The Engagement Party

3.4K 186 1
                                    

"ANO'NG ginawa mo sa kanya?" agad na tanong ni Henry pagkalapit nito kay Benj.

Alam na niya kung sino at ano ang tinutukoy nito. Pero wala siya sa mood na makipag-usap sa kapatid niya kaya hindi siya sumagot.

"Fine, don't answer me. Gusto ko lang sabihin sa'yo na good job."

Dahan-dahang tumingin si Benj kay Henry. Minsan ay naiisip niya na siguro ay gustong-gusto nitong naririnig ang sarili nitong boses. Because Henry could carry a full conversation by himself. Kahit pa hindi siya sumagot ay nagpapatuloy lang ito sa pagsasalita. Lalo na kapag may gusto talaga itong sabihin sa kanya.

"Lucille looked sophisticated enough."

Sinundan niya ng tingin ang tinitignan ni Henry. At tulad nang naramdaman niya kanina nang una niyang mamataan si Lucille, parang may sumuntok ng malakas sa sikmura niya.

"Pinagpractice mo ba siyang maglakad gamit ang high heels na 'yan para lang madala mo siya dito? Sa totoo lang hindi ako maniniwala kung hindi ko siya nakikita ngayon. The one and only time that I saw her wearing high heels, she looked miserable. Dinala ko siya sa isang fancy restaurant. I immediately regretted it the moment that we stepped out of the car and Lucille looked at me with wide eyes full of fear."

Hindi niya pinansin ang mga salita ni Henry. Ipinagpatuloy lang niya ang panonood sa mabagal na paglalakad ni Lucille paikot sa buffet table. Mukhang bawat dish ay tinitikman nito at ninanamnam ng husto. Pagkatapos ay nakikipag-usap ito sa mga servers tungkol sa dish na iyon. Minsan ay may mga guests din itong kinakausap. It had been thirty minutes ago since Benj left her there. Tinawag kasi siya ng papa niya. Nakangiting tumango lang si Lucille kanina nang magpaalam siya. And now, it's as if he could not make himself disturb her. Parang gusto niyang panoorin na lang si Lucille na i-charm ang bawat taong makausap nito.

"And man, I didn't know Lucille was hiding that kind of body. Kahit kailan ay hindi ko pa siya nakitang magsuot ng ganyan kaseksing damit. Did you—"

"Shut up, Henry."

But Henry just gave him a knowing smile. "Of course, you did. I'm sure ikaw ang may pakana ng lahat ng suot niya ngayon. She's a pretty thing, but she doesn't have the greatest fashion sense. Actually, medyo nagworry nga ako na baka kung ano ang isuot niya ngayon. Kilala mo naman si mama, she would be hysterical if the party becomes less than perfect."

Humugot ng malalim na hininga si Benj para pigilan ang inis niya. His brother was always a test to his patience. Pero ngayon na yata ang pinakamalala sa lahat. Hindi niya alam kung bakit. Pero kahit pa hindi ito magsalita ay naiinis na agad siya basta maligaw lang ang tingin nito kay Lucille. Kaya bumaling na siya dito at pinilit ang sariling magsalita. "Excuse me, I have to get back to my date."

Hindi na niya ito hinintay na sumagot. Tumalikod na siya at lumakad palapit kay Lucille. Hindi din siya nagsalita nang makalapit. His right hand just went directly to her back. Awtomatiko namang tumingin sa kanya si Lucille. A big and bright smile covered her face.

"Kailangan ko pa bang itanong kung okay ka lang?"

Lalo lang lumapad ang ngiti nito. "I love the food, Benj."

Nahawa na din siya sa ngiti nito. "Well, expertise talaga ni Tita Margot ang pag-o-organize ng party," tukoy niya sa mama ni Henry.

"Oh."

Medyo nabawasan ang ngiti ni Lucille. Hindi 'yon nagustuhan ni Benj. Kaya sinabi niya, "Do you want to meet the chef later?"

"Pwede?"

"I'll arrange it."

"In that case, yes, I want to meet him or her."

Sasagot pa sana siya nang may tumawag sa kanya. Isa sa mga staff ng papa niya ang nalingunan niya. Matapos tumango dito ay ibinalik niya ang atensiyon kay Lucille. "Okay ka lang ba dito?"

"Oo naman. Basta may pagkain okay na ako."

Ngumiti si Benj. Pero agad din 'yong nabura nang maalala kung ano ang susunod na mangyayari. "Lucille..."

"Hmm?"

"It's time."

Sandaling natigilan si Lucille. Pero bumalik din agad ang ngiti nito. "Benj, okay lang ako."

He didn't feel convinced. Nasabi na niya kanina dito kung ano ang mangyayari ngayong gabi. It was now time for the announcement proper. Ilang minuto lang ay aakyat sila sa makeshift stage sa gitna ng malawak na ballroom na 'yon. And his father would announce Henry's engagement to Alyssa.

Sinabi niya kay Lucille ang tungkol doon para maihanda nito ang sarili. Pero mukhang siya yata ang mas nangangailangan ng preparasyon. Para kasing ayaw pa niyang iwan doon si Lucille at tumayo katabi ang lalaking nanakit dito. Kahit pa ang lalaking 'yon ay kapatid niya.

"Seriously, Benj, you can go. Kaya ko na ang sarili ko."

"Bakit hindi ka na lang pumunta muna sa garden, Lucille? Pupuntahan na lang kita doon pagkatapos ng announcement."

Humawak si Lucille sa braso niya. He tensed even more. "Trust me, okay? Hindi ako basta na lang magbe-break down dito. I'm a lot stronger than I look."

Napakunot siya. Hindi niya alam kung paanong nangyari na siya pa ngayon ang kinakalma at ina-assure ni Lucille.

"Sige na. Masama na ang tingin sa atin ng staff ng papa mo." Muling ngumiti si Lucille. "'Wag ka nang sumimangot diyan. Baka kung ano pa ang isipin ng makakakita." And then she reached out to touch his forehead.

Hindi alam ni Benj kung ano ang pumasok sa isip niya. Basta nang maramdaman niya ang pagdampi ng mga daliri ni Lucille sa noo niya ay humakbang siya palapit dito. Then his hands went to her waist and pulled her closer. He smiled when he heard her sharp intake of breath.

"Alright, Lucille. I trust you." Pagkatapos ay magaang hinalikan niya ito sa noo. And damn it, bigla niyang narealize na hindi lang ang noo nito ang gusto niyang halikan ngayong gabi.

~~~

Thanks for reading! Don't forget to vote.

- Kensi

Texting Under the Influence  (COMPLETE)Where stories live. Discover now