Total Babe?

3.4K 148 2
                                    

ANG dating masayahing image ni Benj ay mabilis na napalitan sa loob lang ng isang linggo. Isang linggo na kasing pumapasok sa Blush si Lucille. At isang linggo na din siyang palaging nakasimangot. Ilang empleyado na ang nakakapansin sa inaakto niya. Pero ano ba ang magagawa niya? It seemed like Lucille had made it her mission in life to torture him. Dapat yata ay isinama niya sa kontrata na bawal itong magsuot ng mga seksing damit.

Napapabuntong-hiningang pumasok siya sa elevator nang bumukas 'yon. Kagagaling lang niya sa isang meeting at hindi niya maikakailang distracted siya. Ni hindi niya napansin na nakasakay din doon si Henry.

"Ano'ng nangyari sa'yo? You don't look like yourself," tanong ni Henry.

"Madami lang akong iniisip ngayon. We're preparing for a new season," maikling sagot ni Benj. Sa totoo lang, bago niya pinamahalaan ang Blush ay hindi niya alam na may iba-iba palang shopping seasons. But now, his schedule revolves around shopping seasons.

"Balita ko may bago kang English consultant."

Biglang napadiretso ng tayo si Benj pero hindi siya sumagot.

"Bakit naman hindi mo sinabi agad sakin? Usap-usapan kanina ng mga lalaking empleyado sa lobby."

"'Wag mong sabihing tumatambay ka na ngayon sa lobby."

"Of course not. I just finished taking a call when I overheard the conversation."

Tumango lang si Benj.

"Come on, Benj. 'Wag mong sabihing hindi ka talaga magsasalita? I heard she's a total babe."

Gusto sana niyang ipaalala kay Henry na engaged na ito. Pero may iba pa silang mga kasama sa elevator. Kaya hindi na lang siya nagsalita. Mabuti naman at naintindihan nito ang ginawa niya. Tumahimik na din ito hanggang sa tumigil ang elevator sa kanyang floor. Napabuntong-hininga na lang siya nang sumunod sa kanya si Henry. Hindi naman niya intensiyong isikreto kay Henry ang pagpasok ni Lucille sa Blush. Ayaw lang niyang sa kanya manggaling ang balita.

He groaned inwardly when Henry whistled beside him. Alam na agad niya kung saan ito nakatingin dahil doon din agad na napako ang mga mata niya. Nakayuko si Lucille sa harap ng mahabang mesa na nasa gitna ng opisina. Inaayos nito doon ang ilang piraso ng mga papel. Sigurado siyang may ino-organize nanaman itong mga files. Para itong organizing machine. Hindi na siya nagreklamo at lalong hindi nagreklamo ang staff niya. Lahat sila ay tinanggap ng maluwag ang organizational skill nito. But right now, she was bent forward on the table. Her very full and very curvy backside was on full display. At 'yan mismo ang dahilan kung bakit laging nakasimangot si Benj sa opisina ngayon. Hindi na niya alam kung hanggang kelan pa niya kayang pigilan ang sarili na hilahin si Lucille sa opisina niya at i-lock iyon.

"Damn!"

Lalong sumama ang mood niya nang marinig nanaman si Henry. Dumiretso siya sa opisina niya para mapilitan itong sumunod doon.

"I agree," agad na wika ni Henry nang makapasok na sila. "She's a total babe."

"Sigurado akong babawiin mo 'yan kapag nalaman mo kung sino ang tinatawag mong total babe."

Bago pa makasagot si Henry ay basta na lang bumukas ang pinto ng kanyang opisina. As usual, it wasn't locked. Wala naman siyang dahilan para maglock ng pinto. Pero noon 'yon, nung hindi pa nagta-trabaho sa Blush si Lucille. And speaking of Lucille, her smiling face peeked inside his office.

"Ang tagal naman ng meeting mo. Kanina pa ako nagugutom," nakalabing wika nito. Pagkatapos ay tinuro nito ang labas ng opisina. "I'll just get my coat and my purse. Magkita na lang tayo sa tapat ng elevator." Iyon lang at isinara na nitong muli ang pinto.

Dahan-dahang tumingin si Benj kay Henry. Gusto niyang matawa nang makita ang gulat na itsura nito.

"That was Lucille, right?"

Tumango lang siya saka hinubad ang suot na coat. Kung si Lucille ay mas gustong magsuot ng coat, siya naman ay mas gustong walang suot na coat kapag lumalabas siya. It was too formal for his taste.

"Si Lucille ang bago mong English consultant?"

"Oo, Henry, may problema ka ba doon?" naghahamong tanong niya.

Sinalubong ni Henry ang matamang titig niya. Alam niyang pinag-iisipan nitong mabuti kung ano ang sasabihin. But Benj wasn't worried. Wala naman siyang ginagawang masama. Or rather, wala pa.

Nang oras na 'yon mismo ay tinanggap niya sa sarili niya na kahit na ano pa ang gawin niya, hindi na niya mapipigilan ang nararamdaman. Lucille had already become a part of his life. Kung dati ay palaging solo lang siyang kumakain ng lunch, ngayon ay si Lucille na ang kasabay niya. Kapag may pasok ito ay inihahatid niya ito sa school mula sa opisina. Madalas silang magkatext bago matulog. Kung ang professional life niya ay umiikot sa shopping seasons. Ang personal life naman niya ay umiikot na lang kay Lucille. Hindi niya alam kung paano nangyari 'yon. Basta nangyari na lang. At napapagod na siyang labanan ang sarili niyang damdamin.

"Mukhang hindi niya alam na nandito ako sa opisina mo," maya-maya ay wika ni Henry.

Tumango lang siya. Si Henry naman ay lumapit sa kanya.

"What the hell are you doing, Benj?" Malumanay lang ang pagsasalita nito pero naroon pa rin ang bigat ng bawat salita.

"It's none of your business, Henry."

Nagulat pa siya nang ipatong nito ang isang kamay sa kanang balikat niya. "Alam ko na kadalasan ay sarili ko lang ang iniisip ko. Pero hindi ibig sabihin n'on na wala akong pakialam sa ibang tao lalo na sa'yo. You're my brother and I know you. Hindi ka basta-basta nagiging involve sa mga babae. Pero si Lucille," umiling muna ito bago nagpatuloy. "Don't do this to yourself or to her."

"Sa'yo pa talaga nanggaling 'yan, Henry."

"Damn it, Benj! Inaamin ko na mali ang ginawa ko kay Lucille. Hell, Lucille isn't the only woman. Madami pang iba. Pero alam mo naman ang rason, di ba? Hindi ako pwedeng magseryoso dahil—"

"Maraming beses ko nang narinig 'yan, Henry. Hindi ko na kailangang marinig uli. At ito lang ang masasabi ko, that is just a damned excuse and you know it. In case you forgot, we are already in the twenty-first century."

"Nasasabi mo lang 'yan ngayon, Benj. I swear, kapag sa'yo na ibinuhos nina papa at mama ang atensiyon, maiintindihan mo din ang sinasabi ko."

Pero hindi na niya naririnig si Henry. Wala na siyang pakialam sa sinasabi nito. Kanina lang ay nakapagdesisyon na siya. At wala siyang balak na bawiin pa ang desisyong 'yon. For the first time in his life, he would stop thinking about his "responsibility" to his father's family. Siguro ay dapat na niyang simulan ang pagre-rearrange ng kanyang priorities. At ang unang priority niya nang oras na ito ay si Lucille.

Hinarap niya ang kapatid. "Henry, ngayon ko lang sasabihin ito sa'yo kaya makinig kang mabuti. Oo nga at magkapatid tayo dahil kay papa. Pero kahit minsan ay hindi ako naging parte ng pamilya niyo. And honestly, I don't care. Ni hindi ko na nga maalala ngayon kung bakit pumayag akong tumira sa bahay niyo at magtrabaho dito sa Blush. Tinakot yata ako ni papa noon na sasaktan niya ang nanay ko. Bata pa ako noon at natakot ako. Pero matagal na 'yon. Nasa malayo na ang nanay ko ngayon at masaya na siya doon. Hindi na siya threat sa magandang image ni Tita Margot. So I don't think may maipapanakot pa sa akin si papa. He already knows that I don't need all of these," itinuro niya ang kanyang opisina.

"You don't really mean that, Benj," tila gulat na wika ni Henry.

"Sadly, I do mean every word, Henry. Now, if you'll excuse me, baka kanina pa naghihintay si Lucille sa labas." Iyon lang at iniwan na niya ang kapatid.

Texting Under the Influence  (COMPLETE)Where stories live. Discover now