Chapter 14

225K 4.3K 436
                                    

ATTENTION: Attitude Problem <--- My new story. Hope you guys will support it just like how you support(ed) SRHR. Thank you ^_^ Follow @Vevenuusss on Twitter. Yey. 

------------------------

She's Rich, He's Richer : Chapter 14

~Hide and seek...


*****

"Mico b-baka naman n-nagkakamali ka" Nilakihan ko ng mata si Karen. Ang obvious kasi yung boses niya nanginginig. Halata mong nagsisinungaling. 

(You should have tried harder if you want me to believe you. Ngayon, nasaan kayo?!) 

Hindi na ako nakatiis at hinablot ko na ang cellphone kay Karen. Alam na rin naman niya. At lalong hindi naman na yun magpapauto kahit ano pang palusot ang sabihin namin.

"Hanapin mo! Leche ka!" Pasigaw kong saaad tsaka siya binabaan ng telepono. Hihi pero sa loob loob ang sarap sabihing, "Nandito sa greenwich sa MOA. Love you." 

Pero paano niya kaya nalamang nandito na ako sa Pilipinas? 

"Sa tingin mo Kane, paano niya nalamang nakauwi ka na?"

"Yan din ang iniisip ko. Hindi kaya sinabi ni Cassandra?"

"Hello to Earth naman. Sa tingin mo paglalapitin niya kayo ni Mico? Asa naman girl." May point nga naman siya.

"Ano magtatago na ba tayo?" tanong ni Karen as if mamamatay tao ang pinagtataguan namin. Wow ha. Kinareer niya na talaga.  

"Hindi ah. As if naman malalaman niyang nandito tayo. Kainin nalang natin itong mga pagkain sayang naman kung iiwanan natin. Haler. Marami kayang taong nagugutom." 

"Kapag kinain ba natin yan mabubusog sila? IpaLBC mo nalang kaya. Tss."

"Oh ano pong pinaglalaban mo? Kumain ka nalang kesa nagbubunganga ka." 

Tumahimik din naman siya at pinagpatuloy namin ang paglamon na para bang walang bukas. Brunch na kaya ito at talaga nga namang gutom na gutom ako. Mga halos sampung minuto kaming walang imikan pagkatapos ay balik nanaman sa chikahan hanggang sa maubos na namin ang chicken, kanin, spaghetti pati barkada size na hawaiian pizza. Nakatatlong iced tea naman ako kaya medyo ramdam ko nang naiihi na ako. 

"Teka Kah, CR muna ako. Ihing ihi na ako talaga ako eh." Tumango naman siya bilang tugon. 

Lumabas ako ng greenwich at naghanap ng comfort room. Habang hinahalungkat ko ang bag ko at naghahanap ng tissue ay may pamilyar na mukha akong nakita at sa tingin ko ay nakita niya rin ako.

Nginitian niya ako kaya ngumiti rin ako pabalik. Patungo siya sa direksyon na hindi kalayuan mula sa kinatatayuan niya.

"Oy Kier, kamusta?" 

"Hi Kane. Gumaganda ka ah." 

She's Rich, He's RicherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon