Aww... Finally

4.2K 165 6
                                    

PAGOD na pagod ang pakiramdam ni Lucille. Gusto pa niyang matulog. Pakiramdam niya ay kakahiga pa lang niya. Well, actually, medyo totoo nga 'yun. Tatlong oras palang yata siyang nakakatulog nang tumunog ang alarm niya. At kahit pa gusto niyang balewalain ang alarm ay hindi pwede. Today was an important day. Ngayong araw na ang thesis defense niya.

Parang robot na bumangon siya para maghanda sa pagpasok. Alas nuebe ang schedule ng defense niya. Pero alas singko siya nag-alarm. May mga trabaho pa kasi siyang kailangan gawin ngayong umaga. Parang gusto niyang matawa nang marealize ang tinatakbo ng isip. Parang kelan lang ay ni hindi niya magawang bumangon ng alas otso. Madaling araw pa 'yun para sa kanya. Pero ngayon ay normal na lang na gumising siya ng alas singko.

Dalawang linggo na ang nakakalipas mula nang mag-usap sila ni Benj. Dalawang linggo na din siyang subsob sa trabaho. Pero kahit pagod siya ay natutuwa pa rin siya sa pagtanggap ni Benj sa tulong niya at sa kaalamang pinagkakatiwalaan siya nito.

Ngayon ay halos gamay na niya ang pasikot-sikot sa system ng Blush. Parang nagkaroon na sila ng unspoken agreement na hindi sila magkakaroon ng kahit anong interaction hanggat hindi ito nakakaisip ng paraan para takasan ang pagmamanipula ng papa nito. Pero madalas naman itong dumaan sa desk niya. At sa tuwing nagtatama ang mga mata nila ay lalong lumalakas ang loob niya. Dahil sa mga maikling sandaling 'yon ay nararamdaman niya na magkakampi sila, na isang team sila ni Benj.

"Kaya mo 'to, Lucille," pagchi-cheer niya sa sarili habang nakaharap sa salamin.

Makalipas ang ilang minuto ay handa na siyang pumasok. Pupunta muna siya sa library at doon magtatrabaho bago siya pumunta sa building ng graduate school. Napakaaga pa kaya napakabilis niyang nakarating sa school. Papasok na siya sa gate ng eskwelahan nang may makita siyang pamilyar na tao.

"Good morning, Lucille."

"Henry?"

Ngumiti ito saka inabot sa kanya ang hawak na to-go cup mula sa isang coffee shop. Tinignan lang niya 'yon.

"Sige na, kunin mo na. Hindi naman ito galing sa akin." Inilapit pa nito ang to-go cup sa kanya.

Napilitan si Lucille na tanggapin 'yon. "Ano'ng ginagawa mo dito?"

Sa halip na sumagot ay itinuro ni Henry ang daan papasok sa gate. Ayaw sana niyang sumabay dito sa paglalakad. But that sounded rude and childish. Hindi na siya ang taong 'yon. She had grown up.

Napatingin siya kay Henry nang tumikhim ito. Naisip niya na guwapo pa rin naman ito sa paningin niya. Pero wala na 'yung hero-worship na nararamdaman niya noon. Pakiramdam niya ay napakatagal na panahon na ang lumipas mula nang maging boyfriend niya ito. Kahit na ilang buwan pa lang ang nakakalipas. Actually, nang oras na 'yon, pakiramdam niya ay hindi na niya maalala kung paano ba siya nabuhay noong wala pa si Benj sa buhay niya.

"Ahm, actually, nandito ako dahil may kailangan akong sabihin sa'yo," basag ni Henry sa tahimik nilang paglalakad.

"Sa tingin ko ay wala ka nang masasabi sa akin na gusto kong marinig."

"Alright, I deserve that. For what it's worth, I really feel like an ass right now."

"Good."

"Nagbago ka na."

Hindi sumagot si Lucille. Nagpakawala naman ng malalim na hininga si Henry.

"Anyway, hindi naman talaga 'yan ang dahilan kaya ako nandito, Lucille."

"How did you even know that I'll be here at this time in the morning?"

"I didn't know. Si Benj ang nagsabi sa akin."

Texting Under the Influence  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon