A Sappy Moment

3.5K 183 11
                                    

DAMN! Benj wanted to kneel right there and then and profess his undying love for Lucille. Pero tama ito. Kailangan niyang makaisip ng ibang solusyon sa problemang kinakaharap niya. Dahil kahit pa hindi sinabi ni Lucille ang mga salitang 'yon kanina, siya mismo ay hindi papayag na magpakasal siya sa kahit na sinong babae. Dahil sigurado na siya ngayon. Iisang babae lang ang para sa kanya. At 'yon ay ang babaeng buong tapang na binigyan siya ng lecture kani-kanina lang. And he would do anything to keep her beside him. Kaya lumabas na siya sa opisina para magpunta sa opisina ng kapatid. Sa tingin niya ay panahon na para magkaroon sila ni Henry ng seryoso at mature na conversation.

"Hey, tatawagan pa lang sana kita," agad na wika ni Henry nang makapasok siya.

"Oh?"

"Gusto kitang makausap, Benj."

"Gusto din kitang makausap, Henry."

Tumango si Henry. Hindi niya maiwasang isipin na parang may kakaiba dito ngayon. Parang mas seryoso itong tignan. "Sa tingin ko ay kailangan natin ng mas pribadong lugar para mag-usap."

Hindi sumagot si Benj. Pinakatitigan lang niya ang kapatid at hinintay na muli itong magsalita.

"Doon tayo mag-usap sa condo ko."

Tumango lang siya saka sumunod dito.

A few minutes later, Benj was already driving toward Henry's condominium building. Halos magkasunod lang silang nakarating doon. Napakunot siya nang makitang tila naiilang na nagkamot sa batok si Henry.

"How should we do this? I mean, hindi ko alam kung saan magsisimula, Benj. Damn!" Lumakad si Henry palapit sa minibar. "I think I need a drink. Ikaw?"

"No, thanks."

Nagkibit si Henry bago kumuha ng sariling inumin. Pagkatapos ay inisang tungga lang nito ang laman ng shot glass. "I'm sorry, Benj." Sinalinan nitong muli ang shot glass pero hindi ininom ang laman. Hinawakan lang nito 'yon at lumapit sa kanya. "I'm fucking sorry, man. You're my little brother, but--shit!"

"Henry--"

Itinaas nito ang kamay para patigilin siya. "Hayaan mo muna akong magsalita. Kailangan kong masabi ito sa'yo, Benj."

Tumango si Benj.

"Kinausap ako ni mama kahapon. Madami siyang mga sinabi sa akin tungkol sa background ni papa, sa kompanya, at sa lahat ng nangyayari ngayon. And, shit! Hindi ko alam, Benj. Hindi ko alam na ganito na ang nangyayari. It's so fucked up."

"I know."

"You know?"

Tumango siyang muli. "Naghire ako ng lawyer at ng mga analysts para pag-aralan ang kontratang binigay ni papa. I also did some investigation on my own."

"Hindi kita sisisihin kung magdedesisyon kang takasan na lang ang lahat ng ito, Benj. You really don't have any obligation to this family. Ni hindi ka pala legally adopted ni Papa." Malungkot na umiling si Henry. Pero ngumiti lang si Benj. "I'll help you."

"Ano?" Hindi niya alam kung tama ba ang naririnig niya ngayon mula kay Henry.

"Tutulungan kita, Benj. Sabihin mo lang sa akin kung ano ang kailangan mo. I'll make it happen."

Hindi nakasagot si Benj. Pinakatitigan lang niya ang seryosong mukha ng kapatid.

"Buong buhay natin ay ikaw ang palaging sumasalo sa akin. I don't think I even appreciated it before. Pero gusto kong malaman mo ngayon na thankful akong nandiyan ka para sa akin kahit na hindi mo naman kailangang gawin. At alam kong hindi sapat ito para makabawi sa'yo."

"Henry, hindi mo kailangan--"

"Kailangan ko, Benj. Tulad ng laging sinasabi ni Papa, the nature of your birth is not important. You are still my brother. At tutulungan kita ngayon tulad ng madalas na ginagawa mo sa akin. Dahil importante sa akin ang kapakanan mo."

Benj felt a sudden urge to hug Henry. Ngayon lang niya naramdaman 'yon. At hindi niya pinigilan ang sarili. Tinapik muna niya ito sa balikat bago niyakap. It was a sappy moment and he wasn't really proud of it. Pero gusto niyang ipaalam kay Henry na na-appreciate niya ang gusto nitong gawin para sa kanya.

❤️❤️❤️

Thanks for reading. Don't forget to vote and share this to your friends!

-Kensi

Texting Under the Influence  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon