38 - I Love You Princess

45.2K 1.3K 71
                                    

Lumipas ang isang buwan na wala siyang nakuhang matinong sagot mula sa invistigator. Ang sabi lang nito, wala na ang taong nagnakaw kay Celestine at matagal na itong patay. Pero imbes na masaya siya sa balitang iyon, mas lalo lang siyang naguluhan. Nai-stress na naman ang kaniyan g ganda. Kabilin-bilinan pa naman ng kaniyang ina na mananatili siyang maganda.

Nagulat siya nang biglang mag-ring ang kaniyang cellphone sa gitna ng klase, dali-dali siyang nag-excuse para sagutin ang tawag ng panibagong Doctor na siyang nagsagawa ng DNA test niya ng pasekreto.

"Mrs. Willouhby," bungad nito sa tawag.

Napangiwi siya. Masyado naman itong pormal at hindi pa rin siya sanay sa bagong apelyido na ipinalit niya. "Yes."

"Come to my office immediately." At agad nitong ini-off ang tawag.

Ha? Iyon lang 'yon? Come to my office lang bwesit! Lumabas pa siya kung pwede naman siya nitong itext. Pero ganun pa man ay dumeritso siya sa Hospital. Kailangan niyang malaman ang resulta at para hindi na rin siya mukhang tanga kakaisip.

Nagtungo siya sa parking lot at walang paalam na umalis. Her mind is pretty occupied. Ang nakakainis pa, traffic kaya kinain na naman siya ng inis. Parang ang sarap makipag-away nang wala sa oras.

"Finally your're here!"

"Ah, ako po Doc?" paniniguradong tanong niya nang pumasok siya sa opisina nito.

Naglinya ang kilay nito. "Hindi, 'yong nasa likod mo."

"Wala naman akong kasama." Napalingon siya.

"Oh eh, ikaw nga! Kaloka kang babae ka! Ini-stress mo ako." Pinandilatan siya nito ng mata at maarteng kinumpas-kumpas ang kamay.

Shook! Ngingiting lumapit siya at umupo sa upuang nasa harap ng table nito. Hinahanda niya ang sarili sa posibleng resulta ng test niya. It's either good or bad, tatanggapin niya.

Para siyang lumilipad na papel na binalikan niya ang gamit niyang iniwan sa classroom nang araw na iyon. Gabi na pero nagtuloy-tuloy lang siya sa pag-akyat sa ikaapat na palapag gamit ang elevator.

Nang makita niya ang bag na andun pa rin sa kaniyang upuan, marahan siyang lumapit doon at umupo. Malapit siya sa bintana at mula dito, kitang-kita niya ang maliwanag na buwan sa kaniyang gawi. Ang bigat-bigat ng kaniyang puso at iilang sandali lang ay bibitaw na siya. Hanggang sa sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha sa kaniyang mata. Mabilis niyang pinunasan iyon pero para itong nagkarerahan sa pagpatak.

Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o masasaktan sa nalaman negative ang resulta. Sobrang layo ng test. Inaway pa niya ang baklang doctor at sinabing mali ang test na ginawa nito pero binigyan lang siya nito ng limang piso, bili daw siya ng makakausap.

All awhile, hindi pala siya tunay na anak ng mga Legrand. Si Celestine ang tunay na parte na anak. Kung ganun, paano siya napunta sa mga kamay ng mga ito? Pinagpalit ba sila ni Celestine? Sino nga ba talaga siya?

Napahikbi siya. Pakiramdam ni Amara, pinaglalaruan siya ng mundo at wala siyang karamay. Paano nga ba siya napunta sa kamay ng Legrand?

Wala siyang balak umuwi. Wala si Theon, nasa ibang bansa at mag-isa lang siya sa bahay nila kaya ang ginawa niya ay hanapin ang mga kasagutan. Matagal na ba itong alam ni Azael? Nang kuya niya, kaya ang lakas ng loob nitong babuyin siya? Nakaramdam siya nang hindi matatawarang galit sa sarili.

Wala sa loob na hinablot niya ang gamit at nagmamadaling umalis. She ended up in a famous bar.

"Hard drinks. Now!"

DOMINANT SERIES 3: Ignite (Completed) AZAEL LEGRANDWhere stories live. Discover now