5 - Kiss Me

66.7K 1.8K 127
                                    

Naghilamos siya nang matapos siyang gumamit ng banyo pero hindi sapat iyon para mawala ang hilo na nararamdaman niya. God! Ito na ba 'yong tipsy na sinasabi nila? Napahagikhik siya habang pinagmamasdan ang kaniyang magandang mukha sa malaking salamin na nakasabit sa dingding.

Tiningnan niya ng maiigi ang sarili at pati ang kurba ng kaniyang katawan. Maganda naman pala siya, eh. Bakit ang nakuhang girlfriend ng kapatid niya ay-- Hindi. Mas maganda siya, period. Lamang lang ito dahil matured na sa edad samantalang siya ay nasa desi pa lang.

Huh! Ang landi pa ng nakuha nitong babae. Ito ba ang papakasalan ng walang hiyang kapatid niya? Well, ngayon pa lang sinasabi niya hindi siya dadalo sa kasal nito tulad nang hindi nito pagsipot sa araw ng birthday niya. Isa lang ang nasisigurado niya, hindi niya gusto ang babaeng girlfriend nito. Ito na siguro 'yong panahon na sasagutin niya si Theon at Herrence. Natawa siya sa kalokohang naisip.

"Okay lang, gwapo naman si Theon, eh. Sasagutin ko na nga siya!" parang tangang kausap niya sa sarili kahit ang totoo hindi naman nanliligaw sa kaniya ang binata.

"So nanliligaw pala sa'yo ang gagong iyon?"

Imbes na magulat sa presinsya ni Azael na biglang sumulpot sa dambana ng pintuan at walang ka-emosyon ang mukha, hagikhik ang kaniyang tugon. Teka, paano ba ito nakapasok? Ah, nga pala nakalimutan niyang isara ang pintuan.

"Hi! Gagamit ka rin ng banyo? Later na. Kinakausap ko pa sarili ko, eh."

"Lasing ka na Mara."

"Hindi, ah!" mabilis niyang tanggi na sinulyapan pa ang mukha sa malaking salamin ng malaking banyong iyon. Namumula na ang magkabila niyang pisngi at halatang namumungay na ang kaniyang mata.

"Ihahatid na kita sa bahay," madilim na saad nito pero hindi niya binigyan ng atensyon.

"Ayuko nga. Gusto ko si Theon my baby o kaya si hubby Herrence ko!" Malakas niyang tanggi at nagpasyang lagpasan itong nakaharang sa pintuan. Pero hindi siya nakalabas nang hilain nito pabalik ang kaniyang braso ng mariin.

"What did you say?"

"Theon my baby..."

"Fuck, Amara! Lasing ka na."

Sinimangutan lang niya ang sariling kapatid at lakas noong binawi ang braso na hawak nito.

"Siguro naman pwede na akong mag-boyfriend, 'di ba?" Humagiksik siya saka tuluyan bumalik sa tabi ni Theon. Kumakanta pa rin ito at lahat nagkakasiyahan na.

'Yong isang babae ay nasa hita na ni Herrence at nakakandong. Ang pinsan niyang si Cuhen at Florae ay lambingan lang na parang nasa luneta park na magjowa. Walang alinlangan umupo siya at kumuha ulit ng panibagong maiinom at agad na tinungga iyon na parang tubig. Ang sarap! Parang nakalaya siya sandali kahit hindi naman siya nakakulong. Ganito pala kasaya kapag kaya mo gawin lahat ng gusto mo pero hindi pwede dahil sa asungot niyang kuya.

"Babe," rinig niyang malanding tawag ng babae kay Azael na sumunod pala sa kaniya pabalik.

Beyb nye-nyeh! Nag-ikot siya ng mata.

"Hmm?"

Ayaw niyang makinig pero ang talas yata ng pandinig niya at mula sa kaniyang peripheral vision, lumapit ang babae rito at kumandong sabay yakap. Nasusuka siya. Ang bastos naman nito! Nandiri siya nang maghalikan ang mga ito. Parang gusto niyang sumigaw samga puntong iyon! May bata at inosenteng nilalang sa mga harap ng mga ito pero wala man lang itong pakialam? Nakakataas dugo. Wait, check niya muna BP niya at baka totoong tumaas nga.

Pabagsak niyang nilapag ang pangatlong bote saka siya dumampot ng panibago. Pang-apat niya na at mukhang matutuluyan na siya nito. Pwede na siyang tumawid sa 2nd floor ng langit.

DOMINANT SERIES 3: Ignite (Completed) AZAEL LEGRANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon