The Perfectly Tied Hair

3.4K 142 5
                                    

NATUTO nang maglock ng opisina si Benj. Maraming beses na kasing muntik muntikan na silang mahuling dalawa ni Lucille na nag-aasaran slash naglalambingan sa loob ng opisina niya. Henry generally stayed away from his office. Pero madalas ay tumatawag ito sa kanya. Sometimes they talked about work and business. Pero may mga pagkakataon din na nararamdaman niyang parang may iba pa itong gustong sabihin. Pero hindi naman nito itinutuloy. Hindi na lang pinapansin 'yon ni Benj. If Henry really wanted to tell him something, then he should be man enough to open the subject.

Napaangat ang tingin niya nang may kumatok sa pinto. He already instructed all his staff members to knock when they were going to his office.

"Come in."

Bumukas ang pinto at sumilip doon ang nakangiting mukha ni Lucille. Awtomatikong napangiti siya.

"Sinabi ko na sa'yong hindi mo na kailangan kumatok."

Tumaas muna ang isang kilay nito bago sumagot. "Isa pa rin naman ako sa mga staff mo, di ba?"

"Kahit na."

Lucille gave him an exasperated look. "Nagpunta lang naman ako dito dahil magpapaalam ako sa'yo. May lakad ako kaya hindi ako sasabay sa'yong maglunch."

Agad na kumunot ang noo niya. "Anong lakad 'yan?"

"I just got my first paycheck today so I'm taking my parents to lunch."

"Oh, okay." Pagkatapos ay nakangiting sumenyas siya na lumapit ito. Pero umiling lang si Lucille. "Ayaw mo?"

Umiling nanaman ito. "Kapag lumapit ako diyan, magugulo lang ang ayos ko. At mapapansin agad 'yon ni mama. And I don't want that."

"What are you talking about?" painosenteng tanong niya.

"Don't act like you don't know anything."

Napangiti na lang si Benj. Hindi pa nga nangyayari na may nakahuli sa kanilang naglalambingan doon sa opisina niya. Pero hindi na 'yon kailangan. Nung araw mismo na i-confess niya kay Lucille ang tunay niyang nararamdaman ay nagkaroon agad ng ideya ang buong staff niya. It wasn't really intentional. Benj just couldn't keep his hands away from her. Hindi naman niya sinasadyang magulo ang maayos na pagkakatali ng buhok nito nang hawakan niya ito sa ulo. Nalaman niya kay Lucille na isang staff niya ang naglakas ng loob na sabihin dito ang tungkol sa estado ng buhok nito. Lucille was mortified. Simula noon ay palagi na siya nitong pinagsasabihan. But Benj realized that he didn't really care what others would say.

Buong buhay niya ay napaka-conscious niya sa kanyang image dahil 'yon ang itinatak ni Tita Margot sa isip nila ni Henry. But not anymore. Napagdesisyunan na niyang ayaw na niyang magpatali pa sa papa niya, kay Tita Margot, at sa kompanyang ito. He just needed to figure out how to escape from all of these.

"All right, I will behave. I promise. Kaya halika na dito, Lucille." Inilahad pa niya ang isang kamay.

It was the only invitation that Lucille needed. Nakangiting lumapit ito at inabot ang kamay niya. Awtomatiko namang hinalikan niya ang kamay nito.

"How about dinner tonight?"

"Hindi pwede, Benj. Kailangan kong pumunta sa school."

"Wala ka namang pasok ngayon, di ba?"

"I need to do additional research for my thesis. May mga pinapadagdag sa akin ang adviser ko. I only have less than two months to prepare for my thesis defense, you know."

"Parang ang bilis naman yata?"

"Kailangan kong bilisan kung gusto kong grumaduate agad. Wala na akong ibang maidadahilan pa para magstay sa school. I will be graduating this semester."

Benj gave her a soft smile. "I'm proud of you, you know."

Lalo namang lumapad ang ngiti ni Lucille. "Thank you." Pagkatapos ay lumapit ito para bigyan siya ng halik.

Kilala na niya si Lucille. She liked giving him chaste kisses in his cheeks, nose, and just about any part of his face. Gusto din naman niya 'yon. But he still preferred giving her kisses in his own style. Kaya bago pa makalayo si Lucille ay hinawakan na niya ito sa batok. He captured her surprised gasp in his mouth. Napangiti siya nang hindi ito nagprotesta nang palalimin niya ang halik. Then he did exactly what she was afraid of. Benj threaded his fingers through her perfectly tied hair.

Texting Under the Influence  (COMPLETE)Where stories live. Discover now