga luha nito at halatang hindi makapaniwala. "Liar! You love me! Kasal tayo! Gusto ako ng pamilya mo!"

"Pero hindi mo sila gusto. Alam kong pinipeke mo lang ang aking ina. Pero hindi iyan ang usapan dito kun'di tayo. Patawad Penny pero aaminin kong parte ka lang ng mga plano ko. Kung sana ang bilis lang turuan ng puso, ikaw na minahal ko. Pero hindi pala talaga. Don't worry, I'll pay all the damage I've done."

Isang malakas na sampal ang tumama sa kaniyang pisngi. Manhid na nga siya dahil hindi man lang siya nasaktan. He deserves it. Hind lang dapat sampal dapat sa kaniya, alam niyang sobra-sobrang sakit ang ginawa niya rito.

"Tell me you're lying! Tell me!"

"I'm not."

Mabilis itong yumakap sa kaniya at nag-iiyak sa kaniyang balikat. "Baby please... I love you! You can't do this to me. Totoo ang kasal natin. You're just pranking, right? You love me, I know it! Azael please, mahal na mahal kita. Nagsisinungaling ka lang. Oo! Nagsisinungaling ka lang. You can't break us. Tayo lang dapat! I'll kill a bitch if someone try to steal you away from me!"

Napahugot siya ng malalim na buntunghinga at binaklas ang kamay nito sa kaniyang leeg. "Tama na. Its over now, Penelope." Binuksan niya ang pintuan nang kaniyang sasakyan para lumabas.

Isang yakap sa kaniyang likuran ang pumigil sa kaniya. "Hindi! Hindi Azael. Walang mang-iiwan at maiiwan! Gagawin ko lahat, just please stay! I knew since from the start, you love someone else but I don't care! I fucking don't care. I love you and that's all matters to me!"

Kung pwede lang pero hindi. Binaklas niya ang kamay nito. Tapos na sila. Kailangan na rin niyang tapusin itong pagpapanggap na ito.

"Si Amara, ba? Ha?!"

Bigla siyang natigilan, "Huwag mong idamay ang ibang tao rito."

"Wala akong makitang ibang dahilan kundi ang pekeng kapatid mo! Alam kong mahal mo siya! Dati kampante ako dahil imposible maging sa'yo siya pero nung malaman ko sa pinsan kong si Berkham na si Amara ang matagal nilang nawawalang kapatid... Bullshit! Siya ang dahilan diba?! Papatayin ko siya!"

Agad siyang humarap dito at mariin na niyugyug ang balikat. "Stop it! Hindi si Amara ang pinag-uusapan dito?!"

Malakas itong umiyak at nag-hysterical. Ilan sa mga taong nandun sa parking lot  ay napatangin sa kanilang gawi.

"Kung ganun, sino?! Ha?! Sino? How dare you for using and dump me afterwards! Akin ka lang Azael, tandaan mo iyan! A.k.i.n ka lang!" At malakas nitong sinara ang pintuan ng sasakyan nang lumabas ito at nagmamadaling tumakbo papalayo.

Napasabunot siya sa ulo. Fuck! Ito na nga ba ang kaniyang sinasabi. Sa dami-daming magagandang desisyong ginawa niya, ito ang pinakamalaking pagkakamaling kaniyang ginawa. Fuck it! Kung sana dati pa niya nalaman na hindi sila magkapatid ni Amara. Nakakabaliw talaga ang pag-ibig, iyon ang totoo.

ISANG linggo ang nagdaan, naging okay na ang lahat nang makatanggap ng tawag si Amara sa isang unknown caller. Nagdadalawany isip siya kung sasagutin ba niya ang bagay na ito pero sa huli, hindi niya ito sinagot. Hanggang sa nakatanggap siya ng text.

'Papatayin kita.ʼ

Sunod-sunod ang text na iyon hanggang sa pinatay niya ang cellphone at agad na isinilid sa bag. Nanlamig ang kaniyang buong kamay sa nabasa. Kung prank man ito, sino naman ang gagawa ng ganun kung sakali? Dapat na ba siyang matakot?

Humugot siya ng malalim na hininga. No. Masyado siyang maganda para matakot. Nagtaas siya ng noo at hinawi ang buhok. Wala siyang panahon para sa ganiyang death threat.

"My," tawag niya ginang. Simula nung lumabas na ito sa ospital, apat na araw na ang nakaraan hindi pa sila nag-uusap. Halatang iniiwasan siya nito.

"Amara, alam kong malaki ang galit mo sa'min ng dad mo but making up those stories is out of boundaries. Ang sakit sa part ko."

Lumapit siya rito at umupo sa tabi kung saan pareho silang nasa balkonahe. "Okay My, next time na lang natin pag-uusapan ito. But for now, kumain na kayo. Nagluto na si Celestine at hinihintay na lang tayo."

Tumango ito at sumunod sa kaniya. Napabuntunghinga na lang siya at walang magawa. Kahit anong pilit niya, ayaw talaga nitong maniwala. Siguro, ayaw lang nitong tanggapin pero sa nakikita niya, mahal na mahal nito si Celestine. Ayaw lang siguro nitong tanggapin ang rebelesasyon na ang unica hija nito ay hindi pala nito totoong anak.

Hindi rin niya nakita si Azael after nung sa rooftop. Halatang iniiwasan siya ng lalaki at wala naman siyang pakialam doon, kahit pa nga habangbuhay siyang iwasan nito. Gusto niyang isipin na kaya naman pala mahal siya ni Azael dahil hindi naman pala talaga sila magkadugo pero sa isipin na tinuring niya itong nakakatandang kapatid ay parehas pa rin iyon. Well, kapatid nga ba?
Ginulo na naman nito ang kaniyang sistema! Hindi pwede, kasal na ang kaniyang kuya at siya rin. May kaniya-kaniya na silang asawa at... Hindi siya tunay na Legrand.

Napapiksi siya. Kung anu-anong pumasok sa isipan niya. Siguro gutom lang talaga siya kaya sa lalaki na naman naglilikot ang kaniyang utak. Parang gusto niya tuloy makita ang gwapo nitong mukha.

DOMINANT SERIES 3: Ignite (Completed) AZAEL LEGRANDWhere stories live. Discover now