I Will Wait For You

3.4K 210 19
                                    

Nagpakawala si Benj ng malalim na hininga saka isinuklay ang mga daliri sa buhok. "Ang lahat ng ito ay parte ng long-term business plan ni Papa. He is the third-generation owner of this company. Itinayo ng lolo niya ang kumpanyang ito mula sa wala. By the time na ipinanganak na si papa ay successful na ang business. Mayaman na sila. Hindi na naranasan ni papa na maghirap."

"Hindi pa rin niyang naipapaliwanag ang lahat."

"My father is a privileged child. Hindi siya naghirap para sa kahit na anong bagay. Nang mamatay sila lolo ay ipinamana nila ang lahat kay papa. But my father never really worked a day in his life. Naiintindihan mo ba ang ibig sabihin n'on, Lucille?"

Umiling siya bilang sagot.

"Hindi siya nagtatrabaho. Hell! Hindi siya marunong magtrabaho. Muntik nang malugi ang lahat dahil sa kanya. Para maisalba ang kompanya ay pinakasalan ni papa si Tita Margot. In-absorb ng family company nila Tita Margot ang kompanya. Sa pagitan nilang dalawa, si Tita Margot talaga ang tunay na gumagawa ng mga desisyon. Si papa," nagpakawala si Benj ng malalim na hininga saka umiling. "Ayoko nang dagdagan pa ang hindi magagandang salitang sinabi ko tungkol sa kanya. Sabihin na lang natin na sumusunod lang siya sa lahat ng gustong mangyari ni Tita Margot. Pero sa mata ng publiko, pinapalabas nilang si papa ang gumagawa ng desisyon. He's like her puppet. At ang tanging dahilan kaya tinanggap ako ni Tita Margot ay para magamit niya ako sa ganitong paraan."

"Pati si Henry?"

Umiling si Benj. "Matagal na akong may suspetsa na hindi magagawa ni Tita Margot na bigyan ng ultimatum si Henry. Kaya nga nandito pa rin ako hanggang ngayon. At kaya sinanay niya ako na laging pinagbibigyan si Henry. She was preparing me for this exact situation."

"Hindi ko pa rin naiintindihan kung bakit kailangan mong magpakasal. I mean, that's absurd! Wala tayo sa telenobela, Benj."

"Well, the thing is, hindi din magaling na negosyante si Tita Margot. I recently discovered that the whole company is near bankruptcy. At iisa lang ang solusyon na naiisip nila."

Napailing-iling si Lucille. "Is this for real?"

"Gumana naman ang ganoong solusyon kay papa noong una, di ba? So naisip nilang gagana uli ang ganoong solusyon ngayon," walang emosyong wika ni Benj.

Pinakatitigan ito ni Lucille. Sa unang pagkakataon sa tanang buhay niya ay ayaw niyang magpadalos-dalos. This moment felt too important for her. Kaya matamang pinag-isipan niya ang mga susunod na sasabihin.

Nang muli siyang magsalita ay puno na ng confidence ang boses niya. "I understand, Benj."

"You do?"

Tumango siya. "Oo. Naiintindihan ko na ang sitwasyon." Humakbang siya palapit dito. Tumigil lang siya nang kaunti na lang ang espasyo sa pagitan nila. "Naiintindihan ko na kailangan mo itong ayusin ng mag-isa. Because this is about your family. Kahit pa ano'ng sabihin mo tungkol sa kanila ay alam kong mahal mo ang pamilya mo at gusto mo silang tulungan. Pero hindi ka magpapakasal sa Alyssa na 'yon." Muli siyang humakbang. She could now feel the heat coming from his body. "Pwede mo nang itapon sa basura ang resignation letter ko. Because I'm not going anywhere. Mananatili ako sa Blush bilang suporta sa'yo. I will report here every single day. Kahit pa Sabado o Linggo ay papasok ako para saluhin ang iba mong trabaho. And during those time, I expect you to work your ass off in finding a better solution to your family's problems. Dahil hindi ako papayag na magpakasal ka sa kahit na sinong babae, Benj. Do we understand each other?"

Kumunot muna ang noo ni Benj bago tumango.

"Good. I trust you, Benj. And I will wait for you." And then Lucille walked out of his office.

❤️❤️❤️

Thank you for reading! Don't forget to vote.

-Kensi

Texting Under the Influence  (COMPLETE)Where stories live. Discover now