37 - You're Drooling

43.7K 1.1K 28
                                    

Hindi niya alam kung saan na naman siya magsisimula after nung malaman niya ang kwento laban kay Celestine. Nagpasya ulit siya na kumuha ng panibagong PI dahil 'yong private investigator niya ay may nag-ibang bansa.

Unang ipapaalam niya ay kung sino ang babaeng nagnakaw sa dalaga at ano ang motibo nito. Ito muna ang ipapagawa niya. Nasa Zamboanga pa rin siya at pang-anim na araw niya iyon. Si Berkham ang nag-suggest ng PI para sa kaniya at dahil pareho sila nang pinagsusuutan, they decided to help each other. It doesn't bother her, Berkham was  a good friend at mapapagkatiwalaan ito ng mga sekreto. Kaniya-kaniya silang galaw kung paano ma-solve itong mga katanungan na hinahanap nilang dalawa.

"Tingin mo, buhay pa kaya ang kapatid ko?" nawawalang pag-asa na tanong ng binata.

Tinapik niya ang balikat nito. "Naman! Makikita mo siya sa tamang panahon. Huwag ka ngang drama d'yan!" Saka niya sinipsip ang iced tea pero ang totoo, lumilipad ang utak niya.

Mayamaya ay nagulat siya sa malakas na ringtone ng cellphone ni Berkham. May tumatawag dito. Agad nagkunot ang binata at nagdadalawang isip sagutin ang tawag pero pinandilatan niya ito ng mata kaya sinagot nito iyon.

"Yes Penelope?"

Umasim ang kaniyang mukha nang marinig ang bantot na pangalang iyon.

"Hey hey, calm down... Tell me what happened?"

Nag-ikot siya ng mata kahit hindi naman niya naririnig ang boses sa kabilang linya. Basta nabibwesit lang siya talaga.

"Fuck! You're kidding right?!" Napatayo ito at alalang-alala ang mukhaa.

Natigil siya sa pag-inom ng iced tea at tumingin dito. Based sa reaksyon ni Berkham, mukhang may hindi magandang nangyari.

"Shit! Okay okay. I'm going home right away," agad nitong pinatay ang tawag saka humarap sa kaniya, "Amara I have to go back on my country. My mom was rush to the hospital. I'm sorry but I'll see you again soon. Bye for now Amara." Hinalikan siya nito sa pisngi at niyakap ng mahigpit bago siya iniwan na mag-isang nakaupo.

Lumipas muna ang ilang segundo bago siya nahimasmasan sa nangyari. Napatango na lang siya at sumagot ng ingat pero nasa malayo na ang binata at nagmamadali. Kung sabagay, laban niya ito mag-isa. Kaya niya ito. Isa siyang Legrand at walang kinatatakutan ang pamilyang meron siya.

Pero naubos ang kaniyang buong linggo doon na wala siyang nakuhang sapat na sagot mula sa kaniyang investigator. Humingi ito ng isang buwan sa kaniya kaya wala siyang magawa kundi ang pumayag dahil alam naman niya talagang may kahirapan ang kaniyang pinagawa.

Bumalik siya sa Maynila na parang walang nangyari. Nakakaimbyerna nga lang dahil mukha ng pagong nilang kapitbahay ang nakita niya. May bitbit itong malaking baggage papalabas ng gate. Maglalayas na ba ito? Ay kawawa naman, walang maghahatid.

Binaba niya ang salaming bintana ng kaniyang sinakyang taxi at ningisihan ito. "Maglalayas ka? Tagalan mo, ah? Kung pwede, huwag ka rin bumalik." Nag-wave siya dito at agad pinagsarhan ulit. Dinig na dinig niya ang galit na pagmumura ng babae. "Manong, wag mo pasakayin 'yon, ah? May lahing mangkukulam 'yan," kinausap niya ang driver na kamot naman ang naging sagot.

Out of town si Theon kaya tahimik na bahay ang bumungad sa kaniya. Napangiti siya nang mabasa ang sticky note na dinikit nito sa refrigerator sa kusina.

'Wifey,

I'll be gone for awhile. I'll call you soon.

Theon-gwapo.ʼ

Kailan ba naging gwapo ang pokpok na iyon? Tinago niya ang sticky note at kumuha ng juice. Nauuhaw siya at the same time, walang maisip kung ano ang gagawin sa araw na iyon. Siguro magpapahinga muna siya at sandaling kalimutan ang lahat.

PAGKATAPOS nang kaniyang klase, dumeritso siya ng mansyon at binisita si Celestine. Tulad nang dati, tahimik at mahiyain pa rin ito. Wala man lang itong kaalam-alam na magkapatid sila pero bakit hindi niya maramdamang masaya siya sa bagay na iyon? Tinawag niya nag dalaga at kinausap ito nang sila lang dalawa sa lanai.

"Celestine..."

"Bakit Ma'm Amara?"

Napangiwi siya sa paraan ng pagtawag nito. Masyado talaga itong pormal. Nahihirapan tuloy siya kung paano magsalita.

"What if ikaw ang nasa katayuan ko at malaman mong hindi ka tunay na anak, anong magiging reaksyon mo?"

Matagal ito bago sumagot. Tinitigan muna nito ang rosas na hawak bago nagtaas ng tingin at tumingin sa kaniya. "Unang-una, magagalit at masasaktan pero iintindihin ko. Pangalawa, magpapasalamat dahil nasa magandang pamilya ako napunta at pinalaki ako ng maayos. Pangatlo, gagawin ko lahat para hanapin ang tunay kong mga magulang at tanungin sila kung bakit pinaampon nila ako."

Bahagya siyang nagulat sa naging sagot nito. First time nitong makipag-usap sa kaniya na mahaba ang naging sagot. Odd. Pero nagustuhan niya ang naging response nito.

"Minsan ba sumagi sa isip mo na ampon ka ng mga taong nagpalaki sa'yo?"

Malungkot itong nagbaba ng tingin at napatitig sa hawak na rosas. "Minsan oo, minsan hindi. Pero kadalasan hindi ko na pinapansin."

"Celestine, may sasabihin ako sa'yo——"

"Where's mom?"

Nagulat siya sa biglang pagdating ni Azael. Seryuso ang buong mukha nito at—— Napatanga siya. Halos malaglag yata nag kaniyang panga sa nakita. Wait, wait! Ang kaniyang kuya niya ba ito? Palihim niyang pinigilan ang sarili na humanga rito. Jusko naman! Isang linggo lang siyang nawala pero bakit pagbalik niya ay nagmistula itong Greek god na kakababa lang sa trono.

Ang mahaba nitong buhok ay ngayon naging clean cut. Kakaahit lang at amoy na amoy pa rin niya ang paboritong after shave na gamit nito. Naka-polo ito at short na kala mo bagits. Bumata ito tingnan at andun na naman 'yon pamilyar na tibok ng kaniyang puso sa tuwing nakikita niya at nasisilayan ang mukha ng lalaki.

"You're drooling Amara. Laway mo."

Shit! Agad niyang tinikom ang bibig at dali-daling umalis sa lanai. Nagtungo siya sa kusina at mabilis na kumuha ng malamig na tubig. Masyado siyang naiinitan. Hindi pa man siya nangangalahati sa iniinumang pitsel nang magsalita si Azael sa kaniyang likuran.

"Ay gwapo!" Nabuhos sa kaniyang suot na damit ang tubig. Shit naman! Ba't ba nanggugulat ito?! Inis na humarap siya rito. "Ano ba?! Kita mong umiinum ang tao, bigla-bigla ka na lang nanggugulat."

"S-sorry," nag-iwas ito ng tingin.

Agad siyang napatingin sa basang damit na suot. Bakat na bakat pala ang kaniyang dibdib at litaw na litaw ang suot niyang pulang bra. Bwesit! Namula siya at mabilis na tumakbo papalayo papunta sa kaniyang silid ng mansiyon iyon. Hindi niya alintana ang pagsunod ng tingin ni Azael sa kaniya, basta lang siyang tumakbo paakyat.

Ang lakas nang tahip ng puso niya nang bumagsak siya sa kama. Napatitig siya sa kesame at dinama ang dibdib niyang parang naghahabulan sa sobrang lakas ng tibok. May racing yata. Namumula pa rin ang kaniyang pisngi at ramdam niya iyon. Anong nangyayari sa kaniya? Bakit hindi na normal ito? Nagbangon siya at humarap sa salamin life size mirror na nasa kanan bahagi ng kwartong iyon. Pinagmasdan niya ang kaniyang sarili at marahan tinampal ang pisngi.

Amara ikaw ba iyan?

Parang temang na tanong niya sa kaniyang sarili. Naiisip pa rin niya ang mukha ni Azael at sa tuwing sumasagi ito sa utak niya, nagwawala ang kaniyang puso. Mababaliw na naman yata siya. Magkapatid sila! Hindi pwede ang kaniyang iniisip at isa pa, kasal na siya at magkapatid sila. Oo, magkapatid sila. Marahan siyang huminga at kinalma ang sarili bago siya nagpasyang magpalit ng kasuotan bago siya bumaba ulit.

DOMINANT SERIES 3: Ignite (Completed) AZAEL LEGRANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon