40 - The Real Amara Legrand

46.5K 1.4K 70
                                    

Kalmadong nakaupo lang si Azael sa loob ng kaniyang opisina nang pumasok ang kanilang ina. Puno nang pag-aalala ang mukha nito pero kahit ganun pa man, hindi nabawasan ang angkin ganda. It's been a fucking years na walang paramdam si Amara kahit sa kanilang ina.

That brat! Napakatigas talaga ng ulo nito. Last access niya sa location ng babae ay nasa Australia ito. Hindi niya masisisi si Amara, marami itong katanungan at alam niyang nagpasagawa ito ng ibang test pero huli nang malaman niya iyon, sabay-sabay kasing nagkaroon ng problema sa kompaniya at ilan sa company na stock holder sila ay nag-bankrupt. Sunod-sunod ang pagkaroon ng problema kung kaya nang araw na tinawagan siya ng ama, nawala sandali sa utak niya ang babae.

"Have you seen your sister? Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, dapat hindi ko na lang siya pinakasal kay Theon. Nagrerebelde siya at naglayas. Holy Mary! Sumasakit na ang ulo ko sa paghahanap sa kaniya."

"Mom, I told you please don't stressed yourself. Okay lang ang kapatid kong iyon. Hayaan muna natin siya at masama sa iyo ang mag-alala. Don't worry, I'll do everything to find her and bring her back." Tumayo siya at giniya itong umupo.

Napabuntunghinga na lang ang ginang at napasandal na parang nag-iisip. "I hope she's doing okay."

Napatitig siya sa rito at napahugot ng malalim na hinimga. Gusto niyang magtanong pero pinili niyang manahimik para hindi madagdagan ang pag-aalala nito. Mabuti at nand'yan ang kapatid niyang si Celestine at pinapasaya ang mga ito. Gusto niyang sabihin sa ina ang nalaman pero baka atakehin ito kaya maghihintay siya ng tamang panahon.

Hindi siya nagkulang bilang kuya ni Celestine, pinaramdam niya rito na magkapatid sila at sinasama niya ito minsan sa mga business trip niya. Lahat ng mga taong nakakakita sa kanila ay iisa ang sinasabi, ang ganda ng kaniyang kapatid at hindi naglalayo ang kanilang hitsura.

Fate was playing them at kahit pinaglaruan sila ng tadhana, sa parteng kay Amara lang niya naappreciate ang paglalarong ginawa ng tadhana sa buhay nilang pamilya.

Amara, his princess. Hindi niya ito hahanapin, alam niyang babalik ito ng mansiyon at oras na bumalik ito, aagawin niya na ito sa taong nagmamay-ari sa papel at batas pero hindi ang buong puso at pagkatao. Amara is his and only his.

NAPANGITI si Amara nang matanawan ang isang may edad na ginang na papalapit sa kaniyang gawi. Mula sa hugis ng mukha at mata nito, masasabi niyang mag-ina sila. She looks like her kahit may edad na ito. God! Kung hindi dahil sa test nila ni Berkham, hindi pa niya malalaman na siya 'yong kapatid na tinutukoy nitong matagal ng nawawala.

Buhay nga naman, sobrang mapagbiro at siya itong napagtripan at paglaruan. Buti na lang at nag-insist siyang magpa-test dahil kung hindi pala, hindi pa niya malalalaman na hindi siya Legrand at isa pala siyang Farragher.

Half pinay at half irish. Dating nakatira sa Pinas pero nung nawala at hindi siya mahanap ilan taong na ang lumipas ay umalis ang buong pamilya at nag-stay sa America para kalimutan ang nangyari. Lima silang magkakapatid. Siya ang pang-apat at nag-iisang prinsesa.

"Amara anak..." Tumabi ito ng upo sa kaniya.

Ayon sa mga ito, hindi Amara ang tunay niyang pangalan kundi Ailidh. Pero bilang respito at pasasalamat ng mga ito dahil buhay at malusog siya, tinanggap ng buong puso ng mga ito ang kaniyang pangalan.

"Ma!"

"Anak, tatlong taon na rin. I think it's the time that we should go back to Philippines and personally thank the family who raised you."

Bigla siyang nalungkot nang maalala ang daddy at mommy niya. Kinain siya ng konsensya. Iniwan niya ang mga ito na walang paalam kundi tanging sulat lang na hindi niya gusto ang ginawang pagpapakasal ng mga ito sa kaniya kay Theon. And that, naglalayas siya at babalik lang kapag okay na. Lame reason pero iyon lang ang pumasok sa kaniyang utak nang araw na iyon. Letse, kahit kailan talaga sakit siya sa ulo.

DOMINANT SERIES 3: Ignite (Completed) AZAEL LEGRANDWo Geschichten leben. Entdecke jetzt