Pinoy Henyo Ending

6.5K 322 58
                                    

HINDI nakarating sa kung saang restaurant sina Benj at Lucille para magcelebrate. Sa halip ay dumiretso sila sa bahay nina Lucille. Benj wanted to go there and clear everything with her family. And Lucille couldn't be any happier.

"Ano'ng ginagawa ni Benj dito?"

Bumaling si Lucille sa Kuya Justin niya. Itinuro nito ang direksiyon kung saan nakaupo si Benj at nakikipagkwentuhan sa mga magulang nila. "Parang masyado naman yata siyang nagiging friendly kila papa at mama. Akala ko ba may atraso pa siya sa'yo?"

"Everything is okay now, Kuya."

Pero tinignan lang siya ng kuya niya. Halatang hindi ito naniniwala sa sinabi niya. Pagkatapos ay bigla na lang itong tumalikod at desidido ang mga hakbang na lumapit sa kumpulan nina Benj. Mabilis namang sumunod siya.

"Benj, let's talk," wika nito.

"Kuya Justin—"

"Stay out of this, Lucille." 'Yon lang at tumalikod nang muli ang kuya niya.

Nag-aalalang sinalubong niya ang mga mata ni Benj na ngumiti lang sa kanya bago sumunod sa kuya niya.

"Hayaan mo na sila, anak. Men are like that. Feeling yata nila ay nakatira pa rin sila sa prehistoric times," naiiling na wika ng mama niya.

Tumikhim ang papa niya pero hindi nagsalita. Alam kasi nitong outnumbered ito. Napangiti na lang si Lucille. "Baka kung ano kasi ang sabihin ni kuya kay Benj."

Tumawa ang papa niya. "Wala ka bang tiwala na kayang tanggapin ni Benj ang kung anumang sasabihin ng kuya mo?"

"Hindi naman sa ganoon, Pa. Pero OA kasi minsan si Kuya Justin. Baka magkasakitan pa sila."

"Mukhang hindi mo na kailangan pang mag-alala tungkol diyan. Hayan na sila oh," itinuro ng mama niya ang pinto. Papasok na nga doon sina Benj at Kuya Justin.

Nagtatakang hinuli niya ang tingin ni Benj. Ngumiti lang ito saka palihim na kumindat sa kanya. Pinanlakihan naman niya ito ng mga mata.

"Aalis na ako," biglang anunsiyo ni Kuya Justin.

"Aalis ka na agad?"

"Opo, Ma. Susunduin ko pa si Lacey kina Max. Ayokong gabihin kami sa pag-uwi," sagot ni Kuya Justin kasabay ng paghalik sa pisngi ng mama nila. Tapos ay nagmano naman ito sa papa nila. And then he turned to her. "Behave." Itinuro pa siya nito bago ito tumalikod.

"Anong behave? Nakakainis ka talaga, kuya," pahabol na reklamo ni Lucille. Inirapan pa niya ang kuya niya kahit pa nakatalikod na ito. Bago ito makalabas sa pinto ay nakangising lumingon ito sa kanya. Lalo lang tuloy siyang nainis.

"Ahm, aalis na din ako, Lucille."

Biglang lumipad ang mata niya kay Benj. "Ngayon na?" Pagkatapos ay nagdududang dugtong niya. "Hindi ka ba inutusan ni Kuya Justin na umalis?"

"Of course not." Pagkatapos ay bumaling na ito sa mga magulang niya at nagpaalam.

"Ihahatid ko lang po si Benj sa labas," paalam din niya. Pero hindi pa man sila tuluyang nakakalayo ay nangungulit na agad siya. "Ano'ng sinabi sa'yo ni kuya? You have to tell me every word."

Hindi sumagot si Benj. Nagpatuloy lang ito sa paglalakad hanggang sa makalabas na sila sa bakuran at makarating sa tapat ng kotse nito.

"Come on, Benj."

"Wala namang kailangan sabihin dahil napakaiksi lang ng naging pag-uusap namin."

"Kung ganoon ay hindi ka na mahihirapang ulitin ang bawat salitang sinabi niya."

Texting Under the Influence  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon