21 - Family Portrait

41.6K 1.2K 27
                                    

Deritsong humiga si Amara sa malambot na kama sa hotel na pinagdausan ng kaniyang debut. Hindi niya na nakuhang magpalit ng damit dahil sa pagod. Ilang sandali pa ay mabilis siyang nakatulog pero agad din naalimpungatan nang may humaplos sa kaniyang pisngi. Gusto niyang magalit sa taong dumisturbo ng kaniyang pagtulog. Pero sa paraan ng paghaplos nito sa kaniyang pisngi at buhok ay parang dinuduyan ang kaniyang pakiramdam sa alapaap.

"You look beautiful princess..."

Napangiti siya sa kawalan nang marinig ang linyang iyon, parang si Azael lang. Wala sa sariling inabot niya ang kamay na humahaplos sa kaniyang pisngi at niyakap iyon.

Ilang sandali pa ay naramdaman niyang may humiga sa kaniyang tabi at mahigpit na yumakap sa kaniya. Imbes na tuluyan magising, mas lalo siyang dinuyan ng antok. Pero bago iyon, naramdaman niyang may dumampi sa kaniyang noo. Namimiss niya si Azael pero bawal.


SEMESTER break. Ayaw sanang umuwi ni Amara sa Pinas pero makulit si Trinity. Gustong sumama at magbaksyon kasama siya, kaya wala siyang magawa kundi ang umu-oo sa kakulitan nito. Wala naman siguro si Azael at malabong magkikita sila. Ayon sa mommy nila, hindi na umuuwi ang kaniyang kuya. Lagi na itong busy sa kanilang family business at sa videocall na lang ito nakikita ng kanilang magulang o kapag ang parents nila ang siyang pumupunta sa America para bisitahin ito.

Ang lawak ng ngiti ng lukaret niyang kaibigan. Halos ayaw na yata nitong matulog sa kaka-wow sa paligid na nakikita lalo na nung dumating sila sa Mansiyon ng Legrand. Kulang na lang ay sabunutan siya nito sa sobrang excitement. Lahat ng mga kasambahay at pati halaman ay binati nito sa salitang filipino. Natawa na lang siya sa kabaliwan nito. Dalawa na silang baliw at taga-ubos ng pagkain nito sa kusina.

"Holy shit! Kapatid mo 'to?!" Tinuro nito ang family portrait nila specially kay Azael na nasa tabi ng kanilang ama.

The lifesize portrait was painted 10 years ago at sobrang dugyot niya pa ro'n. Nakangiti silang tatlo pero hindi ang kaniyang kuya. Seryuso lang itong nakatingin at walang kangiti-ngiti pero hindi nabawasan ang kagwapuhan nitong taglay. Nananalaytay ang dugong French nsa side ng kanilang ama at dugong Spanish sa side ng ina nila. Indeed, Azael was a masterpiece by a great sculpture. Sa kaniya, dugo ng manananggal yata.

"Yeah," walang ganang sagot niya.

"Magkapatid ba talaga kayo? You two don't really look alike. Bet ko, ampon ka lang," saka ito tumawa at tinampal pa siya sa balikat.

Natawa siya sa birong iyon. Imposible na ampon siya dahil may picture siya since baby hanggang sa lumaki siya kasama ang mga ito. Sa side ng grandmother siya nagmana na matagal ng yumao.

"Alam mo lukaret kang babae ka, baka ikaw ang ampon bwesit ka! Kurutin ko 'yan singit mo diyan, eh."

"As if may makukurot ka."

Sabay silang napahalakhak at naghabulan ng kurutan. Natigil lang silang dalawa nang may kumuha sa atensyon nila pareho. Halos malaglag ang panga nilang dalawa sa bagong panauhin na dumating. Pero siya 'yong hindi makahuma sa kinatatayuan. Gusto niyang tumakbo papuntang silid niya at magtago.

Habang si Trinity, parang mamatay sa sobrang kilig nang makita ang kaniyang kuya Azael, na hindi man lang sumulyap sa kanila at deritsong nagtungo sa hagdanan

"Oh my goodness, Amara! Ang gwapo ng kuya mo sa personal! Like what the F! He's oozing with sex appeal and gosh, he's drop dead gorgeous! Nahulog yata ang bra ko."

Lihim siyang napasimagot pero hindi niya pinahalata sa babae. Wala itong alam sa nakaraan at pagitan nila ni Azael. Hinila niya na ang babae papalayo ro'n papunta sa kaniyang silid.

Bakit andito si Azael? Alam ba nito na uuwi siya o coincedence lang? Okay, two weeks lang naman sila rito ng kaibigan niya sa mansiyon at alam niyang madalang lang din niya itong makikita dahil may sarili itong mansiyon at inuuwian.

Nahirapan si Amara nang gabing iyon na makatulog. Kaya nagpasiya siyang magtungo sa balkonahe at tumayo. Mula ro'n, tanaw niya ang malaking pool sa ibaba at ang maliwanag na sinag ng buwan sa kalangitan. Blangko ang kaniyang isip nang mga oras na iyon at hinihintay lang niyang hilain siya ng antok. Kahit galing sila sa mahabang flight, ang kaibigan lang niya ang mabilis nakatulog after ng hapunan kasabay si Azael na tingnan siya ay para siyang hindi nag-exist.

Nalaman niyang tatlong araw lang ang lalaki at babalik ulit sa America. Kaya lang ito umuwi dahil pinatawag ito ng personal ng kanilang ama para sa isnag personal na bagay.

Napangiti siya ng mapait. Pakiramdam niya kalahati ng buhay niya ay nagbago simula ang gabing iyon. Paulit-ulit siyang dinadalaw sa kaniyang panaginip at sa bawat panaginip niya ay nagugustuhan niya bawat haplos ni Azael; nang sarili niyang kuya. Nababaliw na yata siya at baka isang araw makita na lang niya ang sarili niya na nagpa-check up sa utak. Dati pinagarap niya ang kuya niya mismo ang magiging kasayaw at escort sa kaniyang debut pero lahat ay nagbago.

Nagulat siya nang mula sa ibaba ay may taong mabilis na lumusob sa swimming pool. Naghintay siya ng ilang segundo kung sino iyon at nakita niya si Azael na umahon sa dulong bahagi ng pool.

Umatras siya at nagpasiyang bumalik sa kaniyang kwarto pero natuon ang kaniyang atensyon sa polynesian tribal tattoo nito na halos kalahating dibdib at braso ay sinakop. Bakit ito may tattoo? Naalala niyang ayaw nito sa ganun bagay. Walang salitang umalis siya ro'n at nagpasiyang sa kwarto na siya magpapadalaw ng antok.


"Hi Celestine!" bati niya sa babae, "Ang aga mo nagising, gusto mo tulungan kita?"

Nasa labas ito at nagdidilig ng halaman. Kahit papaano ay nadagdagan na ang timbang nito at nagkalaman na ang payat nitong katawan. Mahiyain pa rin ang babae pero ngumingiti ito bilang tugon. Pili ang salitang lumalabas sa bibig at parang hirap dito ang makiharap sa mga tao. Kung makikisalamuha man ito, kailangan may hahawak sa kamay nito na para bang takot ito sa maraming tao.

"Hindi na po," nahihiyang sagot nito at nagyuko ng tingin. Nag-excuse ito at lumipat sa ibang bahagi ng bakuran.

"Mahiyain siya, no?" bulong sa kaniya ni Trinity. May bitbit itong pagkain at walang awang panay lamon.

"Oo, ikaw ba hindi nahihiya?"

"Saan?"

"Sa pang-apat na box ng pizza sa ganito kaaga! Trinidad, maawa ka sa mga bulate mo sa tiyan, gusto na nilang mag-diet pero pinapalamon mo!"

Inirapan lang siya nito at iniwan. "Nagsalita ang mukhang plato. Mag-diet lang ako kung mapapansin ni Henrik beauty ko!"

Nag-ikot lang siya ng tingin at umupo sa veranda. Mamaya pa silang hapon aalis ng kaniyang kaibigan patungong Tagaytay kaya magmumuni-muni lang muna siya sandali. Nakakamiss din pala ang mansiyon nila.

DOMINANT SERIES 3: Ignite (Completed) AZAEL LEGRANDWhere stories live. Discover now