Constant Fear

3.2K 134 4
                                    

THE past few weeks with Lucille have been pure bliss. Pero hindi mawala sa isip ni Benj na baka bigla na lang matapos ang mga araw na 'yon. Isang umaga ay narealize na lang niya na halos araw-araw na siyang gumigising ngayon na may kasamang takot. Ganito ba talaga kapag nai-in love ang isang tao? You live in constant fear that the person you love would suddenly be taken away from you. At lalo pang tumindi ang ganoong nararamdaman niya dahil sa mga hindi magagandang sinasabi ni Henry. For the past few days, it was like Henry was dropping hints that something bad was about to happen. At kaya siya biglang nagpaalam kay Lucille kanina ay dahil nagtext ang kapatid niya. Pinapapunta daw siya ng papa nila sa bahay ng mga ito.

Lahat na yata ng masamang scenario ay naisip na niya habang nagmamaneho siya kanina. Still, nothing prepared him for what his father said.

"Is this some sort of a very sick joke?" tanong ni Benj. Actually, alam na niya ang sagot doon. Kahit kailan ay hindi nagjojoke ang papa niya tungkol sa negosyo at sa pera. Pero gusto pa rin niyang itanong.

"I wish it was a joke," si Tita Margot ang sumagot. "Naiimagine ko na kung gaano karami ang chismis na lalabas kapag in-announce natin ang tungkol dito." Exaggerated na umiling-iling pa ito.

It was too dramatic for Benj's taste kaya inilayo niya ang tingin sa mama ni Henry at nagfocus sa papa nila. "At pumayag ka naman dito, Pa?"

"Wala naman akong nakikitang masama sa changes na gusto nilang mangyari. The business side of things is still the same. 'Yung personal part lang ng contract ang magbabago. It's not a big deal."

"Not a big deal?" Tumayo si Benj at nagpalakad-lakad. "Hindi ba big deal na puputulin niyo ang engagement nina Henry at Alyssa? Tapos gusto niyo na ako ang pumalit kay Henry para magpakasal kay Alyssa?"

Tumayo din ang papa niya. "You should be flattered, Benj. Mas gusto ni Alyssa at ng papa niya na sa'yo siya magpakasal." Pagkatapos ay tinapunan nito ng tingin si Henry. "Nalaman nila ang tungkol sa mga pambababae ni Henry. At ayaw nilang mapahiya pagdating ng araw kapag nagsimulang mambabae si Henry habang kasal sila ni Alyssa."

"Pa, that's not—"

"Shut up, Henry," galit na putol dito ng papa nila.

"I will not do it," puno ng kunbiksiyong wika ni Benj.

"You don't have a choice, son."

"Don't call me, son. Alam nating pareho na kahit kailan ay hindi ka naging tatay sa akin. Yes, you provided for me. Pinag-aral at pinakain mo ako. Pinatira mo ako dito sa bahay niyo. But those are not the things that I wanted from you. Kaya 'wag mo akong tawaging anak. At hindi ko gagawin ang sinasabi mo." Akmang sasagot pa ang papa niya pero inunahan niya nito. "At wala ka nang maipapanakot sa akin para sumunod sa'yo, Pa. My mother is already living very far from here. Napatunayan na niyang hindi siya threat. As for me, I don't really need all of these." Itinuro niya ang kabuuan ng malawak na library ng papa niya.

Bigla siyang kinabahan nang kumislap ang mata ng papa niya. "Ah, but there is someone else."

Naikuyom ni Benj ang mga palad. Pinanood niya ang pag-usbong ng tusong ngiti ng papa niya. Pagkatapos ay nakuha ni Tita Margot ang atensiyon niya. It's as if she was trying not to smile. Shit! Bakit pakiramdam niya ay napagkakaisahan siya ngayon?

"Her name is Lucille Castillo, right?"

Goddamn it!


Texting Under the Influence  (COMPLETE)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora