Fairy Godmother Benj

3.3K 143 0
                                    

KANINA pa hindi mapakali si Benj. Pinapunta kasi niya si Lucille doon sa opisina niya ngayon. Mahigit fifteen minutes pa bago ang appointment niya dito. Pero hindi na siya makapaghintay na makita itong muli. He had never felt this way toward another person before. It scared and excited him at the same time. Tumingin siya sa suot na relo. Ten minutes na lang. Hindi pa rin siya mapakali. All he could think about was her face, her smile, and her sweet kiss.

Damn!

Napatingin siya sa pinto nang may kumatok doon. Parang biglang lumiwanag ang paligid nang makita niya ang pamilyar na masayang ngiti ni Lucille.

"You're early," nasabi na niya bago pa niya napigilan ang sarili.

Sandaling nag-alangan si Lucille. Pero mabilis din 'yong nawala. "Ayoko kasing ma-late. Sabi mo may importante kang sasabihin sa akin. At pinagsuot mo pa ako ng corporate attire."

Dahil doon ay hindi niya napigilang pasadahan ng tingin ang kabuuan nito. Lucille was wearing one of those dresses that looked like it was deliberately wrapped around her body. Pero pinatungan nito 'yon ng coat. Or whatever women called that piece of tight-fitting jacket that didn't seem to cover anything. Benj let out a pained groan.

"I'm sorry I didn't have anything else to wear. Sabi ni Ate Bree okay na daw 'to. Wala kasi akong corporate attire. I only have some smart-casual clothes." Kinagat nito ang ibabang labi.

Gusto nanaman mapaungol ni Benj. "Don't apologize, Lucille. Hindi naman—" napalunok siya nang muling lumitaw ang masayang ngiti nito. "Hindi naman mahalaga kung ano ang suot mo. Sinabi ko lang 'yon para hindi ka mailang dito."

Nagpatuloy lang si Lucille sa pagngiti ng matamis. Medyo nagdududa na siya doon. At medyo naiilang na din siya. Because she looked too sweet and delectable.

Ah, shit!

Saan nanggaling 'yon? No, he should not be thinking about how delectable her lips looked while smiling. No, definitely not. Pero paano ba niya pipigilan ang sarili? Napahawak na nga siya sa gilid ng mesa para lang manatili siyang nakaupo habang ito ay—teka nga, mukhang nakalimutan na din niya ang kagandahang asal. Nakita lang niya si Lucille ay lumipad na ang utak niya. Nakatayo pa rin kasi ito malapit sa pinto.

"I'm sorry, I think lost my mind for a bit," Benj said sarcastically. "Come in and sit down, Lucille." Itinuro niya ang visitor's chair sa tapat ng kanyang desk.

Napalunok nanaman siya nang dahan-dahang lumakad si Lucille palapit sa upuan. She smiled at him sheepishly. Wala sa sariling napasimangot si Benj. Maganda na si Lucille kahit pa university shirt at jeans lang ang suot nito. But with that figure-hugging dress, damn! She was trouble. Napakunot siya nang bigla nitong bilisan ang paglalakad. Lalo lang kasing na-emphasize ang kurba ng katawan nitong palaging tinatago ng t-shirt at jeans.

"Pasensiya ka na, hiniram ko lang kasi kay Ate Bree ang heels na 'to. Hindi pa ako sanay na ilakad kaya... ahm, sorry ang tagal ko."

Lalo lang nalukot ang noo ni Benj. "Hindi naman ako nagrereklamo."

"Pero nakakunot ka." Itinuro pa siya ni Lucille. "I can only assume na natatagalan ka sa paggalaw ko."

Pinilit ni Benj na i-relax ang kanyang facial muscles. Humugot din siya ng malalim na hininga. Nang magsalita siya ay malumanay na ang kanyang boses. "It's really okay, Lucille. Everything you do is fine."

Shit! That sounded stupid even to his own ears.

"Alright, Benj. Sigurado akong hindi mo ako pinapunta dito at pinagsuot ng ganito para lang sabihin 'yan. So, why am I here?"

Tumikhim muna siya saka kinuha ang isang folder at iniabot kay Lucille. "Heto. Tignan mo ang laman."

Tinanggap 'yon ni Lucille at binuklat. Pinanood niya ang facial expressions nito habang nagbabasa. Sa kalagitnaan ng pagbabasa ay kinagat nito ang ibabang labi. At doon na nagfocus ang mga mata niya.

"Benj, a-ano 'to?"

"Nababasa mo naman, di ba?"

"Benj..."

Lucille looked at him like he was a hero, a fairy godmother, and a genie all rolled into one. Ang sarap n'on sa pakiramdam.

"H-hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko."

"Hindi mo na kailangan magsalita. You can just sign the contract and start working immediately."

"Seryoso ba talaga 'to?"

Sinalubong niya ang mga mata nito. Ipinakita niya gamit ang mga mata kung gaano siya kaseryoso. "Serious as a heart attack."

Kinagat nanaman ni Lucille ang ibabang labi at tuluyan na siyang nawala sa sarili. Dahan-dahan siyang tumayo at lumapit dito. Inalis niya sa mga kamay nito ang folder. Pagkatapos ay hinila niya ito patayo. Now he appreciated the heels she was wearing. Kaunting yuko lang kasi ay magkatapat agad ang mga mukha nila.

"Alam kong hindi mo naman sinabi na gusto mong magtrabaho. But I could read between the lines. At naiintindihan ko din 'yung pakiramdam na gusto mong may mapatunayan sa sarili mo. You can either accept or decline the position I'm offering. It's up to you, Lucille. Kung tatanggapin mo ito, maaasahan mong tutulungan kita. Kung hindi naman, tutulungan pa rin kita sa paghahanap kung ano ang gusto mong gawin."

Umiling-iling si Lucille.

"You're declining?"

"No, I just—I really don't know what to say, Benj."

"Consultancy position lang naman ito. Hindi mo kailangan pumasok dito sa opisina araw-araw. Pwede kang makipagcommunicate lang sa staff ko through e-mail."

Humigpit ang pagkakahawak ni Lucille sa kamay niya. "I can't believe you're doing this for me, Benj."

"I'm not just doing this for you. Kailangan ko talaga ng English consultant. Alam mo naman ang obsession ng mga tao sa English grammar. Kaunting mali lang ay pupunahin agad nila. I want to make sure that everything on our Web site and social media accounts is perfect. I don't want to give anyone a chance to mock Blush," wika niya sa pinakapropesyonal na tinig na kaya niya.

"Then I accept," malapad ang ngiting sagot ni Lucille.

"Good." Agad na nakahinga si Benj ng maluwag. Ni hindi niya alam na pinipigil pala niya ang hininga habang hinihintay ang desisyon nito.

Texting Under the Influence  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon