Tonight Is the Night

3.9K 178 2
                                    

MAHIGIT limang minuto na yatang nakaupo si Benj sa harap ng manibela pero hindi pa rin niya pinapaandar ang kotse. Sa katunayan ay nakatingin lang siya sa kawalan. Nasa isip pa rin kasi niya ang nangyari kanina. Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa utak niya. Ang tanging rason na naisip niya ay nababaliw na siya.

Yup, he was definitely losing his mind. Una ay hinayaan niya ang sariling maapektohan sa mga sinabi ni Henry. Ang buong akala pa naman niya ay naperpekto na niya ang pagsasawalang-bahala sa mga sinasabi nito. Bata pa lang siya nang matutunan niyang wag magpadala sa mga pahaging ng kapatid. Pero isang salita lang nito laban kay Lucille ay nag-init agad ang ulo niya.

Speaking of Lucille, isa pa itong kinakainisan niya. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang niyang naisiwalat ang family history niya dito nang walang kahirap-hirap. Bakit ba kasi ito tumingin sa kanya ng ganoon? Like her whole focus was on him and him alone. Kapag tinitignan siya ni Lucille ng ganoon pakiramdam niya ay napaka-espesyal niya at bawat salitang sabihin niya ay importante.

Napahugot si Benj ng malalim na hininga. Maliban sa mama niya at nakababatang kapatid na si Janey ay wala nang tumitingin sa kanya ng ganoon. Kaya siguro naninibago siya kay Lucille. So if he wanted to keep his sanity in tact, he needed to stay away from her.

Tama, 'yon nga ang dapat niyang gawin. Kailangan lang niyang malampasan ang engagement party at pwede na siyang magpaalam kay Lucille. 'Yung permanenteng paalam kung saan hindi na sila magkikitang muli.

Not so fast, boy, biglang singit ng isang bahagi ng isip niya. Hindi ba invited ka din sa bachelor's party ng kuya niya? You already confirmed your attendance.

Well, pwede naman siyang hindi pumunta at hayaan na lang si Lucille na magpaliwanag sa pamilya nito. But then, the question was, could he really abandon Lucille like that?

Shit!

NAPAKALAPAD nang naging ngiti ni Lucille nang makita ang suot na necktie ni Benj. Hindi nga sila nagdesisyon na magcolor-coordinate. Pero ganoon pa rin ang kinalabasan.

"In-assure ako ng stylist na tumulong sa akin na unique ang greenish-blue color na ito," nakasimangot na sabi ni Benj kasabay nang pagturo nito sa necktie.

"Pag greenish-blue ba, unique agad?"

Lalo lang sumimangot si Benj na lalo naman niyang ikinangiti.

"Anyway, FYI lang, Benj. This color is called turquoise."

"Whatever." Napapailing na humugot ito ng malalim na hininga. Saka nito ini-offer ang braso para humawak siya.

Agad na lumipad ang katiting na kabang nararamdaman ni Lucille. Sigurado na siya ngayon na hindi siya pababayaan ni Benj. Kaya naman excited na humawak siya sa braso nito at hinayaan itong alalayan siya sa pagsakay sa kotse. Pero mukhang hindi niya napag-isipan ng husto ang lahat ng kailangan niyang pagdaanan dahil sa pagsusuot niya ng pencil cut na dress. Ang nasa isip lang niya nang piliin niya ang damit na 'yon ay ganoon ang uso ngayon. Isa pa ay ganoon ang madalas na nakikita niyang suot ni Kim Kardashian. It's not that she idolized Kim K. But the woman really looked good in pencil cut dresses. At nang subukan niyang isukat ang ganoong style ng damit ay na-appreciate niya kung gaano ka-flattering sa katawan ang ganoong style ng damit. But then, Lucille did not know how awkward and hard it would be to climb an SUV with her tight skirt.

"Let me help you," narinig niyang wika ni Benj kasabay nang paghawak nito sa kanyang bewang.

Lahat yata ng balahibo niya sa katawan ay nagsitaasan. She shivered involuntarily.

"Relax," bulong pa ni Benj sa tabi ng kanang tenga niya.

Lucille shivered some more.

"Are you cold?" naitanong tuloy nito.

Texting Under the Influence  (COMPLETE)Where stories live. Discover now