Embarrassing breakup

4.1K 211 2
                                    

MAHINANG kumatok si Lucille sa nakasaradong pinto ng opisina ni Benj. Ayon sa assistant nitong si Bhelle ay pwede siyang pumasok na lang doon dahil inaasahan na naman siya ni Benj. Pero ayaw naman niyang gawin iyon. She felt like she owed him some level of respect at least.

"Come in," iritadong wika ni Benj.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at pumasok. Nakita na niya ang opisina nito noong Sabado. Pero nagulat siya dahil biglang nag-iba ang itsura ng opisina nito ngayon. It now looked like every woman's dream room.

"Bakit kumatok ka pa, Lucille?"

Natigil ang pagmamasid niya sa paligid. Dahan-dahan siyang bumaling kay Benj at nakita niyang nakatutok ang atensiyon nito sa laptop. Come to think of it, he never really took his gaze away from his laptop. "Paano mo nalamang ako ang pumasok?"

"Kumatok ka. Normally, hindi na kumakatok ang mga staff ko."

"Oh."

"I'm sure sinabi na 'yan sa'yo ni Bhelle."

"Well, I feel like it's the right thing to do."

Sa wakas ay tumingin na sa kanya si Benj. "Not in my office." Pagkatapos ay itinuro nito ang ulo. "Nadidistract ako kapag nakakarinig ako ng mga tunog na tulad ng pagkatok."

Lucille's high spirit immediately went down. Nakagat niya ang ibabang labi. "I'm sorry."

"It's okay. Inaasahan ko naman ang pagdating mo kaya niluwagan ko ang schedule ko ngayon." Pagkatapos ay itinuro nito ang sofa sa kabilang panig ng opisina.

Dahan-dahang lumapit doon si Lucille at naupo. Pagkaupo ay ipinagpatuloy niya ang pagmamasid sa kabuuan ng opisina ni Benj. Tulad ng una niyang assessment, mukha talaga iyong dream room ng bawat kababaihan sa mundo. Sa isang gilid ay mayroong dalawang malaking dress racks kung saan naka-hanger ang napakaraming damit. Hindi niya kailangang makita ang bawat isang damit para masigurong puro designer clothes ang mga iyon. Sa baba ng dress racks ay puro mga kahon ng sapatos na may nakatatak na kilalang brands. Sa gilid naman n'on ay isang mahabang mesa na puno ng iba't ibang accessories.

"You can pick anything you want later."

Bigla siyang napadiretso ng upo nang magsalita si Benj. Hindi niya namalayang nakatayo na ito sa tabi niya hawak ang laptop. Tipid na ngumiti lang siya. Ito naman ay ipinatong sa coffee table na nasa harap niya ang laptop.

"Nakausap ko na si Henry kagabi. Inaasahan na niya ang tawag ko."

"Ah," lang ang nasabi ni Lucille bago pinanood ang pagpipindot ni Benj sa laptop.

May binuksan itong application. Para iyong Skype na mas boring. Walang user ID o kahit anong design man lang sa interface. Ilang sandali pa ay lumabas na sa screen ang mukha ni Henry.

"Benj," pumailanlang sa malawak na opisina ang boses ni Henry.

"She's here," tanging wika ni Benj bago iniharap sa kanya ang laptop.

"Henry," Lucille said in a breathless whisper. Sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niyang lumakad palayo si Benj. Siguro ay para bigyan sila ng privacy.

"Good afternoon, Lucille. You look lovely," nakangiting bati ni Henry.

Awtomatikong ngumiti siya. "Salamat."

"My brother informed me about some sort of misunderstanding. Dahil daw sa nakita mong picture?"

Tumango si Lucille. "Sa Instagram."

"Yeah, that." Pagkatapos ay nagpakawala ng malalim na hininga si Henry. "Lucille, alam mo namang hindi ako ang gumagamit sa mga accounts na yan most of the time, di ba? I have a team that handles social media. And as the face of the company, I have to keep up appearances."

Texting Under the Influence  (COMPLETE)Where stories live. Discover now