27 - Accident

42.1K 1.2K 51
                                    

Walang emosyong nakatingin si Azael mula sa malayo habang pinagmamasdan ang dalawang taong nasa harap ng altar at nagpapalitan ng 'Yes' sa harap ng maraming tao. Nasa likod siya naka-pwesto at walang nakapansin sa kaniyang presinsya. Hindi niya na tinapos ang seremonya at walang ingay na umalis sa loob ng simbahan.  Tahimik lang siyang pumasok sa kaniyang kotse at walang kibong binuhay ang makina ng sasakyan.

His heart was shattered. Wala siyang ginawa para pigilana at sirain ang kasal kahit gustong-gusto niyang gawin iyon. Nagplano siyang dukutin ang dalaga at dalhin sa malayong lugar pero alam niyang mas kasusuklaman siya ng nakakabatang kapatid. Fuck his heart! Kung pwede lang tanggalin ito sa buong sistema niya, ginawa niya na. Nagiging komplikado ang lahat dahil sa pesteng puso niya at pagmamahal sa dalaga.

Binuksan niya ang car fridge at kumuha ng beer. Mabilis niyang nilagok ang laman ng buksan niya ito habang nasa daan ang kaniyang atensyon. Damn! Damn this heart! At bago pa siya traydurin ng kaniyang kamay pabalik sa simbahan at itakas ang dalaga, sunod-sunod niya ng linagok iyon at pabilis nang pabilis  ang takbo ng kaniyang sasakyan. Wala na rin siyang pakialam sa mga sasakyan na kasabayan. Wala siyang maramdamang sakit at isa lang alam niya nang mga sandaling iyon, manhid ang kaniyang buong pagkatao.

Isa, dalawa, tatlo hanggang sa naging limang lata ang kaniyang nainom at ang sumunod na nangyari ay hindi niya napansin ang biglang pag-iba ng kulay ng street light at huli na nang maisip niya nang mahagip siya ng sasakyan. Bumangga ang kaniyang ulo sa manibela, napangisi siya. Ngayon lang niya naramdaman ang sunod-sunod na sakit at saka siya nawalan ng malay.


"My, saan kayo pupunta ni Daddy?" mabilis na tanong ni Amara sa inang nagmamadaling umalis sa hotel na pinagdausan ng reception nila ni Theon. After sa simbahan, dumeritso na sila sa 5 star hotel na pag-aari ng Willoughby.

"Sasabihin namin mamaya honey. As of now, enjoy your wedding day okay?" At agad na nakaalis ang mga ito.

Napatango lang siya. Wala naman sigurong masamang nangyayari kaya ito nagmamadali. Napilitan siyang harapin ang mga bisita nilang mostly ay nasa business commununity.

Walang ginawang hakbang si Azael para masira ang araw ng kasal niya, hindi niya alam kung masaya ba siya sa bagay na iyon o mas lalong mag-alala. Sana nga ay tumigil na ito sa kahibangan lalo na ngayon at isa na siyang Willoughby at pagmamay-ari ni Theon.

"You okay?" Si Theon. "Huwag mo masyadong isipin ang honeymoon natin binibini—— mali, aking asawa pala." kinindatan siya nito.

Kimi siyang ngumiti at hindi na nakuhang tumugon dahil hinila na si Theon ng mga kaibigan nito at nagbibiruan. Nahagip ng tingin niya si Celestine, hindi ito mapakali sa kinauupuan sa isang sulok at kinakain na naman ng hiya. Lalapitan niya sana ang dalaga nang lapitan siya ni Berkham at hinalikan sa pisngi.

"Look at you Amara, you're the most lovely bride I've ever seen. Sobrang ganda mo talaga."

Napangiti siya sa sinabi nito. Kung hindi lang niya alam na kaibigan lang ang tingin nito sa kaniya, baka isipin niyang nanghihinayang itong ikinasal na siya.

"I'm going to miss you. Hindi na tayo magkikita sa University na pinapasukan ko but anyways, I'll visit you here anytime."

Napanguso siya. Mamimiss din niya ang binata pero nag-decide na siyang huminto na sa Australia at baka kalbo abutin sa kaniya ni Penelope, nakaka-triggered pa naman ang hitsura nito.

Sa unang gabi nila ni Theon, walang namagitan sa kanila. Magkaiba sila ng silid at hindi alam ng magulang nila iyon. Doesn't mean na kinasal na siya sa lalaki, ay may mangyayari sa kanila. May do's and don'ts din sila ng lalaki at isa sa don'ts niya ay no sex hangga't hindi pa siya handa at walang problema naman iyon kay Theon. Nagbiro pa ito na baka siya ang hindi makatiis at gagapangin niya ito at gahasain. Masyadong makapal din ang pagmumukha nito sa totoo lang!

DOMINANT SERIES 3: Ignite (Completed) AZAEL LEGRANDWhere stories live. Discover now