22 - Bitch

40.8K 1.3K 40
                                    

Nag-commute sila papuntang Tagaytay ng kaniyang kaibigan. Ang malala ro'n ay pagkain pa rin ang inatupag ng dambuhalang babaeng kasama niya. Kung hindi lang ito tao, matagal niya nang pinasabay sa ilog.

Nung una ayaw pumayag nang kaniyang ina pero mapilit sila na mag-commute kesa ang magpahatid sa family driver nila. Wala naman masamang mangyayari sa kanila dahil isang suntok lang ni Trinity, tulog agad ang mga ito.

Sa mismong Legrand's Residences sila nag-stay para hindi na mangulit ang kaniyang ina. Masaya ang unang araw nilang dalawa at puro pagkain ang kanilang inatupag. Nagpapaligsahan yata silang dalawa.

Natigilan lang sila pareho nang may matanaw silang babae, na sobrang arte at panay reklamo sa isang utility. Nasa tabi ito nang malaking swimming pool at nagdadakdak. Thankful siya at hindi masyadong malamig sa Tagaytay ngayon. Baka tinanong niya na ito kung hindi ba ito nilalamig at may gana pa itong maligo. Nakinig lang sila ni Trinity sa pinag-iinarte nito at pamamahiya sa kawawang utility.

"Haven't I told the management last nigt that I want this pool clean! Eww, its disgusting! Call the managing head, now!" maarteng dakdak nito at nameywang pa.

Hindi nakapagtiis si Amara sa pinagsasabi nito, kung kaya humakbang siya papalapit sa babaeng nakatalikod sa kanilang gawi. Managing head ba hanap nito? Well, pwede naman siguro siyang lumapit at makipag-usap dito dahil anak naman siya ng may-ari ng Legrand's Residences.

"Excuse me? You're looking for me, ma'm?" mabait na approached niya at nakangiting tinapik ang balikat nung lalaki na ibig sabihin ay siya na ang bahala.

Nagulat ito pero hindi na nagsalita. Habang si Trinity ay lamon lang nang lamon sa isang tabi at nagta-thumbs up sa kaniya. Napaka-supportive talaga ng kaniyang best friend!

Nagtaas ng kilay ang marteng babae at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Nakasuot lang siya ng tsinelas at shorts. Plus malaking t-shirt, malaking glasses at naka-messy bun. "Anong klaseng managing head ka to wear like that?" umismid ito. "But who cares? I want this pool na palitan ng tubig now na!" maarteng saad nito at nagtanggal ng suot na shade.

Nayayamot na tiningnan niya ito, "Ma'm we're very sorry pero hindi pwede 'yang gusto mo, maybe, mamayang gabi kapag wala ng naliligo," mabait pa rin niyang sagot kahit ang totoo gusto niyang itulak ito at malunod na.

"Ang sabi ko, palitan niyo agad ang tubig sa pool na ito! Boyfriend ko ang ari ng Legrand's Residence at isang sabi ko lang na ipatanggal kang babaeta ka, tatanggalin ka agad. Napaka-unprofessional pa ng suot mo and wala kang modo! You are bobo! You wait, at isusumbong kita."

Napangisi siya at nagtaas ng kilay. "Then do it bitch."

Nagulat ito sa kaniyang sinabi. Tumalim ang tingin nito sa kaniya at galit na umigkas ang kamay nito sa ere. Pero bago pa siya nitong magawang sampalin, nahawakan niya na ang kamay nito at malakas na itinulak ito sa swimming pool.

Napasigaw ang mga nakakita sa kaniyang ginawa at malakas na palakpak ang nakuha niya sa kaniyang supportive na kaibigan. The best talaga si Trinity! Agad niyang inirapan ang maarteng babae at tinalikuran ito. Ayan, maglugar ito sa kaartehan sa katawan.

"Hoooo! Bestfriend ko 'yan!" malakas na sigaw ni Trinity.

Hindi pa tuluyan nakalayo si Amara, may humablot na sa kaniyang buhok. Hindi niya napaghandaan ang biglaan pagsabunot ng maarteng babae sa kaniya. Matangkad ito at petite lang siya pero hindi siya papatalo, nagsabunutan silang dalawa sa gilid ng pool.

"Bitch you'll gonna pay this! I swear you'll lose your job and everything after this!" pagsisigaw nito at walang balak yatang bitawan ang kaniyang mahal na buhok.

"Eh puta ka rin bwesit ka! Anong tingin mo sa tao rito utusan mong hindut ka! Lulunurin kitang hayop ka at pati 'yan kaartehan mo!"

Nagsisisagawan ang mga taong nandoon pero walang umawat o sa tamang salita hindi sila nagpaawat. Dudurugin niya ang maarteng mukha nito hanggang sa magmukha itong jellyface at umalis!

"Mara! ENOUGH!" Isang malakas na boses mula sa kung saan ang nagpatigil kay Amara. Lalo na nung may humila sa kaniyang beywang para makaalis sa ibabaw ng bwesit na babae.

Agad humagulhul at maarteng yumakap ang babae sa lalaking kilalang-kilala niya; si Azael.

Natigilan siya at tumayo sa isang tabi habang pinagmamasdan ang lalaki na inaalo ang babae. Napangiti siya nang mapait. Kaya pala ang lakas ng loob ng bruha dahil may kapit pala kay Azael. Hmm, not bad. Magaling itong pumili ng defense.

"That bitch was trying to kill me, honey!"

Hindi siya sumagot. Humakbang siya paatras pero sandali siyang natigilan sa sinabi ni Azael. "You're causing too much trouble here, brat."

Kinalma niya ang sarili at hindi sumagot. Mabilis na sumunod ang kaniyang kaibigan at sinamahan siya nito sa kaniyang room. Nawalan na siya ng gana sa araw na iyon.

May bagong girlfriend na pala ito, kung ganun saan 'yong dating mukhang plastic na jowa nito dati na akala mo pamilya ng linta kung makakapit sa kapatid niya. Oh well, nag-upgrade ang pinagpalit nito, hindi na ito mukhang plastic kundi mukha itong engrone ng kuku! Napairap siya sa hangin.

Nagising si Amara sa ilang sunod na katok sa kaniyang room. Magkaiba sila ng room ni Trinity. Ayaw siya nitong makasama sa iisang bed at baka raw madaganan siya at maging sanhi ng maaga niyang pagkamatay. Baliw talaga itong kaibigan niya kahit kailan.

Wala sa ayos na bumangon siya at pinagbuksan ang panauhin niyang Trinity. Ito lang naman ang alam niyang mang-didisturbo! Kukurutin lang niya ang singit nito—— pero hindi ang kaniyang kaibigan ang nasa labas. Its Azael. Galit itong nakatingin sa kaniya at nababakas niya sa mga mata nito ang galit na tinatago. Wow ha, ito pa ang galit? Baka nakalimutan nito ang ginawang kawalanghiyaan sa kaniyang katawan?

Mabilis niyang isinara ang pintuan pero agad nitong hinawakan iyon. "Say sorry to her, Amara. You shouldn't treat our guest like that. Act on your age and not on the size of your shoes. Masyado ka ng masakit sa ulo at lahat sa tingin mo ay gusto mo ay masusunod."

Napangisi siya. Talaga lang, ha? "Get lost. Since then na binaboy mo ako, pati pagtawag at pagbanggit sa pangalan mo ay nasusuka ako. Umalis ka!"

Kitang-kita niya ang sakit sa kislap ng mga mata nito. Marahan itong bumuntunghinga at nagbaba ng tingin.  Tumalikod ito at umalis.

Mabilis na nagsiunahan sa pagpatak ang kaniyang mga luha. Hindi siya sanay na ganito sila ng lalaki pero simula nang araw na iyon na inangkin siya nito, tinuldukan na nito ang pagkakapatid nila. Mahal niya si Azael hanggang kapatid lang at masakit din sa kaniya na maging ganito silang dalawa.
Nasanay din siyang laging nandiyan ang kuya niya sa lahat ng bagay na parang superman at akala niya magtutuloy iyon. Pero mali siya, ito rin pala ang sisira sa kaniya at sa relasyong magkapatid na meron sila.

DOMINANT SERIES 3: Ignite (Completed) AZAEL LEGRANDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora