Girl Talk

3.5K 139 0
                                    

NAIHATID na siya ni Benj sa bahay nila pero hindi pa rin niya naiintindihan kung ano ba ang nangyari. Sigurado si Lucille na may nagbago sa pagitan nila ngayong gabi. There was some sort of understanding. Pero hindi siya sigurado kung ano ba 'yon. Dire-diretso lang siya sa paglalakad hanggang sa mapatapat siya sa lumang kwarto ng Kuya Chase niya na ginagamit na ngayon ng fiancée nitong si Bree. Kumatok muna siya bago binuksan ang pinto at pumasok.

"I kissed him and he didn't kiss me back. Ano'ng ibig sabihin n'on, Ate Bree?"

Walang sumagot sa kanya. Nang tumingin siya sa kinauupuan ni Ate Bree ay nagtatakang nakatingin ito sa kanya. Nasa tabi nito ang ilang piraso ng regalo. Ang iba doon ay nabuksan na.

"Ate, okay ka lang?"

Ipinilig ni Ate Bree ang ulo saka mahinang tumawa. "Bakit nga ba ako nag-alala sa'yo nitong mga nakaraang araw? Pakiramdam ko kasi medyo matamlay ka. Pero mukhang akala ko lang 'yon. Obviously, you're very much okay. Lalo na at may hinalikan ka pang lalaki na—what did you say?"

"I distinctly remember that she said she kissed a guy but he didn't kiss her back," wika ng isa pang boses babae.

"Ate Lacey!" gulat na lumingon si Lucille sa pinanggalingan ng boses. Hindi niya napansin na nandoon din pala ang asawa ng Kuya Justin niya. Nakatayo ito malapit sa bintana habang buhat ang anim na buwang gulang na pamangkin niya. Nakangiting lumapit siya dito saka hinalikan sa kamay ang pamangkin niyang natutulog.

"Lucille, balikan nating 'yung announcement mo kanina bago pa kung saan nanaman maglakbay 'yang utak mo. You said you kissed someone. Sino ang someone na 'to?" tanong ni Ate Bree na nakalapit na sa kanila.

"Teka, bago natin simulan 'to ay ibababa ko muna si baby sa crib. Baka maistorbo nanaman ang tulog niya," singit ni Ate Lacey.

"Hindi na ito pwedeng i-delay pa, Lacey. Humabol ka na lang sa usapan, Lacey." Pagkatapos ay itinutok na sa kanya ni Ate Bree ang buong atensiyon nito. "Lucille, are you talking about Benj?"

Napakunot siya. "Grabe ka naman, Ate Bree. Dire-diretso agad ang tanong?"

Ngumiti si Ate Bree. "Kilala kita, Lucille. Kapag nagpaligoy-ligoy pa ako siguradong malalayo tayo sa usapan. So, is it Benj?"

Lucille made a face before nodding.

"And he didn't kiss you back?"

Tumango uli siya.

"Tapos?"

"'Yun lang. Hinalikan ko siya at tumayo lang siya doon na parang walang nangyayari."

"Hmm."

"Anong hmm?" Naningkit ang mga mata ni Lucille. "Parang hindi ko gusto 'yang hmm mo na 'yan."

"Well, sabi mo kasi ay tumayo lang siya doon. Hindi ka niya pinigilan o kaya inilayo sa sarili niya. Tama ba?"

Dahan-dahang tumango si Lucille. She easily thought back to that moment when she kissed Benj. Hindi nga siya nito pinigilan. Para ngang hindi siya nito magawang itulak palayo. Ang natatandaan niya ay hinawakan siya nito ng mahigpit sa balikat. And then his hands found their way toward her waist. "He... ahm, he just held me." Tumaas ang isang kilay ni Ate Bree. "Very tightly."

Tumingin muna si Ate Bree kay Ate Lacey bago ngumiti ng makahulugan. "I think nagpapaka-gentleman lang si Benj kaya hindi ka niya hinalikan."

"At pinili pa niyang magpakagentleman nang oras na 'yun? Matapos niya akong dalhin doon?"

"Bakit? Saan ka ba niya dinala?" interesadong tanong ni Ate Lacey.

Biglang naitikom ni Lucille ang bibig. Pakiramdam kasi niya ay isang malaking sikreto ang studio ni Benj at ayaw niyang ipagsabi ang tungkol doon. "Well, ang sabi niya 'yun daw 'yung lugar kung saan mahahalikan niya ako sa paraang gusto niya."

"Oh," magkasabay pang wika nina Bree at Lacey.

Namilog ang mga mata niya. "I didn't mean to say that!"

Nakangiting umiling-iling ang dalawa. "Don't worry, Lucille. Wala naman kaming pagsasabihang iba. Di ba, Lacey?"

"Our lips are sealed."

"Thank you, Ate. Pero hindi parin mababago niyan ang katotohanang hindi niya tinupad ang sinabi niya. Hindi niya ako hinalikan."

"Bakit? Gusto mo ba?" naghahamong tanong ni Ate Lacey.

Ibinuka ni Lucille ang bibig para sumagot. But she didn't have anything to say. Ngayon na niya narealize na hindi na lang ito tungkol sa paghalik sa kanya ni Benj.

Napatingin siya kay Ate Bree nang hawakan siya nito sa kamay. "Lucille, kissing a boyfriend, or in my case a fiancé, is not a joke. Kahit na nasa modernong panahon na tayo, naniniwala pa rin ako na hindi dapat basta-bastang ibinibigay ang isang halik sa kahit na sinong tao."

"Tama si Bree," sang-ayon ni Ate Lacey. "'Wag kang makikigaya sa mga napapanood mo o kaya nakikita sa ibang tao. Your kiss should be special. And it should only belong to someone special."

"But Benj is special." Nakagat ni Lucille ang ibabang labi. Nang oras na 'yun mismo ay tinanggap niya sa sarili na espesyal nga si Benj sa kanya.

"Lucille, hindi ba kapatid niya ang ex-boyfriend mo?"

Napatingin siya sa nag-aalalang mukha ni Ate Bree.

"What if he's just playing with you because you're his brother's ex?"

Napayuko siya. Hindi na siya nagtatakang alam na ni Ate Lacey ang totoo. Hindi na nga rin siya magugulat kung alam na ng mga kuya niya ang totoo. Sanay na siya sa ganoong dynamics ng pamilya nila. No one could really keep a secret for a long time. Inangat lang uli niya ang mukha nang hawakan siya nina Lacey at Bree sa kamay.

"Lucille, ganito ang gagawin natin, okay?" Ngumiti si Ate Lacey. "We're gonna stop talking about kissing Benj. Pero hindi ibig sabihin n'on na ayaw namin sa kanya. Isang beses ko pa lang naman siyang nakita at nakausap. And I liked everything I learned about him during that one time."

"I agree. Wala din akong masamang masabi tungkol kay Benj. And I like him better now because he didn't kiss you the way he wanted to, as you said. Ibig sabihin ay napigilan pa niya ang sarili niya. Pero kung katulad siya ng mga kuya mo, I don't think his self-control will last."

Magtatanong na sana si Lucille. Pero hindi niya naituloy dahil sabay siyang binigyan ng warning looks nina Lacey at Bree. Kaya tumahimik na lang siya at tumango.

"So sa susunod na makikita o makakasama mo si Benj, don't mention anything about the kiss. As a matter of fact, just be cool and relaxed."

"Bakit?" hindi nakatiis na tanong niya kay Ate Bree.

Nagpalitan muna ng makahulugang tingin sina Lacey at Bree bago tumingin sa kanya.

"Basta, Lucille, magtiwala ka lang sa amin at sundin mo kami."

Binigyan niya ng nagdududang tingin si Ate Lacey.

"I assure you, proven and tested na ang mga paraan namin ni Bree. Ang gagawin mo lang ay maging masayahin, relaxed, at sweet. Ngumiti at tumawa ka na parang may masaya kang naiisip. Nothing drives a man crazier than knowing that something is going on inside a woman's brain."

Hindi na kumontra si Lucille. Lalo na at magkaparehong-magkapareho ang pilyang ngiti nina Lacey at Bree. Mukha namang alam na alam nila kung paano i-handle ang mga kuya niya. So their advice must really be effective. Lihim na napangiti siya. Excited na siyang makita uli si Benj. Sisiguraduhin niyang gagawin niya ng perpekto ang mga advice nina Ate Lacey at Ate Bree. Benj wouldn't even know what hit him.

Texting Under the Influence  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon