Dinner disaster

3.8K 178 1
                                    

LUCILLE was just too happy to escape when Benj announced that he needed to leave. Maaga pa daw kasi ang pasok nito sa trabaho kinabukasan.

"Ihahatid ko siya sa labas," agad na prisinta niya. Bago pa makapagprotesta ang kahit sino ay nahila na niya si Benj palabas.

Sa parte ni Benj ay mukhang kapareho niya rin itong nagmamadaling makatakas mula sa usapang kasal. Parang gusto niyang kilabutan nang maalala kung ilang beses pang nagparinig ang mga magulang niya tungkol sa pagpapakasal. At pagkatapos ng mala-disaster na pagpapaliwanag niya kanina ay hindi na siya muling nagtangka dahil baka kung saan nanaman mapunta ang usapan.

"I'm so sorry, Benj," nahihiyang wika ni Lucille pagdating nila sa tapat ng kotse nito. Dahan-dahang nag-angat siya ng paningin para silipin ang ekspresyon nito. Nakahinga siya nang maluwag pagkakitang hindi ito mukhang galit. "I promise aayusin ko 'to. Ipapaliwanag ko nang mas maayos sa kanila ang totoo." Pagkatapos ay napangiwi siya dahil naalala niya ang narinig niyang usapan ng dalawang kuya niya kanina. Nalaman niyang pumunta sila mismo sa condo ni Benj para makausap ito ng masinsinan. She could only imagine what they said and did to him. "Sorry talaga, Benj."

"What's done is done. Wala na tayong magagawa doon."

"Basta, sorry pa rin."

Nagpakawala ito ng malalim na hininga.

"Hindi ko naman alam na ganito ang mangyayari. I wasn't thinking properly."

Hindi pa rin sumagot si Benj kaya napilitan siyang tumingin nanaman dito. There was an unreadable expression on his face.

"Galit ka ba?"

Dahan-dahang umiling si Benj pero hindi pa rin nagsalita. Bigla tuloy kinabahan si Lucille.

"May nangyari pa bang hindi ko alam?"

"I'm invited to the bachelor party."

"Ano?" halos pasigaw na tanong ni Lucille. "Wag mong sabihing—"

"I couldn't say no."

Gustong sumigaw ni Lucille dahil sa frustration. Pero hindi niya magawa. Sigurado kasing magsisitakbuhan palabas ang buong pamilya niya at idedemand ng mga ito na magpaliwanag siya kung bakit siya sumisigaw.

"Benj, tell me you're joking."

Benj gave her a sympathetic smile. "I really wish I was."

Nagpalakad-lakad siya sa harap nito. Sinubukan niyang mag-isip kung paano tatakasan itong gulong napasok nilang dalawa. Pero wala naman siyang maisip. Actually, parang nawalan na siya ng kakayahang mag-isip. "This is a disaster."

Sumandal si Benj sa kotse at hindi nanaman nagsalita. Habang siya ay nagpatuloy sa paglalakad ng pabalik-balik.

"Eh kung—"

"Don't even think about suggesting that I go back on my word."

Napabuntong-hininga si Lucille. Pagkatapos ay nagkasalubong ang mga mata nila. Sandaling nagsukatan sila ng tingin. Sigurado siyang panic ang nakikita ni Benj sa mukha niya. But in his face, she could only see resignation. Na para bang tanggap na nito ang kung anumang kamalasang tinatamasa nito ngayon.

Si Benj ang unang bumasag sa katahimikan. "Bumalik ka na sa loob. Magkita na lang tayo sa office bukas. Pumunta ka kahit anong oras mo gusto. Nandoon lang naman ako. Bye, Lucille."

Isang tango lang ang isinagot niya bago siya umatras at tumalikod. Ayaw kasi niya itong panooring umalis. Because she suddenly felt alone. And seeing him leave would just reinforce that feeling. Yung feeling na walang ibang nakakaintindi sa kanya. Actually, normal na iyon sa kanya. Nobody really understood her. Not even her family. Ni hindi nga nila naiintindihan kung bakit gusto niyang magkaroon ng master's degree. She knew that they were all just indulging her. At ngayong gabi ay mas lalo pa niyang naramdaman ang pag-iisa niya. Ni wala siyang ibang mahingan ng tulong maliban sa isang taong kahapon lang niya nakilala.

~~~

Thanks for reading. Don't forget to vote!

- Kensi

Texting Under the Influence  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon