14 - Dirty Rug

44.6K 1.3K 113
                                    

Nakalarawan ang pag-aalala sa buong mukha ni Doc. Hayes nang bumisita siya rito kinabukasan pagkatapos ng klase niya. Para siyang sinaniban ng pitong demonyo sa kaniyang hitsura, malalim ang mata at walang ayos na tulog.

"Amara? Hey, you okay?"

"Yes!" hyper niyang sagot at pabagsak na umupo sa upuan nandon paharap dito. "I mean-- nope."

"Not feeling well?"

Nawala ang pagiging hyper niya at matamlay na nangulambaba sa harap nito. "Doc, nababaliw na yata ako. Check up mo naman ako, please?"

Natawa ito sa kaniyang sinabi at umiling-iling. "You got the wrong Doctor."

"Pero Doc... 'yong puso ko!"

"I don't remember you have a heart failure," agad na sagot nito, "Go home Amara."

Napaismid siya. Napakastrikto talaga nito. Lihim siyang umirap at umayos ng upo. Lumunok pa siya ng sobrang daming kapal ng mukha para lang magkaroon nang lakas ng loob na magpa-check up rito pero heto at pinapaalis na siya.

"Akala ko ba Doctor ka? Kailangan ko ang prescription mo." Napahawak siya sa puso. Andun pa rin ang hindi normal na tibok ng puso niya at alam niyang hindi simpleng crush iyon para sa kapatid niya. Nababaliw na nga siya!

Nagseryuso ito at tinatamad na nakinig sa kaniyang hinaing. Naglabas ito ng papel at mamahaling ballpen nito at nagsenyas na magsalita siya.

Huminga siya ng malalim at nagsimula, "Eh kasi... Si ano... Ano kasi... 'Yong puso ko... Ano kasi... Siya... Ah kasi..." Hindi siya nakapagpatuloy sa pagsalita nang biglang magsulat ito sa papel at agad binigay sa kaniya. Agad niyang binasa kung anong nakasulat at kung anong gamot ang pwedeng dalhin.

'Kulang ka lang sa tulog. Mukha ka ng bruha. Umuwi ka ng bata ka at kumain ng maraming kanin. Gutom lang yan.'

Napahaba siya ng nguso. Napaka-cold talaga nito! Nakakainis! Inismiran niya ito at binelatan. Akala mo gwapo! Mabigat ang puso na umalis siya roon at matamlay na nagpunta ng Mall. Kakain nga talaga siya at gutom nga siya.

Pero susubo pa lang siya ng paborito niyang ice cream, namataan niya si higad na maarteng naglalakad papasok sa isang mamahalin shop ng mga gamit ng pambabae kasama ang kaniyang kuya. Biglang tumalim ang kaniyang mata at mabilis na sinubo lahat ang ice cream kahit nakakangilo sa ngipin ang lamig, wala siyang pakialam. Dapat mapuntahan niya agad ang mga ito! Masyado siyang ini-stress ng malanding si higad at nang bwesit niyang kuya.

Napataas ang kaniyang kilay nang makitang nagsusukat ng damit ang babae habang ang kuya niya ay nakatungo sa cellphone nito at halatang bagot na bagot. Napangisi siya sa naisip. Mabilis siyang lumapit sa nakahilerang damit at stilettos, naghanap ng pwedeng masukat. Nakita niyang pumasok na ito sa isang fitting room, walang sabing humablot siya ng mga damit at isang pares ng high heels na hindi man lang niya tiningnan kung kakasya ba at pumasok sa katabing fitting room.

Napangiwi siya nang makitang puro sexy revealing dress ang kaniyang mga nakuha at lahat ng mga iyon ay fitted at hulmang hulma ang malulusog na dibdib niya but who cares? Ipapakita niya rito na mas maganda kaya siya. Isang black haltered dress ang sinukat niya na hanggang tuhod ang taas pero ang slit ay makikita na yata ang kaniyang kaluluwa. Napabungisngis siya sa kaniyang hitsura nang makita ang sarili, nagmukha siyang isang ganap na dalaga at bumagay ang suot niyang stilettos. Hinintay niyang bumukas ang katabing fitting room at nung bumukas na iyon ay confident siyang lumabas.

"Honey, you think bagay sa--" hindi natapos ni higad ang sasabihin nang umeksina siya.

"Oh, hey sissy!" kunwari gulat daw siya at masayang makita ito.

DOMINANT SERIES 3: Ignite (Completed) AZAEL LEGRANDWhere stories live. Discover now