20 - 18th

45K 1.3K 50
                                    

Nag-ikot ng tingin si Amara sa bagong paligid na nakikita ng kaniyang mata. Australia it is! Dito sa lugar na ito siya magtatapos ng senior high at magpapatuloy ng kolehiyo.

"You sure okay ka lang talaga dito? Wala na ako na laging magluluto ng paborito mong pagkain, wala na ako——"

"Mom!" inirapan niya ito at tinawanan lang siya ng ginang.

"I know, I know. You're grown up now. Malulungkot na kami ng dad mo nito dahil kami na lang sa mansiyon."

Ngumisi siya. Not anymore! Last month lang ay may nabangga ang mga ito, isang babaeng kasing-edad lang niya. Mukhang galing ito sa probinsya at walang kamuwang-muwang sa mundong pinuntahan at basta na lang tumawid kahit naka-red light. Dala-dala ang maletang gawa sa abaka. Nalaman nilang naglayas ito at galing pa sa Zamboanga, sinasaktan ito ng sariling mga magulang. At naniwala sila dahil na rin sa mga pasa nito at mga latay sa katawan.

"Pero hindi na ngayon, My! Kasama niyo si Celestine, siya muna ang baby niyo at nakikita ko na mabait siya." Kinindatan niya ang ina at inakbayan.

Malungkot na napabuntunghinga ang ito, "Naaawa ako sa batang iyon. Nung unang araw na dumating sa buhay natin, sobrang payat at puro pasa. Hindi maayos ang pagkakagupit ng buhok at maraming sugat at piklat. Salamat at kami ng Dad mo ang nakakita sa kaniya. Hindi mo mahahalata na kasing-edad kayo dahil sa kapayatan niya, mukha siyang katorse."

"Kaya nga mommy, siya muna baby niyo. Don't worry about me here, kapag namiss niyo ako, dalawin niyo ako ni Celestine!" masiglang saad niya, "And please Mom, 'wag niyong banggitin kay kuya Azael na nasa Australia ako at dito na mag-aaral."

"Honey..."

"Promise me Mom. Gusto ko ipakita sa kaniya na kaya ko ang sarili ko at susurpresahin ko siya balang-araw pag uwi niya ng Pinas." kinagat niya ang pang-ibabang labi sa kasinungalingan sinabi niya.

Si Azael ang rason kung bakit lumayo siya at nagpakalayo kahit ayaw niya. Kapag nasa Pinas lang siya, naaalala niya ang lahat at paulit-ulit na bumabalik sa utak niya 'yong gabing may nangyari sa kanila ng sarili niyang kuya. Sana, patahimikin na nito ang buong sistema niya dahil kahit saan anggulo niya isipin, mali talaga.


MASAYA siya sa ilang buwan niya sa Australia. Marami man pagbabago pero sinusubukan niyang mag-adjust sa panibagong lugar. Natatakot siya pero kailangan niyang harapin ang takot na iyon.

May sarili siyang condo malapit sa University na pinapasukan niya at may kasambahay na dumadalaw sa kaniya every saturday para maglinis ng kaniyang unit.

Nagkaroon siya agad ng kaibigan sa katauhan ni Trinity Williamson from Pittsburgh Pensylvannia. Mabait ito at madaldal kaya mabilis silang nagkasundo. May kaibigan na rin siyang matatawag at hindi plastic tulad niya. Tinuturuan niya itong magsalita ng tagalog dahil gustong-gusto raw nitong matuto at kumuha pa ito ng tagalog class dati pero hindi rin nagtagal dahil loaded lagi ang schedule.

"Hoy, Trinidad! Halika na at nagsisimula na ang pangatlong subject natin." Kinalabit niya ito habang kagat-kagat ang burger sa isang kamay at taco sa kabila.

Hindi halatang mahilig sila sa pagkain dalawa kaya sigurong magkasundo sila. Halata naman sa hitsura nila, ang pinagkaiba lang ay mataba ito at laging nabu-bully. Pero walang paki ang dalaga dahil pareho silang maldita. Inaaway nila ang nambubully sa kanila!

"Maka-tirnidad ka naman..."

"Anong Tirnidad? It's Trinidad. In-short, Trinity." Ngumisi siya. Dapat may subject din silang puro pagkain eh, ang taas siguro ng grades nilang dalawa. Baka magtatapos pa silang cum laude, with golden medals.

DOMINANT SERIES 3: Ignite (Completed) AZAEL LEGRANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon