Coffee and... Kiss?

3.7K 201 20
                                    

PAGKATAPOS ng announcement at kung ano-anong toast, sa wakas ay libre nang umalis si Benj sa makeshift stage na 'yon. Pero pinigilan siya ni Henry sa kamay.

"Seriously, Benj, what did you do to Lucille?"

"Bakit ba iniisip mo agad na may ginawa ako sa kanya?"

Hindi agad nakasagot si Henry. Dahan-dahan nitong binitiwan ang kamay niya saka humugot ng malalim na hininga. "She seems different."

"Henry, for the record, hindi ako ang may pakana sa itsura niya ngayon. She did all of that on her own. Ang ginawa ko lang ay sunduin siya at dalhin dito."

"Hindi ang itsura niya ang tinutukoy ko. It's her. I mean, she's different."

"She's not different. She's just being herself."

"Pero hindi siya ganyan dati. She's very shy. Ni hindi siya komportableng kumain kapag magkasama kami. But now—"

"Now what?" Benj asked in a dangerously low voice.

May mga pagkakataon naman na kayang maging sensitive ni Henry. Mabuti na lang at isa ang oras na ito sa mga bihirang pagkakataong 'yon. "Nothing." Pagkatapos ay umatras na ito.

Siya naman ay agad na tumalikod at hinanap si Lucille. She was still enjoying her food. Parang biglang nabawasan ang masamang mood na ibinigay sa kanya ni Henry. Nang mag-angat ito ng tingin at ngumiti sa kanya, sigurado siyang nabura na ang lahat ng traces ng inis niya sa kapatid. Ngumiti din siya at binilisan pa ang paglalakad palapit dito.

"I'm sorry, Lucille," agad na sabi niya pagkaupo sa tabi nito.

"Bakit ka nagsosorry?"

"You were alone most of the night."

"Okay lang 'yun. I understand."

Napailing na lang si Benj. "Gusto mo na bang umalis?"

"That's it? Tapos na ang party?"

"Not really. Pero tapos na ang importanteng part. Now, we're just supposed to socialize with these people."

Tumango-tango si Lucille pagkatapos ay pinakatitigan siya. "Ahm, ayaw mo na bang makipagsocialize?"

Umiling siya. "I don't really know them. And I don't want to know them."

Hindi na niya hinintay na sumagot si Lucille. Inalalayan na niya itong tumayo saka mahigpit na hinawakan sa isang kamay bago hinila palabas. Ilang minuto lang ay nasa kotse na sila at nagmamaneho na siya paalis sa lugar na 'yon. Noon lang nabawasan ang nararamdaman niyang tensiyon. Actually, he didn't know how tensed he was until they were gone from the venue. Noon lang din niya narealize kung gaano katindi ang pagnanais niyang ilayo doon sa lugar na 'yon si Lucille. Ayaw na kasi niyang ma-expose pa ito sa ganoong environment.

NAPAKATAHIMIK sa loob ng kotse ni Benj. Hindi sanay si Lucille. Pero nahihiya naman siyang magsalita. Para kasing napakalalim ng iniisip nito habang nagmamaneho. Kaya nagkasya na lang siya sa panonood sa mga nadadaanan nila habang sinasamyo niya ang amoy ng kotse.

Ah, damn! Parang naaadik na siya sa amoy n'on. Or rather, sa amoy ni Benj.

Wala pa ring nagsalita sa kanila hanggang sa magpark sila sa harap ng isang coffee shop. Ni hindi siya nagtanong. Basta pinanood lang niya si Benj na bumaba at umikot sa side niya. Pagkatapos ay hinayaan niya itong alalayan siya hanggang sa makapasok sila sa coffee shop.

Naramdaman agad niyang pinagtitinginan sila ng mga tao sa loob ng coffee shop. Maybe because they looked overdressed. Pero nakalimutan din niya 'yon nang pumwesto si Benj sa likuran niya. Ang mga kamay nito ay magaang humawak sa magkabilang gilid ng bewang niya.

Texting Under the Influence  (COMPLETE)Where stories live. Discover now