A family affair

4K 202 6
                                    

"BENJ, ano'ng ginagawa mo dito? Bakit ka pumayag na sumama sa family dinner? Ano'ng sinabi sa'yo nila kuya?" sunod-sunod na tanong ni Lucille nang mapagsolo silang dalawa ni Benj sa garden. Ito ang unang pagkakataon na makakausap niya ito simula nang dumating ito kasama ang dalawang kuya niya.

Benj just scoffed and walked away from her. Mabilis na sumunod siya dito.

"Benj—"

"I'm supposed to keep a minimum of five meters distance from you."

"Ha?"

"Nasa rule number four yata 'yun. Or was it number five?"

"Benj, ano ba ang sinasabi mo?" tanong ni Lucille nang makalapit muli siya dito. Pero lumayo lang uli sa kanya ang binata.

"Binigyan ako ng mga kuya mo ng sampung rules. Isa sa mga 'yon ang pagdistansya sa'yo ng limang metro sa lahat ng oras."

Hindi siya nakapagsalita.

"You look like you're waiting for me to say some sort of a punchline to this joke. Believe me, Lucille, kanina ko pa hinihintay na may magsabi sa akin na joke lang ang lahat nang ito."

Hindi pa rin siya sumagot at nanatitiling nakatitig kay Benj.

"Inimbita ako ni Justin kagabi nang ihatid kita."

"Bakit kasi inihatid mo pa ako?"

Benj gave her a look. Na para bang isang malaking insulto dito na itinatanong pa niya iyon.

"Fine, medyo nakainom nga ako kagabi—"

"Hindi ka medyo nakainom lang. You were dead drunk, Lucille."

"Whatever. Hindi pa rin niyan nasasagot ang tanong ko. Bakit ka pumayag?"

"Sa totoo lang hindi din ako sigurado. Basta ang alam ko ay inihatid kita pauwi dahil hindi kaya ng konsiyensiya ko na basta na lang pabayaan ang lasing na girlfriend ng kapatid ko. The next thing I knew, Justin was right there in front of my face and ordering me to come here today."

"Bakit hindi mo siya tinanggihan? At bakit sinabi mo na ikaw ang boyfriend ko?"

"Wala akong sinabing ganyan. He just assumed."

"Eh 'di itinanggi mo sana at itinama ang mali niyang hinala."

Benj gave her a pained smile. "Lucille, hindi kasi ganoon kasimple ang nangyari kagabi. Paano ko itatanggi ang lahat eh ni hindi nga ako nakasingit kahit isang salita dahil tuloy-tuloy ka sa panunumbat?"

"Ako?" itinuro ni Lucille ang sarili.

"Oo, ikaw. Paulit-ulit na sinusumbat mo ang mga kasalanan ni Henry sa harap naming lahat. Alam ko namang para kay Henry lahat 'yun. Pero sila, hindi. Inakala nila na para sa akin ang lahat ng mga sinabi mo kagabi."

Humugot ng malalim na hininga si Lucille. Sa likod ng kanyang isip ay may kaunting memorya nga siya ng mga pinagsasabi niya kagabi. She just did not realize that they were already home by then. Ni hindi nga niya alam na sinasabi pala niya ng malakas ang mga iyon.

"Listen, Lucille, gusto kong sabihin na kusa akong nagpunta dito ngayon. But that would be a lie. Obviously, nandito ako dahil pinwersa ako ng mga kuya mo."

"Sinasabi mo bang natatakot ka sa mga kuya ko?"

Lalo pang sumama ang mukha ni Benj. Nagsimula din itong humakbang palapit sa kanya. Mukhang nakalimutan na nito ang mga rules na sinasabi nito kanina. And then he spoke in a menacing voice.

"Hindi ako natatakot sa mga kuya mo. If you were really my girlfriend, no amount of threat could keep me away from you. 'Yun ay kung girlfriend talaga kita. Pero ni hindi ko nga alam na nag-e-exist ka pala bago tayo nagkita sa office kahapon. Still, I feel like I owe you something. Kaya magpunta ka sa opisina ko bukas ng hapon."

"Bakit?"

"I'll contact Henry for you. Para makapag-usap na kayo at matapos na ito."

"What's the catch?" tanong ni Lucille. Sa talim ng tingin sa kanya ni Benj ay hindi siya naniniwalang gagawa ito ng pabor ng libre.

"Bilang kapalit ay lilinawin mo sa buong pamilya mo ang lahat."

"Ah, 'yun lang pala eh. 'Wag kang mag-alala. Ako na ang bahala sa kanila."

Magsasalita pa sana si Benj pero tinawag na sila ng mama niya. Kaya nagpatiuna na siya sa pagbalik sa loob ng bahay. Malapit na siya sa pinto nang mapansin niyang hindi nakasunod sa kanya si Benj. Nilingon niya ito.

"Ano pa ang hinihintay mo diyan? Tara na sa loob."

A combination of irritated and resolved expression passed through his face. Pero mabilis din 'yong nawala. Maya-maya pa ay bumalik na ang carefree at cool na ekspresyon nito.

"Nakasilip sa atin ang mga kuya mo, Lucille. So stop looking at me like that."

Napakunot siya. "Like what?"

"Like you're checking me out."

"Ano? Hindi naman—"

"Shh," inilapit pa nito ang mukha sa kanya. "There's really no point in denying when the truth is written all over your face."

Sumimangot si Lucille. "Wow!" sarkastikong wika niya. "Ang akala ko mag-isa lang si Henry sa mundo. Apparently, conceitedness runs in the family."

"Touché." Pagkatapos ay nauna na si Benj sa pagpasok sa bahay.

~~~

Thanks for reading. Don't forget to vote!

- Kensi

Texting Under the Influence  (COMPLETE)Where stories live. Discover now