Drunk text or not?

4.2K 182 6
                                    

NAGLALAKAD-LAKAD lang si Benj paikot sa kanyang opisina nang tumunog ang cell phone niya. Tulad ng madalas na nangyayari ay pinag-isipan niyang balewalain iyon. Pero hindi talaga mawala sa isip niya na baka importante ang mensahe. Kaya naman tinatamad na lumapit siya sa desk at sinilip ang cell phone niyang nakapatong doon.

Napakunot siya nang makitang galing kay Lucille ang text. It says, Are you free right now?

Bago pa niya namalayan ay nagtatype ng siya ng reply.

Benj: Alas tres pa lang ng hapon. Hindi ba masyado pang maaga para uminom?

Confucius: It's the perfect time to drink coffee.

Benj: Lasing ka ba?

Confucius: I'm insulted. Bakit tinatanong mo agad kung lasing ako?

Benj: You only text me when you're drunk.

Confucius: I also texted you yesterday morning informing you about the email invitation. Hindi ako lasing noon.

Benj: Alright, I concede. Wala akong ginagawa ngayon. What do you have in mind?

Confucius: Coffee. Lots and lots of coffee.

Benj: Nasaan ka?

Confucius: School.

Benj: Could you be more specific than that?

Confucius: In front of the school library. ☺☺☺

Benj: Wow! I'm very much impressed by your amazing ability to follow instructions.

Confusious: Sarcastic ba yan?

Benj: Just wait for me at the gate.

Pagkatapos ay naiiling na ibinulsa niya ang cell phone bago lumabas sa opisina. Wala naman talaga siyang ginagawa ngayon. So he might as well amuse himself with Lucille. At sa totoo lang ay nagi-guilty pa rin siya sa ginawa ni Henry. Tama, 'yun nga. 'Yun lang ang dahilan kaya makikipagkita siya ngayon kay Lucille.

HINDI nahirapan si Benj sa paghahanap kay Lucille. Namataan agad niya ito sa harap ng main gate ng school. Tumigil siya sa mismong tapat ng dalaga. Ngumiti muna ito bago sumakay. Hindi niya inaasahan ang pagngiti nito kaya tango lang ang naisagot niya. For someone who was drunk the previous night, she looked suspiciously cheerful right now.

"Saan mo gustong uminom ng kape?" Pero wala siyang nakuhang sagot. Kaya napilitan siyang lingunin ito.

Lucille had her eyes closed while smiling gently.

"Lucille?"

Hindi pa rin ito sumagot. Medyo kinabahan na siya. Hindi niya alam kung bakit. Sandaling inalis niya ang atensiyon sa kalsada saka tinapunan ito ng tingin. Nakapikit pa rin ito. Pero hindi na nakangiti. Lalo pa tuloy siyang kinabahan. Kaya nang maging pula ang traffic light ay mabilis na itinigil niya ang kotse at hinubad ang suot na seatbelt. Then he leaned toward her so he could look at her more closely.

"Lucille?" Magaang tinapik niya ang pisngi nito.

Biglang dumilat ang mga mata ni Lucille at diretsong tumingin sa kanya. He suddenly felt like something punched him in the gut. Bigla siyang napaatras.

"Ay sorry," inosenteng wika nito.

Kunot-noong pinakatitigan niya ito habang pilit na iniintindi kung bakit bigla siyang nakakaramdam ng ganoon. It was very weird.

Texting Under the Influence  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon