11 - Slut

54.7K 1.5K 217
                                    

Kung gaano kasaya ang buhay niya nung pababa sila papuntang falls, ganun siya kareklamo nung paakyat sila pabalik. That's it! Pagod na siya. Gusto niyang magpagulong-gulong sa sobrang pagod. Kulang na lang ay iiyak siya. Imagine, 1.5 kilometres ang lalakarin paakyat. Okay sana kung hindi hagdanan, eh. Nakakapanghina ng tuhod. Gusto niya na yatang maging Darna!

"Are you okay?" tanong ni Herrence her lab-crush.

Agad naman siyang napaayos ng tayo at ngumiti ng kimi, kunwari isa siyang mahinhin, "Yes naman. Medyo masakit lang po ang heart ko. Pwede niyo ba gamutin ito?" napahagikhik siya sa sariling kaharutan.

"If only I could. But your brother Azael would kill me." kumindat ito sa kaniya at binigyan siya ng nakakalaglag panty na ngiti.

Jusko naman! Panty kumapit ka! 'Wag kang bibitaw kaya natin ito! Ngiti lang iyan at hindi ka si Theon-pokpok. Napangiwi siya sa sinisigaw ng kaniyang utak.

Nasa pinakahuli siya. Maliban siya ang pinakabagal maglakad, puro reklamo na ang maririnig sa kaniyang bibig. Hindi sa pagod, kundi sa bwesit na jowa ng kuya niya.

"Azael baby, I'm so tired. Let's pahinga muna."

Azael baby I'm so maarte talaga. I'm so malandi rin.

Nag-ikot siya ng mata. Lalo na nung magdiklara ang kapatid niya na magpahinga muna sila sa kahabaan ng kanilang nilalakad. Bakit siya nung napagod kanina, hindi man lang sila huminto at nagpahinga?!

Napaka! Argh! Favoritism ka!

Pabagsak siyang umupo sa sementomg hagdanan at tinungga ang bottled water na dala. Dahil hindi naman siya nauubusan ng tsokolate, nagbukas na rin siya at parang wala sa sariling pinagkakagat iyon. Malapit niya ng maubos nang magsimula na ulit ang mga ito sa paghakbang.

"Wait!" Mabilis niya itong nilamon. Mga bwesit talaga ang mga ito.

"Kung balak mo magpaiwan, okay stay here," simpleng saad ng kuya Azael niya.

Napaismid siya at nag-ikot ng mata. Dahil tinatamad na talaga siyang humakbang, para siyang batang umupo sa isang tabi at nangalumbaba.

"Hey binibini, gusto mo pasanin na kita?"

Nagliwanag ang kaniyang mukha sa sinabi ni Theon. Pero agad din napasimangot nang dugtungan nito iyon ng joke lang. Nayayamot na nagsimula siyang humakbang at para hindi siya mabagot, kuha siya ng pictures dito, pictures doon at pati mga walang muwang na langgam na naghahakot ng pagkain ng mga ito, kinukunan niya.

Oh my!

Napalingun-lingun siya. Kanina lang ay kitang kita pa niya ang mga kasamahan. Sa isang shortcut sila dumaan at maraming daanan ang nagtuturo sa kaniya. Nagkibit siya ng balikat. Hindi naman siya takot mawala. Naglaro muna siya ng bentot-bentot sa utak kung alin ang daan susundin. Kanan! Hindi siya mahilig kumaliwa at mangaliwa. Loyal siya sa mga crushes niya kaya dapat kanan siya.

Lakad lang siya nang lakad. Ang ganda ng panahon at dahil nag-iisa lang siya, parang gusto niyang suluhin ang pagkakataon na iyon. Wala ang kaniyang kuyang sobrang OP at OA; over protective at over acting.

"Hi mga bibi!" agad niyang bati sa mga batang naglalaro.

"Hindi po kami pato," mabilis na sagot nung isa at sandaling tumigil ito sa paglalaro.

Napakamot siya sa ulo. "Ibig kung sabihin, mga bebeloves. Basta iyon na iyon! Taga-rito ba kayo?" magiliw niyang tanong.

"Hindi po halata?" sagot naman nung isa.

DOMINANT SERIES 3: Ignite (Completed) AZAEL LEGRANDWhere stories live. Discover now