The Way She Looked at You

3.3K 159 0
                                    

BENJ and Henry decided to meet at a bar. Pagdating doon ni Benj ay naroon na ang kapatid. Sa itsura nito ay mukhang kanina pa ito nandoon.

"Nakailan ka na?" agad na tanong ni Benj nang makalapit siya kay Henry.

"Relax, Benj. Alam mong hindi ako mahilig uminom. This is my first drink." Itinaas pa nito ang shot glass.

Tumango siya saka tahimik na naupo sa tabi nito. Hindi din nagsalita si Henry kaya tumingin na lang siya sa cocktail menu ng bar. Pagkatapos ay tinawag niya ang bartender at umorder. Wala paring nagsalita sa kanila hanggang sa maibigay ng bartender ang kanyang inumin.

"Lucille seemed to like you."

Natigil ang akmang pag-inom ni Benj. Dahan-dahan niyang ibinaba ang baso at tumingin kay Henry.

"Alam mo ba kung saan kami nagkakilala ni Lucille?"

Umiling lang siya.

"Sa isang maliit na bookstore sa mall. Hindi ko na nga maalala kung ano ang binili ko doon. Basta ang natatandaan ko ay magkasunod kaming nagbayad. Wala akong smaller bill at hindi naman tumatanggap ng credit card ang bookstore. So I told the cashier to just keep the change. Pagkatapos ay umalis na ako. Nasa parking lot na ako nang lapitan ako ni Lucille. She insisted on giving me back my change." Ngumiti pa si Henry bago nagsalita uli. "Tulad nga ng sabi ko sa'yo dati, she found me."

Pero hindi interesado si Benj na marinig ang kwento nina Henry at Lucille. As far as he was concerned, that story was finished. "Pinapunta mo ba ako dito para lang ikwento 'yan?"

Umiling si Henry. "I saw the way she looked at you tonight. Ganyan din siya tumingin sa akin noon."

"What's your point?"

"I think I'm jealous."

Biglang natawa si Benj. "Henry, ikaw ang nakipagbreak sa kanya."

"Kailangan kong makipagbreak sa kanya dahil kay Alyssa."

"Sinasabi mo bang hindi mo gustong makipagbreak sa kanya?"

Kumunot ang noo nito. "Not really. I honestly believed that I already got tired of her."

Naikuyom niya ang mga palad para pigilan ang sariling saktan ang kapatid. Ipinaalala din niya sa sarili na ganito lang talaga magsalita si Henry.

"Parang naging boring na kasi siya. But she's really a nice girl. Kaya hindi ko agad nagawang makipagbreak sa kanya. I waited until the last minute. Kinailangan ko pa ngang gumawa ng paraan para siya mismo ang magconfront sa akin."

"The Instagram post?"

Tumango si Henry. "Believe me, I know it was an asshole move. Pero 'yun lang ang naiisip kong paraan. But seeing her tonight, seeing the two of you together, naalala ko bigla 'yung Lucille na masayang kausap at kasama. I remembered all the reasons why I liked her in the first place." Pagkatapos ay tumingin ito sa kanya.

Benj immediately saw the familiar spark in Henry's eyes. Kilala na niya ang ganoong tingin. And it infuriated him. Ganoong-ganoon kasi ang tinging ibinibigay nito sa kanya sa tuwing may gusto itong makuhang bagay. Specifically, 'yung bagay na pag-aari niya.

Simula pa noong mga bata sila ay madalas nang nangyayari ang ganitong eksena. Nagsimula iyon sa mga laruan, minsan ay pati damit at iba pang gamit. Noong high school sila ay nangyari din na nagustuhan nito ang babaeng nililigawan niya. Benj always gave Henry what he wanted. Iyon ang itinuro sa kanya ng papa niya at ni Tita Margot. But he realized right now that he wasn't willing to do the same with Lucille.

"'Wag mo akong tingnan ng ganyan, Henry," mapanganib na wika niya.

"Come on, Benj—"

"Engaged ka na."

"Sa pangalan lang. Ni hindi ko nga gusto si Alyssa at sinabi din niyang hindi niya ako gusto. It will just be a marriage of convenience. Isa pa, may usapan na kaming dalawa na kapag may iba kaming nagustuhan—"

"Don't you dare finish that sentence."

Nahimigan siguro nito ang galit sa kanyang boses kaya tumahimik ito. Si Benj naman ay mabilis na inubos ang laman ng kanyang baso. Pagkatapos ay inilabas niya ang wallet at kumuha ng pera. Ibinagsak niya iyon sa mesa.

"Hindi ko hahayaang mangyari ang sinasabi mo kaya 'wag mo na uling babanggitin sa akin ang ideya mong 'yan, Henry." Tatalikod na sana siya pero pinigilan siya nito.

"I'm not exactly asking for your permission, Benj. Isa pa ay wala ka sa lugar para pigilan o pagbawalan ako. Baka nakakalimutan mo na magkapareho lang tayo ng responsibilidad. Sooner or later, you will also marry a woman of our father's choosing."

"So? Hindi ibig sabihin n'on na hindi ko na siya pwedeng protektahan. Lucille doesn't deserve what you are offering. And for your information, she did not get boring. Wala din akong ginawa sa kanya para magbago. She had always been like that. Ikaw lang ang pumigil sa kanyang ipakita ang totoong siya."

Texting Under the Influence  (COMPLETE)Where stories live. Discover now