Chapter 12.8

237K 4.1K 429
                                    


Kindly follow us on twitter: @CokaneNation & @Vevenuusss :)
Like us on fb: facebook.com/girlprincessstories
add me on fb: girlprincesswattpad@yahoo.com
USEFUL IN TERMS OF INFOS IN THE NEAR FUTURE specially the fan page po.
-----------------

Karen's POV

Nag-abang ako ng jeep kaso wala naman nang dumadaan. Napagabi na ata ako masyado ng uwi ah. Kasya pa kaya ang pera ko pang taxi?

Dumukot ako sa bulsa ko at nakakuha ng thirty pesos. Napailing ako. Walang pag-asang makakasakay pa ako. Sisimulan ko na nga lang maglakad. 

Habang naglalakad lakad nagmumuni muni na rin ako habang sinisipa sipa yung lata ng coke na nakakalat sa dinaraan ko. 

Graduate na ako pero di pa rin pumapasok sa isip ko ang maghanap ng trabaho dahil mas gusto ko munang hanapin si Kane.

Pero paano mo nga naman mahahanap kung ayaw namang magpakita? Ayaw niya nga kayang magpakita o may plano siya? Aba malay ko.

Pero sana naman tawagan o itext niya manlang ako. Bilang bestfriend niya hindi niya ba naiisip na nag-aalala ako para sa kanya? 

Paano kung nakahanap na siya ng ibang bestfriend? Hindi. Impusible. Hindi ako ipagpapalit nun. Tsaka irreplaceable kaya ako. 

Napag-isipan kong sa eskinita nalang nila Rey dumaan. Yun kasi ang shortcut papunta sa amin. Pero ang dilim kasi. Bahala na. 

Nasa bandang kalagitnaan na ako ng eskinita ng makaramdam ng kaba. Ano ba. Simula palang dapat di na ako napadaan pa dito. Kinakabahan na ako. 

Luminga linga ako at nakakita ng lalaki. Patuloy pa rin ako sa paglinga. Pagtalikod ko naramdaman kong binilisan ng lalaki sa likod ko ang lakad niya kaya nagtatakbo at nagtitili na ako palayo.

"Tulooong! Tulooooong! Rape! Holdaper! Kidnapper! Pulis!!! Aaahhh."

Hingal na hingal ako nung makalabas ako sa eskinitang iyon. Mabuti at di na ako hinabol ng lalaki. Kinabahan talaga ako ng bongga. Hinding hindi na ako dadaan sa lugar na yun kung mag-isa lang at walang kasama. Juice ko mahaheart attact ako. 

Binuksan ko ang gate, pumasok at isinara. 

"Bakit ngayon ka lang?" pambungad ni mama habang nandito pa ako sa labas at siya ay nakaharang sa pinto ng aming bahay.

Mapilosopo nga.

"Dumating sa buhay ko. Pilit binubuksan ang sarado mong pinto. Awooooo."

"Tigil tigilan mo ako sa pamimilosopo mo Maria Karen ha."

"Maaa! Pwede bang 'wag mo naman buohin yung pangalan ko. Ang bantot. Tsaka bakit gising ka pa? Dapat ay tuloy ka na kaya." 

She's Rich, He's RicherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon