35 - Digging Truth

42.8K 1.2K 69
                                    

Napatitig si Amara sa isang bahay mula sa kalayuan. Nasa loob siya ng pamparadang motorsiklo. Walang taxi sa kaniyang pumuntahan at hindi naman siya maarte. Binayaran lang niya ng malaki ang matandang driver para arkilahin buong araw nito sa pamamasada.

Mula sa kaniyang kinaroroonan, kitang kita niya ang bahay na gawa sa semento at kahoy. Puro patay na mga rosas at halaman sa bakuran at maraming mga damong 'di nawawalis. Gusto sana niyang puntahan at tingnan ang nasa loob pero baka mapapadali ang pagkakamatay niya. Though alam niya kung sino-sino ang nakatira doon.

"Ayaw niyo po ba tumao ma'm? Napapansin ko po kasing kanina pa kayo nakatingin sa bahay ni Ka Brusko."

Agad siyang napatingin sa matanda. "Kilala mo ang nakatira d'yan, tay?"

Napakamot ito sa ulong napapanot. "Bakit hindi ma'm, kilalang-kilala ang pamilyang iyan na batugan, suki ng away at walang direksyon ang mga buhay. Buti na lang si Celestina nakawala na sa poder nila, 'yon nga lang hindi namin alam kung saan nagpunta. Sobrang kawawa ng batang iyon. Alam mo ma'm, bugbog sarado lagi nakukuha kay Ka Brusko at puro pang-aapi naman sa mga kapatid at ina niya. Nag-aaral ito habang nagtatrabaho. Iyon nga lang, pinahinto rin ng mga kupal niyang magulang nung nasa high-school, pinagtrabaho at ginawang alipin. Awang-awa kami sa batang iyon kaya kaming mga magkakapit-bahay ay nag-ambagan at binigyan siya ng pera para gamitin niya sa kaniyang pagtakas," bigla itong nalungkot, "Sana nasa mabuting kalagayan ngayon ang batang iyon. Sobrang napakabait ni Celestina. Kahit kailan hindi namin nakitang sumagot-sagot ito sa mga magulang."

Palihim niyang pinahiran ang luha habang nakikinig sa napakahabang kwento nito. Nagpapahid din ng luha ang matanda at halatang napaiyak habang nagkikwento. Samantalang siya, parang kinukurot ang kaniyang puso.

Walang kinwento ang babae sa kanila. Nanatili itong tahimik kaya hindi niya alam na ganito kasakit ang dinanas nito sa pamilyang akala nito ay tunay. Ipapangako niya, sa pagbalik niya sa Maynila ay sasabihin niya sa ina ang buong pagkatao ni Celestine. Hindi siya sakim para ipagdamot sa babae na parte ito ng kanilang pamilya.

Bigla, gusto niyang makita sa personal at harap-harapan ang pamilyang nagpalaki sa kaniyang kapatid. Kapatid nga ba? Pati siya ay kinukwestyon ang existence niya sa mga sandaling iyon.

Agad siyang umibis at lakas loob na lumapit sa bakal na gate na sira-sira. Lakas loob siyang nagtao po at ilang minuto din ang kaniyang hinintay bago may sumagot sa loob na tila galit. Isang matabang ale ang lumabas at galit na humarap sa kaniya.

"Wala mi kwarta ibayad! Balik ugma. Isturbo kang punyeta ka!" Wala kaming perang pambayad! Balik ka bukas. Disturbo kang punyeta ka!At agad itong pumasok pero mabilis niya itong napigilan.

"Ma'm teka lang po, kaibigan po ako ni Celestine," wala siyang ibang masabi kundi ang bagay na iyon.

Bigla itong napalingon at tumingin sa kaniya. Nakataas ang nakatattoo nitong kilay at maarte siyang tiningnan. "May tagalog pa lang kaibigan ang walang kwentang batang iyon. Ano kailangan mo? Wala siya rito!"

Tumikhim siya at nagtaas ng noo. Kailangan niyang gawin ang bagay na ito para mawala ang inis na naramdaman niya. Baka makalimutan niyang tao ang kaharap niya at hindi hayop.

"Saan po ba siya?"

"Matagal ng patay!" Malakas siya nitong pinagsarhan ng pintuan.

"May pera akong iaabot sa kaniya."

Bigla nitong binuksan ang pintuan at nanlaki ang malaki nitong mata. Nagliwanag ito na parang nakarinig ng isang napakagandang balita. Mga mukhang pera!

Agad itong lumabas ng bahay at pinagbuksan siya ng gate. Tiningnan siya mula ulo hanggang paa at nagtaas ng kilay. Nagtaas ito ng kamay na parang may perang pinatago sa kaniya.

DOMINANT SERIES 3: Ignite (Completed) AZAEL LEGRANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon