[50] Marry Me

510K 9.7K 5.6K
                                    

[50] MARRY ME


GAIL'S POV

"Kurt!" Sigaw ko sa kanya. Why did he walk out on me? Grabe. Umagang-umaga naman pero binabad vibes niya na agad ako.

Naabutan ko naman siya at sinabayan na siya sa paglalakad. Straight face lang siya at hindi man lang ako tinignan. Para siyang buntis na napakamoody!

"Kurt, pinapaalis mo ba ako?"

Umismid siya at binuksan na yung pinto sa driver's seat nung makarating kami sa kotse niya. Pinigilan ko siya sa braso nang dedmahin niya ulit ako.

"Kurt, what's wrong?"

He looked to me, annoyed. "Nothing. I'm just letting you go home. What's wrong with that?"

He was trying to sound casual when the truth is he's annoyed. I can sense that.

"Bukas pa ang uwi natin diba?"

"Yeah, but you're too excited to get back home."

My face formed a frown. "I am not. I was just asking you awhile ago--"

He cut me off. "Tss. Whatever," he hissed and got inside the car. Nagmamadali naman akong sumakay sa passenger's seat nung ini-start na niya ang engine. Geez, what's up with this man?

Pinaandar niya ang kotse nang hindi man lang nagsasalita. My stomach is starting to growl in hunger. Hindi pa kami nagbebreakfast.

"Kurt, hindi ba tayo kakain?"

His jaw clenched for some reason. Ang weird niya ngayong umaga. Bakit ba parang may galit siya sa mundo?

"You grab your breakfast alone. I'll drop you at the coffee shop near the shop," iritadong sabi niya.

I rolled my eyes. "Never mind. Hindi nalang din ako kakain tutal 'di naman talaga ako kumakain sa umaga," tumingin ako sa bintana saka ako bumulong. "Kung may personal issues ka, 'wag mo akong idamay."

"What?"

Good thing, he heard it. Sinadya ko talagang iparinig yun!

"Nothing. Go on and drive," sarcastic kong sabi at chineck ang phone ko. Fifth's still not in touch with me. I wonder what he's been up to. Haay!

Mayamaya lang ay napansin kong tumigil kami sa SB along the road. Ni hindi niya ako pinagbuksan ng pinto sa side ko kaya lumabas nalang ako mag-isa at sinundan siya.

Papasok pa lang ako sa entrance nang lingunin niya ako na nakakunot noo. Problema nito?

"Go back inside the car."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Why? I thought I'll eat here?"

"Tss. I'm gonna order for the both of us," sabi niya at tinalikuran na ako. Wala na akong nagawa kundi ang bumalik sa kotse. Nakacross arms lang ako habang hinihintay siya. Ano bang problema ni Kurt ngayon? Bakit ang init ng ulo niya?

While waiting for the jerk to get back, I decided to roam my eyes inside the car. Tinignan ko yung dashboard, yung mga lalagyanan ng kung ano-ano sa harapan, pati na rin yung sa clutch. Walang masyadong gamit, pero one thing caught my attention. May nakita ako sa itaas na may nakasilip na parang maliit na stuffed toy, kaya hinila ko yun hanggang sa nalaglag pa yung isang toy.

"Hala!" Sigaw ko nung lumaglag sa lap ko yung mga papeles kasama ang dalawang... keychains?!

Mas lalo akong nataranta nang bumukas bigla ang pinto sa driver's side at bumungad sa akin ang mas tripleng annoyed face ni Kurt. Doom's day ko na yata ngayon!

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon