12 - Hellium... Lithium...

50.4K 1.4K 351
                                    

Naging masaya naman ang pag-unwind ni Amara sa mountain province ng Sagada. Iyon nga lang, hindi niya masyadong na-enjoy dahil sa sobrang KJ ng kapatid niya.

Gabi nang dumating sila pabalik sa Maynila, at bago siya natulog kumuha siya ng notebook at nagsulat sa pwede niyang gawin. Tutuhanin niyang paghihiwalayin ang mga ito. Bulag ba masyado si Azael? Sa sobrang gwapo nito namumulot lang ito ng basura?

Hindi kaya ginayuma ang gwapong kuya niya?! Oh no! Nag-isip siya ng possibleng dahilan habang nagpagulong-gulong siya sa malaking kama ng kaniyang kwarto. Hindi siya nakapagtiis, nag-search na rin siya sa Google.

Tama! Ginayuma nga ang kapatid niya. Hindi na kailangan ng proof dahil nakakapagtaka naman kung bakit ito pumatol sa bruha, eh, kitang-kita naman! Kilala niya ang kaniyang kuya Azael. Ang taas ng standards nito pagdating sa babae at wala itong naging girlfriend kundi ngayon lang!

Anong gagawin niya para mapawalang bisa ang gayuma? Mabilis niyang tinawagan si Theon. Ito lang naman ang mabilis niyang tawagan o ichat. Malandi kasi ito.

"Hey? Miss me?" natatawang bungad nito.

Nag-ikot siya ng mata, "Anong pangontra laban sa gayuma? Sagutin mo 'ko, bilis!"

"Iyan lang pala tinawag mo, Amara baby. Oo, sinasagot na kita," saka ito bumunghalit ng tawa sa kabilang linya, "Boyfriend mo na ang napakagwapong ako!"

Ang landi talaga!!! Agad niyang binagsak ang cellphone pero isang message naman galing kay Theon ang kaniyang natanggap.

'Punta ka Quiapo.'

Nanulis ang kaniyang nguso at matagal nag-isip kung bakit pinapunta siya ng Quiapo. Nagliwanag ang kaniyang mukha nang makuha ang ibig sabihin nito. Bukas na bukas din pagkatapos ng klase niya ay pupunta siya.


EKSAKTONG pag-uwi niya ng gabing iyon ay mabilis siyang tumakbo papunta sa kaniyang kwarto at binasa ang nakasaad sa kaniyang notebook. Nakuha niya ang tips na iyon sa Manang na nando'n sa Quiapo Church nakatambay. May binigay pa itong maliit na manika sa kaniya na gawa sa telang pula at may pa-freebing mga karayom. Tsada ni Manang! May balak yata siyang gawing mananahi in the future!

Laking pasalamat niya at nandun sa mansiyon ang magiting niyang kapatid. Maisasagawa niya ang plano ngayon gabi. Napangisi siya na mala-bruha.

Nasa labas siya ng silid ni Azael at hinihintay itong lumabas. Medyo nababagot na rin siya sa sobrang tagal nito sa loob. Siguro naglalaro ito nang, 'Jay-jay will you let Jun-jun toot-toot you.ʼ

Nagliwanag ang kaniyang mata nang pumihit ang seradura. Eksaktong paglabas ng binata ay awtomatikong lumagapak sa pisngi nito ang tsinelas na Spartan na binili niya sa Recto. Iyon kasi ang sabi ni Manang. Dapat daw talaga Spartan para effective!

Number 1 na gagawin sa taong nagayuma: Sampalin ng tsinelas para magising sa katotohanan.

"Hehe kuya... Ano kasi...may lamok. Oo, may lamok."

"Lamok?"

"Oo l-lamok kuya——"

"Maraaaaa!!!"

Run.

Halos napuno ng tili niya ang buong kabahayan at mabilis na tumakbo pababa ng hagdanan. Tulong! Iniisip niya kung gumana ba o hindi, pero sa reaksyon nito parang oo na hindi! Nakasunod sa kaniya si Azael na galit na galit pero dahil siya na yata ang the best sa lahat nang pinaka-the best, mabilis siyang nakalayo rito.

"Anong kaguluhan 'to?" Mula sa kung saan ay lumabas ang Mommy nila.

Mabilis siyang nagtago sa likuran nito. "My, si kuya hinahabul ako ng tsinelas, oh!" Kitang-kita niya ang pagtagis ng bagang ni Azael at pamumula ng mukha nito, "My, tanungin mo rin siya kung bakit may hugis tsinelas ang mukha niya," bulong niya sa Mommy nila. Nang makitang tumalim ang mga mata ni Azael at akmang lalapitan siya, mabilis siyang nag-puppy eyes.

DOMINANT SERIES 3: Ignite (Completed) AZAEL LEGRANDTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang