Finally, A Real Kiss

3.5K 157 8
                                    

MALALAKI ang mga hakbang na nilapitan ni Benj si Lucille. Nakatalikod ito sa kanya at nakayuko. She was probably browsing Instagram again. Isa 'yon sa mga hobby nito. Lucille enjoyed searching for funny hashtags and checking out every post on that hashtag. Minsan ay bigla na lang nitong ipapadala sa kanya ang screenshot ng mga posts na nagugustuhan nito. It was so random and so Lucille. Napangiti siya nang marealize niya ang kanyang ginawa. Ginagamit na talaga niya bilang adjective ang pangalan ni Lucille. She was just amazingly and uniquely Lucille. And he liked every part of her.

"Ay, nandiyan ka na pala," nakangiting wika nito nang lumingon sa kanya.

Ngumiti din si Benj. "Sorry medyo natagalan ako."

"It's okay. Nagjo-joke lang naman ako kanina. Hindi pa naman ako gutom na gutom. Gutom pa lang." Pagkatapos ay ngumisi ito.

Hindi na niya napigilan ang sarili. Yumuko siya at mariing hinalikan ito sa mga labi. It was just a brief kiss. Lumayo din agad siya at hinawakan ito sa kamay. Pagkatapos ay iginiya na niya ito palapit sa elevator.

"Benj—"

"Later, Lucille," putol niya sa sasabihin nito kasabay ng magaang paghaplos sa kamay nitong hawak niya.

Nang bumukas ang elevator ay sinubukan nitong hilahin ang kamay. Pero hindi pumayag si Benj. He firmly held her hand. Kahit pa lahat ng sakay ng elevator ay nakatingin sa kamay nilang magkahawak. Nararamdaman niyang hindi komportable si Lucille sa nakukuha nitong atensiyon. Mabuti na lang at nakarating agad sila sa ground floor. Nagsilabasan na ang karamihan ng kasabay nila doon. Nang hahakbang na palabas si Lucille ay pinigilan niya ito. Nagtatanong ang mga matang tumingin ito sa kanya. Ngiti lang ang isinagot niya. Medyo bumilib na siya dito kasi nagawa nitong tumahimik ng ganoon katagal. But the moment that they stepped out toward the basement parking, Lucille immediately started talking.

"Bakit tayo nandito, Benj? Hindi naman natin kailangan ng kotse para pumunta sa cafeteria. Saka may mga restaurants naman diyan na walking distance lang. Saan tayo pupunta?"

"Patience, Lucille."

"Alam mong hindi ako pasensiyosang tao. At magpasalamat ka na 'yun lang ang mga tinanong ko sa'yo. Dahil sa totoo lang ay napakarami ko pang gustong sabihin at itanong." Pagkatapos magsalita ay humugot ito ng malalim na hininga na parang naubusan ito ng hangin sa baga.

Napangiti si Benj. "Alam ko."

"Benj, naman eh."

"Shh, just wait." Pero ang totoo, kahit siya ay naiinip na. Kaya nang makalapit sila sa kotse niya ay mabilis na binuksan niya ang pinto sa passenger side at pinapasok doon si Lucille. And then he leaned down and kissed her.

BENJ was kissing her. 'Yon lang ang laman ng isip ni Lucille. Actually, hanggang doon lang ang kaya niyang isipin. All her brain functions seemed to have stopped. Ang kaya lang iproseso ng utak niya ay kung gaano kademanding at kapossessive ng halik nito. Hindi 'yon tulad ng mga halik na natanggap niya mula kay Henry. As a matter of fact, Benj's kiss erased all the kisses in her past.

Umungol siya bilang protesta nang tumigil si Benj. Ngumiti ito at hinawakan ang kamay niya. Noon lang niya narealize na nakakapit na pala siya sa kwelyo ng damit nito.

"I think I prefer your hands here," Benj said huskily as he guided her hands toward the back of his head. Pagkatapos ay bumalik na ito sa paghalik sa kanya.

Lucille could smell his faint scent. Gustong-gusto talaga niyang amuyin si Benj. Nakadevelop na yata siya ng fetish dahil dito. And then Benj playfully bit her lower lip.

"It always drives me insane whenever you bite your lower lip."

Unconsciously, nakagat ni Lucille ang kanyang ibabang labi. Benj gave her a hot look. Naramdaman niya ang mainit na titig nito hanggang sa dulo yata ng buhok niya. Muli itong yumuko para bigyan siya ng mainit na halik. Hindi na siya bata para hindi malaman na hindi na 'yon pang rated PG na halik. It was a slow and deliberate kiss. 'Yung klase ng halik na nakakapagpalimot ng pangalan, oras, at lugar. It was as if Benj was worshiping her lips.

Then he just stopped. Dahan-dahang idinilat ni Lucille ang mga mata. Ang intense na titig ni Benj ang namulatan niya.

"I've been dying to do that for a while now."

"T-talaga?"

Sino ang nagsalitang 'yon? Parang hindi sa bibig niya galing ang mababa at seductive na boses na 'yon.

Muling bumaba ang tingin ni Benj sa mga labi niya at tumango. "You have no idea, Lucille."

"Pero nung nandoon tayo sa studio mo hinalikan kita, but you didn't kiss me back."

"And it almost made me crazy thinking about it. Believe me, it was like a slow, painful process of insanity."

"So what changed?"

"Nothing. Narealize ko lang na napapagod na akong magpigil ng tunay kong nararamdaman."

"Ano ba ang tunay mong nararamdaman, Benj?" Lucille asked softly.

"I want this," pagkatapos ay muli siyang hinalikan ni Benj. "I want to be with you."

Napangiti siya nang muli nanaman siyang halikan ni Benj. "Hmm, I like the sound of that."

"Good. Now, let's go get something to eat. At ayokong makisabay sa ibang employees sa cafeteria. Ayoko ding pumunta sa malalapit na restaurants. Baka kung sino pa ang makasabay natin doon. Mas gusto kong masolo ang buong atensiyon mo ngayon."

"Bakit ngayon mo lang sinabi?" Pagkatapos ay nagmamadali nang inayos ni Lucille ang kanyang seatbelt. And then she gestured for him to get in the car. "Ano pa ang hinihintay mo diyan? Get in and start driving."

"Mas gusto mong magdrive na ako kesa halikan ka pa?"

Umiling siya. "Mas gusto kong masolo mo ang buong atensiyon ko sa ibang lugar kesa dito sa parking lot na puno ng CCTV cameras."

Benj just chuckled softly before placing another soft kiss against her mouth.

Texting Under the Influence  (COMPLETE)Where stories live. Discover now