23 - Arranged Marriage

44.3K 1.2K 19
                                    

Hindi rin sila agad nagtagal sa Tagaytay ni Trinity. Agad silang bumalik ng Manila at nagpasiyang lumamon na lang silang dalawa sa nagmamahalang restaurant.
Nag-enjoy sila ni Trinity sa food tours nilang magkaibigan.

Nagtaka lang siya nung magkaroon ng family dinner ang pamilya Legrand at Willoughby sa isang sikat na restaurant sa Makati. Ayaw sanang pumayag ang mommy niyang isama ang kaniyang kaibigan pero nagpumilit siyang isama ito para may kadaldalan siya at hindi mabagot. For sure, business lang ang pag-usapan ng mga ito kaya napa-oo ito.

Nagulat si Amara nang makita si Azael. Lihim siyang napairap nung umupo ito sa tabi niya. Akala ba niya at nakabalik na ito sa America? Bakit nandito pa ito sa Pinas at anong ginagawa nito? Seryuso ang buong mukha nito at halatang ilang araw nang hindi nagsi-shave. Wasted.

Agad siyang nawalan ng gana sa kinakain. 'Yong pineapple juice na lang ang kaniyang ininum at nagbibilang ng oras kung kailan matatapos ang family dinner na iyon.

"Ngayon nasa tamang edad na si Amara, sapat na ito para pag-usapan ang kasal nila ng anak namin si Theon."

Nasamid si Amara sa kaniyang iniinom. Agad siyang dinaluhan ni Trinity na gulat din sa narinig. Teka, mali lang ang narinig niya. Hindi naman siya naka-arrange marriage 'di ba? Imposibleng mangyari iyon dahil alam niyang hindi magagawa ito ng parents nila. Sobrang imposible talaga!

Napatingin siya kay Theon, tahimik lang ito at nasa pagkain nito nakatuon ang atensyon. Parang wala itong pakialam kung ano ang nangyayari sa paligid.

"Teka... Teka tito," naguguluhan tanong niya. Tumingin siya sa ama. "Dad? Anong nangyayari?"

Oo crush niya si Theon pero hindi naman ibig sabihin ay magpapakasal sila! Ang unfair sa part ng binata at sa kaniya.

"Yes darling, since kids ay nakatakda na kayong dalawa. It should be Azael and Theon older sister pero nagbago ang plano kaya ikaw at si Theon ang napagkasunduan ng pamilya."

Napamaang siya sa narinig. Halos hindi niya magawang kumurap sa nalaman. Nananaginip yata siya at ilang sandali lang ay mauuwi na ito sa bangungot. Hindi. Sunod-sunod siyang napailing. Hindi siya makakapayag sa gusto ng mga ito! Hindi sila laruan dalawa ng lalaki.

Ibubuka pa lang niya ang bibig para magsalita at tumutol pero naunahan na siya ni Azael.

"Fuck this family ties and wealth!"

"Azael!" sita ng kanilang ina, "Nasa harap tayo ng pamilya Willoughby!"

Mula sa kaniyang peripheral vision, nakita niya ang pangangalaiti nito at pagdilim ng mukha nito. Halatang halata sa reaksyon nito malaking pagtutol sa mga nangyayari.

"Excuse me," galit na saad nito.

Mabilis itong tumalikod pero bago iyon, nakita ni Amara ang nagbabantang tingin nito sa kaniya na ilang segundo lang ang itinagal.

Nakaramdam siya ng takot at kaba sa titig na binigay nito. Segundo lang iyon pero pakiramdam niya, milyon-milyon mensahe ang pinarating nito sa kaniya. Parang sinasabi nito na oras na pumayag siya at sumangayon sa gusto ng magulang nila ay malalagot siya nito. Wala itong sinabi pero kinain ng takot ang buo niyang pagkatao.

"Hey Amara, your mom asked you," Si Trinity.

Saka lang siya parang nagbalik sa kaniyang katinuan at napatingin sa ina.

"Amara, honey?"

Kimi siyang ngumiti. Kaya ba niyang sirain ang ngiti nito ngayon kung sabihin niya na ayaw niya? Kung sakaling umayaw siya, titigil ba si Azael sa panggugulo sa buhay niya? Titigil na ba ito sa kabaliwan nito?

Tama, kailangan niyang tanggapin ang fixed marriage na ito para matigil na ang kabaliwan ng kaniyang kapatid. Kung magpapakasal sila ni Theon, titigil na ito at hindi na siya nito guguluhin pa. Maari na itong tumahimik kasama ang girlfriend nito. Kapag nasa kay Theon na siya, ibig sabihin, nasa poder siya ng lalaki at malayong guguluhin pa siya ni Azael.

"Yes papayag po ako," walang gatol na sagot niya at napatingin kay Theon. Nagtaas ito ng tingin at halatang hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi.

"Are you sure Amara?"

Ngumiti lang siya at tumango. "Yes, I am." Siguro naman ay titigil na ang kapatid niya. Wala siyang pakialam sa mga bantang nakikita niya sa mga mata nito kanina.

Hindi siya magpapadaig sa takot. Siguro naman ay matutunan nilang mahalin ni Theon ang isa't isa. Kahit naman kasi crush niya ito, hindi ibig sabihin ay mahal niya na ito. Magkaiba ang dalawa at iyon ang alam ni Amara.

"Lukaret ka! Hindi mo man lang sinabi sa'kin na may fafa pa lang naghihintay sa'yo." May pagtatampong satsat ng kaibigan niya nung pagawi na sila sa kaniya-kaniyang silid nang gabing iyon. "Tapos ang gwapo pa! Blue eyes si fafa Theon mo."

Inirapan niya ito. Kung alam lang sana nito ang nangyayari baka maintindihan siya nito pero wala pa siyang lakas na loob na sabihin sa babae ang nangyari. Natatakot siyang hindi siya nito maintindihan lalo na sa parteng inangkin na ni Azael ang kaniyang katawan. Baka layuan siya nito.

"But anyway, he's so gwapo naman like your kuya but mas bet ko pa rin ang crush kong si Henrik." saka ito humagikhik.

Napangiti na lang siya sa kadaldalan nito. Bakit nga ba ulit sila nagkaibigan nito? Puro Henrik ang nasa bibig nito pero hindi man lang pinapakita sa kaniya ang mukha kahit sa picture.


NAPAG-USAPAN ang kasal after ng senior high niya. Sa Pinas ang kasal at engrande ayon na rin sa plano ng dalawang panig habang pareho lang silang nakikinig ni Theon sa usapan ng mga ito.

Nakikinig nga siya pero ang layo ng kaniyang utak, masyado siyang nabagagabag sa mga banta ni Azael. Alam niyang hindi dapat ibalewala ang talim ng mga titig nito na binigay sa kaniya pero pakialam ba niya? Alam naman niyang hindi siya pababayaan ni Theon.

Ang plano, after ng kasal niya ay magpapatuloy siya sa pag-aaral ng kursong gusto niya kahit saan. Hindi ibig sabihin na kasal na siya at gamit ang apelyidong Willoughby, ay sa bahay na lang siya at magiging asawa nito. Pwede pa rin niyang gawin lahat ng gusto niya. Ang gusto lang ng kanilang pamilya ay lagyan ng bigkis ang pamilyang Legrand at Willoughby.

Nakabalik na sila ni Trinity sa Australia at tuloy ang pag-aaral na parang walang nangyari. Masyado siyang maganda para problemahin ang mga bagay-bagay na hindi dapat problemahin pa.

"Opps!"

Napaatras siya nang mabunggo niya ang lalaking nakatayo sa gilid malapit sa waiting shed. Kung hindi ba naman siya tinulak ng balyenang kaibigan niya baka hindi naman siya mabunggo rito.

"I'm sorry," apologetic na saad niya. Doon lang niya napansin na ito 'yong lalaki na lagi niyang nakikitang nakatingin sa kaniya every math subject.

"Its okay." Napakamot ito ng ulo at hindi alam kung saan titingin.

Nagblush ba ito? Gusto niyang matawa pero pinigilan niya. Ito yata ang una-unang pagkakataon na makakita siya ng lalaking nagba-blush.

"I'm Amara," nakangiting nagtaas siya ng kamay. Tingin niya ay mabait ito at mahiyain. Makakasundo niya ito kapag nagkataon.

"Berkham." Ginanap nito ang kaniyang kamay pero maepal ang kaibigan niya, agad nitong binawi ang kamay ng lalaki.

"Hey Berkham, Amara is getting married so if I were you, stay away from her. Shoo! Shoo!"

"Trinidad!" napatanga siya sa ginawa nito. Lihim niyang kinurot ang tagiliran ng babae.

Napakamot naman ang lalaki sa batok. "Okay then, bye Amara. See you around, nice meeting you." mabait itong nagpaalam at tumalikod.

Napasunod ang kaniyang tingin sa lalaki. Sa sobrang kabaitan nito ay nasapak niya si Trinity. Lukaret talaga ito! Pinahiya nito si Berkham at ramdam naman niyang malinis ang hangarin nito laban sa kaniya.

"Shit Amara!"

Napatingin siya sa sinundan nito nang tingin at sabay silang napanganga. Puta! Anong ginagawa ng walang hiyang hindut na babaeng nakaaway niya sa pool dito sa Australia?!

DOMINANT SERIES 3: Ignite (Completed) AZAEL LEGRANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon