Ah, So Much Faith

3.3K 143 9
                                    

KAGAT-KAGAT ni Lucille ang ibabang labi habang pinapanood si Benj sa pagbubukas ng pinto. Nasa isang private building sila. Simula nang pumasok sila sa basement parking na binabantayan ng isang security guard ay wala na siyang ibang nakitang tao. Ni wala silang nakasabay sa elevator at wala din silang nakasalubong sa hallway. She knew that she was supposed to be nervous and wary. Pero totoo ang mga sinabi niya kay Benj kanina. May tiwala siya dito. Alam niyang wala itong gagawing masama sa kanya. That's how much faith she had for this man.

Awtomatikong napangiti siya nang lumingon si Benj sa kanya. Nasa tapat na sila ng isang pinto. Sandaling nakita niya ang pag-aalangan sa mga mata nito. Pero mabilis din 'yong nawala.

"Come in," itinulak nito pabukas ang pinto.

Nakagat ni Lucille ang ibabang labi nang makapasok. It was a small condo unit. Pero kakaunti lang ang gamit sa loob. Para ngang walang nakatira doon. The place looked too immaculate. Nang hanapin niya kung nasaan si Benj ay nakita niyang nasa tapat ito ng isa pang pinto. Sumenyas ito na lumapit siya. Pero hindi siya gumalaw mula sa kinatatayuan. Napatingin siya sa nakasarang pinto bago muling tumingin kay Benj.

"Ito ba ang tinutukoy mong lugar kung saan mahahalikan mo ako sa paraang gusto mo?" Then she immediately closed her mouth. Hindi niya alam kung bakit niya nasabi 'yon. Minsan talaga ay nauunahan siya ng sarili niyang bibig.

Ngumiti lang si Benj. "Come here, Lucille."

"Are you going to kiss me then?" Mabilis na tinakpan niya ang bibig gamit ang dalawang kamay. Hindi sapat ang isang kamay lang.

Muling sumenyas si Benj na lumapit siya. Sa pagkakataong 'yon ay sumunod na siya.

"Lucille," bulong nito saka siya pinaikot para mapaharap siya sa pinto. Then he pushed open the door. "Welcome to my studio."

Nanlaki ang mga mata ni Lucille nang marealize niya kung ano ang kuwartong 'yon. It was a darkroom. Not the kind of dark room that inspires erotic fantasies. It was the kind of darkroom used in developing photographs.

"Wow."

Tumikhim si Benj kaya napalingon siya dito. "I'm not a professional or anything. Hobby ko lang 'to."

"This is amazing, Benj."

Nahihiyang ngumiti ito saka nagkamot sa batok. Lucille was immediately charmed. Ngayon lang kasi niya nakita ang side na ito ni Benj. Sa tuwing nakikita at nakakausap niya ito ay palagi itong sigurado sa sarili. Pero ngayon habang nakikita niya ang insecurity sa ekspresyon nito ay parang lalo pa siyang humanga dito.

Yes, she admired him. Base sa mga nalaman niya tungkol dito ay sigurado siyang isa itong mabuting anak, mabuting kapatid, at magaling na negosyante. But he seemed like he never gave himself enough credit. Siguro dahil wala namang ibang taong nag-e-encourage dito. Naiintindihan ni Lucille ang ganoong feeling. Ganoon din kasi ang nararamdaman niya. Sa mata ng ibang tao ay ine-encourage siya ng kanyang pamilya. Pero alam niya ang totoo. Pinagbibigyan lang nila siya. Magkaiba ang dalawang bagay na 'yon.

"Benj, look at me." Tila nahihiyang tumingin ito sa kanya. Gusto niyang burahin ang insecurity na nakikita niya sa mga mata nito kaya lumapit siya. Inabot niya ang kamay nito. The moment that their hands met, she immediately forgot how to speak. Basta ang alam lang niya nang oras na 'yon ay gusto niya itong i-comfort.

"Lucille, don't."

Nang magsalita si Benj ay saka lang niya narealize ang ginagawa. Hindi na niya hawak ang kamay nito. Nakapatong na ngayon ang mga kamay niya sa balikat nito. Nakatingkayad na din siya. At ang mukha nila malapit na sa isa't isa.

"Why not?" Muntik na niyang hindi nakilala ang sariling boses. It was low and kinda husky.

"May dahilan ako kung bakit hindi kita kinontak sa loob ng mahigit dalawang linggo."

"Alam ko, Benj. Kilala na kita. Sigurado akong hindi ka gagawa ng kahit na ano nang walang mabuting dahilan." Lalo pa siyang lumapit dito. She could feel the heat radiating from his body.

Bigla itong nagpakawala ng malalim na hininga saka tumingin sa kisame. "Ah, Lucille, you're a real test to my virtues sometimes."

"Virtues?"

Tumingin na uli sa kanya si Benj. Napangiti siya nang hindi na niya makita doon ang insecurity. "Oo. Virtues tulad ng self-control, moral standards... you know."

"Ano'ng kinalaman ko diyan?"

Sa halip na sumagot ay yumuko ito at inilapit ang mukha sa kanya. Awtomatikong napapikit si Lucille. Pero ang halik na inaasahan niya ay hindi dumating. Muli siyang napadilat. Titig na titig sa kanya si Benj pero parang hindi naman siya nito nakikita. Para bang napakalalim ng iniisip nito. She didn't like it. Kaya hindi na niya pinigilan ang mga kamay nang kusang gumalaw ang mga 'yon papunta sa likod ng ulo nito. And then she pulled him in a kiss.

Texting Under the Influence  (COMPLETE)Where stories live. Discover now