30 - Closed

39K 1.1K 27
                                    

Nagtagpo ang kilay ni Amara nang makita ang bisita nila nang araw na iyon, si Azael at ang girlfriend nitong si Penelope. May dalang pagkain ang babae at ang lawak ng ngiti nito, na parang pinapahiwatig na talo siya sa lahat ng bagay.

"Hindi ko alam baby, na sister mo si Amara. Like, we're schoolmates in abroad," maarteng saad ng babae kay Azael at bahagyang tumaas ang kilay na tumingin sa kaniya. Wala naman tugon mula kay Azael, sumisimsim lang ito sa kopitang may laman wine.

"Yeah we are. Remember how bitchy and fuck whore you are? Tapos wala naman binatbat sa'kin kaya ang ginawa ay nagsumbong sa uncle?" ngumisi siya.

Natawa naman si Theon sa kaniyang sinabi. Inakbayan siya nito sabay bulong. "Wife, don't be so rude. Mamaya mo na siya ipahiya ng bonga."

Alam ng lalaki ang alitan nilang dalawa ni Penelope. Sa sobrang inis niya nung nakaraang araw na pangyayari sa spa, kinenwento niya sa lalaki ang nangyari kaya tawang-tawa ito.

Tumalim ang mga mata ni Penelope sa kaniya at maarteng sumandal sa dibdib ng kapatid niya. "Baby sabihin mo nga sa kanila kung bakit tayo nandito sa pamamahay ng kapatid mo."

Nagkibit lang siya nang balikat at hindi na nag-abalang tingnan si Azael. Masyadong advantage rito ang pagkakaroon ng memory loss samantalang sa parte niya, hindi.

"We planned to get married next month and we personally invited you to our wedding."

"Woah!" Si Theon.

Habang siya ay hindi na nagulat sa sinabi nito. Pero bakit tutol ang naramdaman niya sa mga sandaling iyon? Parang gusto niyang magwala at sabihin sa lalaki na hindi ang babaeng ito ang nababagay, na nagbabalat-kayo lang ito, na ang sama-sama ng ugali nito!

"Akala namin hindi ka pa nakarecover?" segundang tanong ng asawa niya.

Ngumiti naman ng matamis ang babaeng nasa harapan niya na ang sarap buhusan ng malamig na yelo. "Yeah hindi pa. Civil wedding muna at kapag tuluyan na bumalik ang alaala ni Azael, doon na kami magpapakasal ng bongga. Gusto ko nga sana kami-kami lang. Pero dahil kapatid niya si Amara, kaya iimbitahan namin kayo. And alam mo na, mag-officially sister na rin kami niyang si Amara."

Natawa siya nang malakas sa sinabi nito. Ang sarap ng biro nito sa huling part. Sister? Sino sila? Nag-ikot siya ng mata at nag-congrats pa rin. Dati pinangarap niyang magkaroon ng kapatid na babae pero kung si Penelope lang din? Huwag na lang.

Kapagkuwa'y napatayo si Amara para kunin ang kagagawa lang ni Theon na salad na kaniyang request. Hindi niya ipapagpalit ang gawa nito sa dalang pagkain ng hindut ng babaeng iyon at baka may lason pa. Nasa kusina siya at kinuha ang bowl of salad na nasa ref nang mapansin niyang sumunod si Penelope sa kaniya. Ngumisi siya at maarteng humarap dito.

"Gusto mo? Ang asawa ko ang may gawa nito at alam kong mas masarap ito kesa sa dala mong pagkain kaya kung di man nakaka-offend sa part mo tutal makapal naman mukha mo 'di ba, ito na ang kakainin ko," simpleng saad niya sabay subo ng isang kutsarang macaroni salad nang humarap siya rito.

Ngumisi ito sa kaniyang sinabi at ganun din siya. Good at tanggap nito ang kaniyang sinabi. Well, hindi naman siya nagsisinungaling pagdating sa pagkain, eh. Food is life kaya siya. Kaya unang tingin pa lang niya sa mga dala nito, mukha ng pagkain ng baboy.

Nagtitigan silang dalawa habang kumakain siya. Hindi problema iyon sa kaniya kung iyon ang pag-uusapan, kahit umabot pa sila buong umaga magtitigan.

"Masarap?" nang-iinis na tanong nito.

"Yep," agarang saad niya. "And mas sasarap pa kung alisin mo 'yan pangit mong pagmumukha sa pamamahay ko. Ano kasi, naalibadbaran ako since I have allergies from slut—— Ops!" Sinadya niyang takpan ang bibig at tinalikuran ito para magtungo na sa lanai. Sayang naman kasi kung ipanghilamos niya sa mukha nito ang pagkain niya.

"Bitch! Gagawin ko lahat para makuha pamilya mo."

Natigilan siya sa paghakbang at nakangising lumingon dito. "Wanna start it from me?" nga pala, hindi niya nakalimutan ang ginawa nito sa kaniya. Sisingilin niya lang pero naisip niyang hindi siya dapat bumaba sa klase ng ugaling meron ito kaya pinili niyang tumalikod at iwan ang babae.

Shit!

Hinila nito ang kaniyang buhok nang hindi niya napaghandaan. Pero dahil food is life siya, hindi niya binitawan ang bitbit na pagkain. Walang kahirap-hirap na hinila niya ang kamay na humila sa kaniyang buhok at hindi rin nito napaghandaan ang kaniyang ginaw, pinaligo lang naman niya ang salad sa ulo nito.

Napatili ito at binitawan siya. Habang si Amara nakangisi lang at malademonyong tiningnan ito. Mabilis itong tumakbo papalayo sa labas na madramang umiiyak. Oh well, magdadrama na naman ito. Expected na iyon.

"Wife!" Si Theon.

Pero alam niyang natatawa ito sa kaniyang ginawa dahil sa kindat na ginawa nito na para bang sinasabi nito sa kaniya, 'good job!'
Nakita niya ang pagtalim ng mga mata ni Azael sa kaniya at wala siyang pakialam don.

"I don't know why they insist that you're my little sister. Kung hindi mo siya gusto at wala kang respito sa kaniya, ito na ang huling pagtungtong namin sa bahay na ito. Have a goodnight, Mr and Mrs. Willoughby." nagpipigil sa galit si Azael nang harapin siya saka ito umalis. Hawak-hawak ang kamay ni Penelope.

Hindi siya nakaimik sa sinabi ni Azael. Wow! Parang dati lang ay baliw na baliw ito sa kaniya, ah. Gusto niyang matawa, oh yeah ito nga pala ang gusto niya pero bakit hindi siya masaya? Naguguluhan na rin siya sa hindi niya alam na paraan.

WALANG  magawa si Amara kundi ang mapasimangot habang nakatingin sa dalawang taong nasa harapan ng judge. Hindi sana siya pupunta kung hindi siya pinuntahan ng ina sa bahay nila ni Theon at pinilit na sumama. Hindi niya alam kung anong mararamdaman nang nga oras na iyon habang sinabi ng judge na pwede ng halikan ang babae. Mabilis na nilayo niya ang tingin at iniwasan makita ang tagpong iyon.

Isang masigabong palakpakan at congratulations ang naririnig niya nang magpasya siyang umalis. For what? Hindi naman niya ginusto ang maging parte ng pag-iisang dibdib ng mga 'to!

"Where you going?"

Napatingin siya sa kaniyang ina at nagkunwaring masakit ang ulo. "Kailangan ko ng umuwi My, sobrang sakit ng ulo ko kanina pa." Hindi niya na hinayaan tumugon ito. Deri-deritso siyang lumabas at  umalis.

Now what? Gusto niyang magpakasaya dahil sa wakas, hindi na siya ginulo pa ni Azael. Tumigil na rin ito pero bakit hindi niya naramdamang masaya siya? Bakit may bahagi ng puso niya ang masakit? Nasasaktan siya sa anong paraan? Hindi niya maintindihan kaya kailangan niyang umalis at magpahangin.

Biglang pumatak ang kaniyang luha na hindi niya alam kung bakit. Hanggang sabay-sabay na ang mga ito sa pagbagsak na akala mo ay may karera. Ano ba talaga?! Bakit tutol siya sa isipin nagpakasal na ito? 'Di ba ito ang gusto niya? Bakit masakit? O baka namimiss lang niya ang dating closeness nila ni Azael na alam niyang hindi na maibabalik? O dahil ayaw niyang sa higad na mukhang pugito ito matatali? Whatever reason it is, wala siyang pakialam. Mabilis niyang pinalayo ang sasakyan at naghanap ng lugar kung saan siya makakahinga.


NAPATIGIL sa pagpasok si Amara sa kaniyang sasakyan na nakahimpil sa parking lot nang marinig niya ang boses ni Azael.

"Can we talk?"

Nagtaas siya ng kilay na humarap dito. Odd. First time itong lumapit sa kaniya. Nasa Legrand's Empire nga pala siya dahil binisita niya ang ama at nandun ang lalaki kausap ang kanilang ama. Hindi niya alam kung bumalik na ba ang alaala nito or what, if ever na bumalik man. She don't fucking care.

"Why?"

"Our father told me that we used to be closed. What happened?"

Pumasok siya sa loob ng kaniyang sasakyan. Walang kwentang tanong. Sumunod ito sa kaniya mula parking lot para tanungin siya ng bagay na iyon? Really?

"I don't like you since the beginning. At pwede ba, huwag mo akong kausapin. Get lost!" mabilis niyang pinagbagsakan ito ng pintuan at walang sabing umalis.

Mula sa review mirror, kitang kita niya ang pagkagulat nito sa kaniyang ginawa. Napabuntunghinga siya at nagseryuso na sa pagmamaneho.

DOMINANT SERIES 3: Ignite (Completed) AZAEL LEGRANDWhere stories live. Discover now