There's something about her

4.3K 267 7
                                    

NAGMAMADALING bumaba si Benj sa kotse at pumasok sa Jas Cafe. Iyon ang pangalan ng bar na tinext sa kanya ni Lucille. Ina-assume lang niya na iyon ang tamang bar dahil mali ang address na ibinigay nito. He had to search online to get the real address. Kaya naman inabot siya ng mahigit isang oras bago nakapunta doon. Ni hindi nga siya sigurado kung naroon pa ang babae.

Pagpasok niya ay agad na inilibot niya ang paningin. Nakahinga siya nang maluwag nang makita si Lucille na nakaupo sa bar area. He was already beside her in just a few strides.

"Hello," bati sa kanya ng bartender.

Wala siya sa mood na maging cheerful. Kaya tipid na tumango lang siya dito.

"Nandito ka ba para sunduin siya?"

Sinundan ni Benj ng tingin ang itinuturo ng bartender. Agad na natigilan siya nang makita ang itsura ni Lucille. Isang tingin lang talaga ang kailangan niya para malamang lasing na lasing na ito. She could not even keep her head upright. Nakapangalumbaba ito habang nakapikit.

"Gaano karami ang ininom niya?"

"Six glasses of grapefruit martini," sagot ng bartender.

"Six?"

Tumango ang bartender. "Bago iyon ay naka-apat na baso siya ng beer."

Benj struggled to think of something to say, but all he could come up with was, "She's a student."

"Chinek ko ang ID niya. Hindi na siya minor. She's a graduate student."

"What the hell does that mean?"

"Nag-aaral na siya ng master's degree."

Napailing-iling si Benj. "Nakabayad na ba siya?"

"Oo."

"Okay, thanks." Pagkatapos ay tuluyan na niyang hinarap si Lucille. She was currently struggling to open her eyes. Nagawa naman nitong dumilat at tumingin sa kanya. Pero sandali lang 'yon. Hindi nga siya sigurado kung namukhaan siya nito. "Lucille?"

"Hmm?"

Yumuko siya para magkatapat ang mga mukha nila. "Open your eyes."

Muli itong dumilat. Sa pagkakataong iyon ay nagawa na nitong salubungin ang kanyang mga mata.

"It's me, Benj."

Hindi sumagot si Lucille. Nanatili lang itong nakatitig sa kanya. For some reason, Benj felt a little uneasy with their situation. Ngayong natitigan na niya nang mas mabuti si Lucille ay parang bigla siyang naawa dito. At ang mas nakakagulat pa doon ay parang nakonsiyensiya din siya.

Totoo naman kasi ang sinabi ng receptionist kay Lucille. Normal na lang na may mga babaeng nagpupunta doon sa opisina at sinasabing girlfriend sila ni Henry. Mas madalas na si Benj ang humaharap sa mga babaeng 'yon. Iyon kasi talaga ang role niya. He was the one who always fixed Henry's mess. Pero ewan ba niya kung bakit iba ang naging treatment niya kay Lucille. At lalong hindi niya alam kung bakit ibinigay niya dito ang kanyang business card. There was just something about her.

Natigil ang pag-iisip niya nang makita ang kalungkutan at hinanakit sa mga mata nito. Ilang sandali pa ay nagsimula nang mamasa ang mga mata nito.

"Lucille?"

She muttered something. Hindi niya iyon naintindihan kaya lalo pa siyang lumapit dito.

"May nagawa ba akong mali?" sumisinghot na tanong nito saka humawak sa kanyang braso. "Sinunod ko naman lahat ah. Hindi ako tumatawag o nagtetext kapag office hours. I don't nag. I don't even post on social media about him. Tapos-tapos..." hindi na nito naituloy ang sinasabi dahil napahagulgol na ito.

Awtomatikong hinawakan ni Benj ang magkabilang balikat ng dalaga. Mukha kasi talagang hindi na nito kaya ang sarili. Parang kaunting ihip ng hangin na lang ay matutumba na ito.

"Benj?"

"So you do know who I am."

"Oo naman. Nakainom lang ako ng konti pero hindi ako lasing."

He scoffed. "Yeah, right."

Nagpumilit itong lumayo sa kanya pero hindi niya ito binitiwan. "Okay lang ako, Benj. Kaya ko ang sarili ko."

Hindi na siya sumagot. Hinigpitan na lang niya ang pagkakahawak sa mga balikat ni Lucille. Pero nagpatuloy parin ito sa pagpupumilit na tumayo. Natabig nito ang isang baso. Napilitan tuloy siyang bumitiw para pigilang mahulog ang baso. Sa maikling sandaling 'yon ay nagawang bumaba ni Lucille mula sa bar stool. Pero isang hakbang pa lang ay muntik na agad itong matumba. Mabuti na lang at nakagalaw siya agad para saluhin ito.

"Uuwi na ako, Benj."

"Good." He held her firmly against his body. Dahil kung hindi ay siguradong babagsak ito sa sahig.

"Nasaan ang susi ko?" Kinapa nito ang sariling bulsa.

Sandaling napapikit si Benj. Lucille's face was just inches from his own face. Kaya amoy na amoy niya ang alcohol mula sa hininga nito. Pero maliban doon ay may iba pa siyang napansin. Lucille's body was very intimately pressed against him. Wala sa sariling napalunok siya.

"Benj, nawawala yata ang susi ng kotse. Hindi pwedeng mawala 'yun. Lagot ako sa kuya ko."

"Bakit?" curious na tanong niya.

"It's his car. Hiniram ko lang."

Parang gusto niyang matawa bigla. Just when he was starting to think of Lucille as a grown woman, she went and said something like that. Sa huli ay napangiti na lang siya. "I'm sure nasa bag mo lang 'yun."

"Ay oo nga! Teka, nasaan na ba ang bag ko?" Pagkatapos ay nagtangka nanaman itong lumayo sa kanya para kunin ang bag.

Hindi niya ito hinayaang makalayo. "Ako na ang kukuha sa bag mo." Madali niyang nakuha ang bag nitong nakapatong sa bar stool. Finally, they were ready to leave. Pero nakakailang hakbang pa lang sila ay narealize agad niya na aabutin sila ng umaga kung hahayaan niya si Lucille na maglakad. Kaya sinuot niya ang backpack nito bago binuhat ang dalaga. Lucille was probably too drunk to protest. Ipinatong lang nito ang ulo sa kanyang balikat at hinayaan siyang buhatin ito.

Nang malapit na sila sa pinto ay aksidenteng napatingin si Benj sa salaming bintana. Napailing siya sa itsura nila. Sa tanang buhay niya kahit minsan ay hindi niya inakala na isang araw ay gagawin niya ang ganitong bagay para sa ibang tao. Kahit pa siya ang tinaguriang tagalinis at taga-ayos ng mga gulong ginagawa ni Henry ay hindi pa nangyayaring nalasing ito ng husto. Henry was not a hard drinker. Kaya wala siyang experience sa pag-aasikaso sa isang lasing. Pero hindi naman niya magawang pabayaan si Lucille. Una sa lahat ay babae ito. At pangalawa, well, there really was something about her.

~~~

So, I'm stopping here for now. Let me know if you want to continue reading about Benj and Lucille. Of course, don't forget to vote! hihi thank you!

Texting Under the Influence  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon