Success!

3.4K 187 4
                                    

MASAMA ang tinging ibinigay kay Benj ng mama ni Henry na si Margot nang makalapit siya sa mga ito. Pagtingin niya kay Henry ay nakakunot naman ang noo nito.

"Hindi ba kaya ng girlfriend mong mahiwalay sa'yo kahit sandali?" mataray na tanong ni Tita Margot.

Hindi na lang siya sumagot at pumwesto sa likuran ng mga ito. Minsan ay nagtataka talaga siya kung bakit pinipilit pa nila siyang isama gayong obvious naman na hindi welcome ang kanyang presensiya.

May lumapit na staff sa kanila at agad na nawala ang katarayan sa mukha ni Tita Margot. Oo nga pala. This was all for show. Sa mata ng publiko ay isang santa si Tita Margot. It's common knowledge that she accepted her husband's bastard son. Kaya hindi pwedeng maging absent si Benj sa kahit na anong okasyon.

"Smile, son," mahinang sabi ng papa niyang pumwesto sa kaliwa niya.

Pinilit niya ang sariling ngumiti. "I'm smiling."

"Good. Your girlfriend looks pretty."

Tumango lang siya. Hindi niya itinanggi ang maling akala nito. Si Henry ang gumawa n'on.

"Hindi siya girlfriend ni Benj, pa," singit nito na pumwesto naman sa kanan niya.

Benj immediately felt suffocated. Napaggitnaan kasi siya ng papa niya at ni Henry. Wala siyang ligtas sa pagsagot.

"Hindi pa," tipid na wika niya.

"What was that?" curious na tanong ng papa niya.

"Ang sabi ko, hindi ko pa siya girlfriend." Pagkatapos ay tumingin siya kay Henry. His eyes were daring Henry to point out the lie. Naningkit lang ang mga mata ng kapatid niya pero hindi nagsalita.

"You're very confident about it," komento ng papa niya na hindi aware sa nagaganap na tensiyon sa pagitan nilang magkapatid. "I like that. Being confident is good. Kaya lang parang mukhang napakabata pa niya."

"She's already twenty-four."

"Twenty-four na siya."

Sabay silang sumagot ni Henry.

Tila naman noon lang narealize ng papa nila ang nangyayari. Napailing-iling ito bago tumingin kay Henry. "Henry, you're engaged." Pagkatapos ay sa kanya naman ito tumingin. "As for you, Benj, the nature of your birth is not important. Anak pa rin kita. So you can play all you want with your pretty little girlfriend for now. Pero dadating ang araw na gagampanan mo din ang responsibilidad mo sa pamilyang ito. 'Wag mong kalilimutan."

Hindi sumagot si Benj. Hindi naman talaga siya sumasagot kapag nagsasalita na ng ganyan ang papa niya. Kung si Tita Margot ay tinotolerate siya sa ngalan ng public image nito, ang papa naman niya ay isang investment ang tingin sa kanya. Yup, that's how twisted this family was. Bigla tuloy niyang namiss ang mama niya. Last month pa sila huling nagkita nang magkaroon siya ng oras na bumisita dito. Sa Cavite na kasi ito nakatira ngayon kasama ang asawa nito at kapatid niyang si Janey. He would easily trade this party for a few minutes with his mother and sister. Namimiss na talaga niyang kasama ang mga ito.

But then suddenly, Lucille turned to him. Wala na ito sa tabi ng buffet table. Nakaupo na ito ngayon sa dulong mesa at nakatingin sa kanya. Ngumiti muna ito bago sumubo. Napangiti siya nang makita kung gaano karaming pagkain ang nasa harap ni Lucille. Sa For the first time that night, Benj was glad that he brought Lucille with him.

SA DAMI ng scenario na na-imagine ni Lucille na mangyayari sa engagement party ni Henry, kahit isang beses ay hindi nasama doon ang tila circus na nagaganap ngayon sa makeshift stage. Kilala na niya ang karamihan ng taong naroon ngayon. Benj exerted a lot of effort to familiarize her with the important people there. Pagdating pa lang nila kanina ay parang infomercial na nirecite nito ang lahat ng pangalan at personal na impormasyon ng bawat taong nakakasalubong nila. Nang matapos ito sa mga introductions ay isinunod naman nito ang napakadami at detalyadong advice at instruction nito para hindi siya mailang o mapahiya. Benj was so thorough and passionate about his explanations. Napaisip tuloy siya kanina kung base ba sa personal experiences nito ang mga sinasabi nito.

"Kapag may tumingin sa'yo ng hindi maganda, salubungin mo lang ang tingin nila. 'Wag na 'wag kang mauunang mag-iwas ng tingin kahit na ano ang mangyari," paulit-ulit na sabi nito kanina.

"Bakit?"

"Basta. Kahit pa mapuwing ka, pilitin mong idilat ang mga mata mo at salubungin ang mga mata nila. Nakuha mo ba?"

"Oo."

"Good. One more thing, don't smile too wide."

"Ano?"

"I mean, 'wag kang ngingiti agad sa kahit na sino. Just give them a polite and small smile. Don't look too nice or too happy."

Lumabi si Lucille. "That sounds very snobbish."

"Exactly."

"So gusto mong umakto akong snobbish?"

Umiling si Benj. "No, Lucille, gusto kong mauna kang mang-snob bago pa ikaw ang ma-snob. Nakasuot lang ng mamahaling mga damit ang mga tao dito. But the fact remains that this is a freaking jungle, okay? You need to be able to hold your own. Say you understand."

Pinaikot muna ni Lucille ang mga mata bago siya tumango. "Fine, I understand."

Tipid na tumango din si Benj saka hinawakan ang kamay niya. "Baka hindi kita masamahan buong gabi. Don't worry, I'm sure the buffet table would be amazing."

"What makes you think that the buffet table will be enough to entertain me?"

Ngumiti ito. "Basta alam ko."

Napangiti na din siya. "O siya, may ibibilin ka pa ba bago tayo sumugod sa jungle?"

"Kahit na hindi kita masamahan, mas gusto ko na nakikita kita. So make sure to stay where I can see you. I don't want you out of my sight." And then he pulled her closer.

'Yung mga huling salitang 'yun talaga ang nagpaganda sa mood ni Lucille. Parang nakalimutan niya ang lahat ng kaba at tensiyon nang oras na 'yon. Benj was a very attentive date. Ibang-iba ito kay Henry. Hindi naman sa gusto niyang pagkumparahin ang dalawa, hindi lang talaga niya maiwasan. Sa tanang buhay kasi niya ay dalawang beses pa lang siyang nakakapunta sa isang formal date. Yes, she's twenty-four years old and the only kinds of date that she had experienced before were cute dates in fastfood restaurants or in the park. 'Yung natatanging pagkakataon na dinala siya ni Henry sa isang five-star restaurant ay parang isang nightmare. It's like the whole date was just about Henry and his image. Pero iba si Benj.

Hindi nga ito official na date. Hindi din ito isang romantic date. But Benj was still the perfect gentleman. And he made her feel like a princess. Kaya nang magtama ang mga mata nila habang naroon ito sa makeshift stage ay ngumiti siya ng malapad. Ilang segundo muna ang lumipas bago nito ginantihan ang kanyang ngiti. Hindi niya napigilan ang sarili. She giggled. Pero agad ding nabawasan ang ngiti niya nang mapatingin siya kay Henry. Lukot na lukot ang noo nito habang nakatingin sa kanya. Mag-iiwas na sana siya ng tingin nang maalala ang sinabi ni Benj.

'Wag na 'wag kang mauunang mag-iwas ng tingin kahit na ano ang mangyari.

Kaya itinaas ni Lucille ang kanyang noo at inihanda ang sariling makipagsukatan ng tingin kay Henry. Binitiwan na din niya ang hawak na tinidor at nagfocus na lang sa pagbibigay ng naghahamong tingin kay Henry. Ang akala niya ay hindi na 'yon matatapos. Pero bigla na lang parang may kung anong emosyong dumaan sa mata nito. Pagkatapos ay ito na ang naunang umiwas.

Hindi siya makapaniwala. She just won a staring contest against Henry. Pakiramdam niya ay napakalaking achievement n'on. Nang muli siyang tumingin kay Benj ay nakaangat ang isang sulok ng mga labi nito. Sandaling tinapunan nito ng tingin si Henry saka siya binigyan ng makahulugang tingin. That's when Lucille knew that Benj saw the staring match between her and Henry. Napangiti nanaman tuloy siya ng malapad. Then she giggled again when Benj winked at her.

~~~

Thanks for reading! Don't forget to vote.

- Kensi

Texting Under the Influence  (COMPLETE)Where stories live. Discover now