Bakit Tayo Nandito?

3.5K 170 2
                                    

NAGKUNWA si Benj na hindi siya apektado. Pero ang totoo ay apektadong-apektado siya. Hindi niya alam kung paanong nakarating na sila ni Lucille sa ganitong stage ng pagkakakilala nila. Basta ang alam niya ay may nagbago sa kanila ngayong gabi.

"You sound so sure of yourself," distracted na komento ni Lucille.

Habang siya ay patuloy lang na hinahaplos ang buhok nito. Hindi niya naaalalang gumalaw siya para hawakan ang buhok nito. But he really liked touching her this way. At mas nagustuhan niya ang kaalamang nadi-distract si Lucille dahil doon.

"That's because I am sure, Lucille," puno ng kumpyansang sagot niya. Hindi nakaligtas sa kanya ang kabadong paghugot nito ng hininga.

"Kung ganon ay bakit tayo nandito?"

"Dito?"

Tumango si Lucille at tumingin sa kanya. "Oo. Sabi mo gusto mong..." sandaling nag-alangan lang ito bago buong tapang na nagpatuloy. "Sabi mo gusto mo na kapag hinalikan mo ako ay nasa isang lugar tayo kung saan mahahalikan mo ako sa paraang gusto mo. So, bakit tayo nandito at hindi sa lugar na tinutukoy mo?" Pagkatapos ay kumunot ang noo nito. As if she wasn't exactly sure what she was saying or asking.

She looked really cute and surprisingly sexy. Benj smile inwardly. Kahit minsan ay hindi niya ginamit ang salitang sexy para ilarawan si Lucille. Maraming beses na niyang sinabi na maganda ito. At totoo naman iyon. She always had that wholesome and refreshingly beautiful quality about her. Pero iba ngayong gabi. Tonight, she was sexy as hell.

"Seriously, Benj, what are we doing here?" Sa pagkakataong iyon ay mas kontrolado na ang boses ni Lucille.

Bigla naman siyang natauhan. The woman in front of her was her brother's ex-girlfriend. "Umiinom tayo ng kape." Tinapunan niya ng tingin ang mga kape nilang hindi pa nagagalaw. "At kumakain ng dessert."

"Benj, hindi 'yan ang ibig kong sabihin at alam kong alam mo 'yon."

"Do you really want me to answer that question?"

"Tatanungin ko ba kung ayaw ko?"

Noon lang narealize na Benj na wala pala siyang direktang sagot sa tanong na 'yan. Kaya lumayo na siya dito at pinilit ang sariling mag-isip ng rational. "Lucille, kinokonsidera mo ba ako bilang kaibigan?"

Halatang hindi inaasahan ni Lucille ang tanong niya pero sumagot pa rin ito. "Hindi ko alam. I mean, komportable akong kausap at kasama ka. Pero hindi pa naman tayo ganoon katagal na magkakilala para masabi kong magkaibigan nga tayo."

"Exactly."

"Ha?"

"Up until a few hours ago, I stand firm in my belief that I'm just doing you a favor. Na ginagawa ko lang ito para tulungan ka dahil naaawa ako sa'yo. But at the same time, ginagawa ko din ito dahil 'yon ang inaasahan mula sa akin."

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Alam mo nang half-brothers lang kami ni Henry. Alam mo na din na anak ako sa labas ng tatay namin. Pero hindi mo alam ang sitwasyon naming dalawa. Henry was the carefree prince of this stupid fairy tale. And from the outside, he looks perfect. Pero ang totoo ay mukha lang siyang perpekto dahil may mga tao sa likod niya na ginagawa ang lahat para mapanatili ang perpektong image niya. Isa ako sa mga taong 'yon, Lucille." Humugot muna siya ng malalim na hininga dahil kailangan niya ng kaunting lakas bago sabihin ang mga susunod na salita. "Ito talaga ang papel ko sa pamilyang ito. I'm the one who always cleans up Henry's mess."

Biglang sumama ang tingin sa kanya ni Lucille. "Sinasabi mo bang isa ako sa mga mess na 'yun?"

"Oo, at 'yan mismo ang dahilan kung bakit tayo nandito. Para ipaalala sa sarili ko na isa ka sa mga mess ni Henry. And I have no business kissing you."

"Oh." Puno ng disappointment na nag-iwas ito ng tingin.

Hindi niya 'yon nagustuhan kaya hinawakan niya ang pisngi nito para mapaharap ito sa kanya. "Hindi pa ako tapos, Lucille."

"Hindi mo na kailangang tapusin. Ayoko nang marinig ang iba pang—"

"Lucille, sinusubukan kong magpaliwanag sa paraang maiintindihan mo. So just listen, okay?"

"O-okay."

"Good. Dahil ayokong magkaroon ka pa ng maling akala tungkol sa mga bagay na mangyayari simula ngayon. You see, the moment that I decided to take you as my date, natapos na ang responsibilidad ko kay Henry."

"Pero napilitan ka lang naman na pumayag."

"Kaya lang naman ayaw kong pumayag ay dahil alam kong mag-iiba ang lahat. Taking you as my date is the exact opposite of my responsibilities to Henry and to our twisted family. I was supposed to just console you and then get rid of you. Hindi kasali doon ang pagtulong sa'yo at pagsama sa'yo bilang ka-date ko."

"I'm not sure I understand you, Benj."

"It means that the moment you stepped in that ballroom as my date, you were no longer categorized as Henry's mess. And up until a few hours ago, a part of me still thinks that you're in love with him. Kaya sa halip na dalhin ka sa isang lugar kung saan mahahalikan kita sa paraang gusto ko, dinala kita dito sa coffee shop kung saan maraming tao at mapipilitan tayong mag-usap para linawin ang lahat. Para sa susunod, kapag dinala na nga kita sa lugar na sinasabi ko, walang dahilan para hindi mo maintindihan ang tunay na intensiyon ko."

"Intensiyon mo?"

Tipid na tumango si Benj saka lumapit kay Lucille. "Hindi ko alam kung ano ang meron sa'yo, Lucille, at nakakalimutan kong ex-girlfriend ka ni Henry."

"Paano ako maniniwala sa sinasabi mo eh kanina mo pa paulit-ulit na sinasabing ex-girlfriend at mess ako ni Henry?"

"Let's just call it as my last attempt to be rational."

Pinakatitigan siya ni Lucille na parang pinag-iisipan kung paniniwalaan ba siya. And then she said, "Hindi na ako in love kay Henry. Actually, sa tingin ko nga ay hindi naman talaga ako na-in love sa kanya. I think I was just in love with the idea of falling in love with someone like him."

"Good, because next time we're not just going to talk about kissing."

PINANOOD ni Benj ang paglalakad ni Lucille papasok sa bahay nila. It was almost midnight. Alam niyang dapat na siyang umalis doon. Masyado na niyang inaabuso ang swerte niya. Ilang beses na kasi niya itong hinatid nang hindi nakaka-engkwentro ang mga kuya o mga magulang nito. Minsan nga kapag paalis siya sa condo niya sa umaga, inaasahan na niyang biglang dadating doon sina Justin at Chase. Pero hindi na uli nangyari ang pagbisita ng dalawa sa kanya. It's as if they just disappeared. At lalo siyang kinabahan doon.

Napangiti siya nang lumingon sa kanya si Lucille. Nasa mismong tapat na ito ng pinto ngayon. Kung isa siyang tunay na gentleman, dapat ay inihatid niya ito hanggang sa pinto ng bahay. But he wasn't even close to being a gentleman. Case in point, all he wanted to do right now was call her back and take her somewhere he could kiss her.

Hindi na maalala ni Benj kung kailan at paanong lumipad nanaman sa paghalik kay Lucille ang tinatakbo ng kanyang isip. Pero agad ding nabura 'yon nang tumunog ang cell phone niya at makitang si Henry ang tumatawag. Napatingin siya kay Lucille. Nasa loob na ito ng bahay pero nakabukas pa rin ang pinto. She probably stayed there to watch him leave. Kaya kumaway na siya bilang paalam saka pinaandar ang sasakyan. Kasabay n'on ay tumigil na din ang pagring ng cell phone niya. But he knew his brother. Alam niyang hindi ito titigil—speaking of which, tumunog nanaman ang cell phone niya. Sa pagkakataong 'yon ay sinagot na niya.

"Nasaan ka?" agad na tanong ni Henry.

"Pauwi na."

"Ngayon ka pa lang uuwi? Kanina pa kayo umalis sa party ah."

Alam niyang gusto lang magtanong ni Henry tungkol kay Lucille. But he didn't want to give him any information. "May iba pa akong pinuntahan."

"Ikaw lang?"

"Henry, bakit ka ba talaga tumawag?"

"Gusto kitang makausap."

"Alright, diyan na ako didiretso sa bahay."

"Wala ako sa bahay ngayon. Let's meet somewhere else."

~~~

Thanks for reading! Don't forget to vote.

- Kensi

Texting Under the Influence  (COMPLETE)Where stories live. Discover now