A Man Who Slays Dragons

3.6K 159 6
                                    

HINDI mapakali si Lucille. Actually, kahapon pa siya hindi mapakali. Pagkatapos nilang kumain ng tanghalian ni Benj ay bumalik din agad sila sa opisina. Pero maliban sa pagiging extra sweet at attentive ni Benj ay wala na silang ibang napag-usapan. Hindi din sila nakapag-usap pagkatapos ng trabaho dahil may pasok siya sa school. And this morning, Lucille only said hi to him. Para kasing bigla siyang nailang dahil baka may makapansin sa pagba-blush niya. Sigurado siyang nagblush siya kanina nang batiin siya ni Benj dahil sa kakaibang tingin na ibinigay nito sa kanya. There was a certain knowledge in his eyes, specifically the knowledge of her kiss. Pero hindi na talaga mapakali si Lucille. Kaya naglakas-loob siyang pumasok sa opisina ni Benj para makausap ito. Naabutan niya itong tutok na tutok sa screen ng laptop.

"Benj?"

Hindi nito inangat ang ulo pero ang mga mata nito ay bumaling sa kanya. Lucille almost sucked in her breath. Kahit kailan yata ay hindi na mawawala ang ganitong reaksiyon niya sa tuwing tititigan siya ni Benj ng ganyan.

Seryoso pa rin ang ekspresyon nito kahit nang sumenyas ito na lumapit siya. Inihakbang niya ang kanang paa at noon niya narealize na nanlalambot pala siya. Nakagat tuloy niya ang ibabang labi habang pilit na kino-compose ang sarili.

"Hey, what's wrong?" Bigla ay nakatayo na si Benj para lumapit sa kanya.

Umiling si Lucille. "Wala naman." Pinilit niyang ngumiti.

Pero hindi pa rin nawala ang concerned na ekspresyon ni Benj. Hinawakan siya nito sa kamay at hinila palapit. "Hindi ako naniniwala." Pagkatapos ay pinisil nito ang baba niya. "You're biting your lip again. Dalawa lang ang ibig sabihin niyan. It's either you want me to kiss you," then his eyes gleamed with mischief. Pero napalitan din agad 'yon ng concern. "Or something is really bothering you."

"I want you to kiss me," nasabi na niya bago pa niya napigilan ang sarili.

Benj chuckled before pulling her close. Ang mga braso nito ay mabilis na pumalibot sa bewang niya. Pero hindi siya nito hinalikan. Inilapit lang nito ang mukha sa kanya at pinakatitigan siya. "Ano ang problema, Lucille?"

"Wala naman. May bigla lang akong naisip kanina na hindi ko nagustuhan."

"Tell me about it."

"Well, habang nagbibihis ako kaninang umaga, napansin ko na nag-iba na ang laman ng closet ko. My whole wardrobe has changed. And I'm not sure if I like it."

"Ah, honey, you're speaking your own language again. Pwede mo bang ipaliwanag 'yan sa paraang maiintindihan ng mga mortal na tulad ko?"

Ngumisi siya saka ipinatong ang mga kamay sa balikat nito. "I want to be with you, Benj."

"I already told you yesterday, I want to be with you, too. Pero ano ang kinalaman niyan sa wardrobe mo?"

"Sobrang laki. All of this," itinuro ni Lucille ang suot niyang damit. "This sophisticated image is the product of real hard work. Sa ngayon ay nag-e-enjoy akong gawin ito. It's like playing dress-up. Tulad noong bata pa ako. Pero paano kapag nagsawa na akong gawin ito? I mean, dressing up this way is fun right now. Pero 'yung playful at laging nakajeans at t-shirt na Lucille na nakilala mo noon, 'yun ang totoong ako. At naisip ko na parang hindi siya bagay sa'yo, Benj. Mas bagay sa'yo 'yung sophisticated na Lucille."

Humugot ng malalim na hininga si Benj saka pinagmasdan ang buong mukha niya. And then he asked softly, "Did you just refer to yourself in the third person?"

Napakunot si Lucille. "I'm trying to differentiate the real Lucille and the fake, sophisticated Lucille."

Benj chuckled before pulling her closer. "Lucille, kahit na ano pa ang suot mo, ikaw pa rin 'yan."

Texting Under the Influence  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon