Sinong boyfriend?

4.1K 224 1
                                    

LUMILIPAD ang isip ni Lucille habang tumutulong sa Mama Lourdes niya sa kusina. Isang simpleng family dinner lang naman ang magaganap ngayong gabi. Pero napakarami parin nilang inihahandang pagkain.

"Ma, okay na ba 'to?" tanong niya sabay turo sa platong kinalalagyan ng mga lumpiang shanghai na binalot niya. Panghandaan na level kasi ang mga pagkaing niluluto nila ngayon para sa hapunan.

"Dagdagan mo pa, anak. Alam mo namang paborito 'yan ng Kuya Chase mo."

Tumango na lang siya saka napatuloy sa pagbabalot ng lumpiang shanghai. Kahit nakapikit yata ay kaya na niyang gawin 'yon. Specialty talaga ng mama niya ang lumpiang shanghai at bata pa lang siya ay tumutulong na siya sa pagbabalot.

"Teka, Lucille, tigilan mo muna 'yan. Tignan mo nga kung ang kuya mo na ang dumating," utos ng mama niya nang marinig nila ang pagbukas ng gate at pagpasok ng sasakyan.

Tumango lang siya saka sumilip sa garahe. Nakita niya ang pamilyar na kotse ng papa niya.

"Si Chase na ba 'yan?" humahangos na tanong ng kanyang Ate Bree, ang fiancée ng Kuya Chase niya. Mukhang tinakbo nito ang hagdan mula sa kuwarto nito. Kahit hindi pa kasal ang mga ito ay parang pamilya na ang turing nila dito.

"Hindi pa, Ate. Si papa lang 'yung dumating," sagot ni Lucille.

"Ah," disappointed na sagot nito saka sumunod sa kanya papunta sa kusina. "Tutulong na lang ako sa pagluluto."

Napatingin siya dito. "Sigurado ka?"

"Ahm, ako na lang ang tagabilang sa mga binabalot mo," pagkatapos ay ngumisi ito.

Pinilit ni Lucille na tumawa sa pagpapacute ng Ate Bree niya. Pero isang pilit na ngiti lang ang nagawa niya.

"May problema ka ba?"

"Ha? W-wala, ate." Umiling-iling pa siya saka yumuko at nagfocus sa pagbabalot ng lumpia.

"Nagkatampuhan nanaman kayo ng boyfriend mo, 'no?"

Lalo pa niyang pinagbuti ang pag-iling. "Hindi ah!"

"Dahil ba sa pag-imbita namin sa kanya ngayong gabi?"

Biglang nabitiwan ni Lucille ang ginagawa. "A-ano? Inimbita niyo siyang pumunta dito ngayong gabi? P-paano? Kelan?"

"Relax ka lang, Lucille."

Humugot siya ng malalim na hininga. Hindi siya makapaniwalang naimbita nila si Henry na magpunta doon samantalang siya na girlfriend mismo nito ay hindi pa rin ito makontak. Ni isang text ay wala pa siyang natatanggap mula dito. Ilang araw na ang nakakalipas!

Okay, fine. Tatlong araw pa lang naman. Sunday pa lang ngayon at ang huli nitong text ay noong Thursday pa. Eksaktong alas otso ng gabi iyon. Tandang-tanda niya dahil nasa daan pa siya noon pauwi galing sa kanyang klase kaya hindi siya nakareply agad. Lagpas alas diyes na ng gabi nang makapagreply siya. Mukhang nakatulog na si Henry kaya hindi na ito nakareply.

"Don't worry, mukha naman siyang mabait. Pumayag agad siya nang kausapin siya ni Justin," tukoy ni Bree sa isa pa niyang kuya.

"Teka, ano'ng ibig mong sabihing mukha siyang mabait? At paanong nakausap siya ni Kuya Justin?"

"Mukhang hindi mo na talaga naaalala. Lasing na lasing ka kasi kagabi eh. But your boyfriend seemed gentleman enough. Kaya lang masyado nang late kagabi kaya hindi na namin siya nakausap ng maayos," tila bale-walang kwento ni Ate Bree.

"Kagabi?"

"Oo, pagkahatid niya sa'yo ay umalis din agad siya dahil nga gabi na. Kaya inimbita na lang siya ni Justin na magpunta ngayon para makilala din siya ng Kuya Chase mo."

"Teka lang, Ate Bree," itinaas pa niya ang isang kamay para patigilin ito sa pagsasalita. "Are you talking about Benj?"

Tumango ito. "Bakit? May iba pa ba?"

Ibinuka niya ang bibig para magsalita at magpaliwanag. Pero hindi niya alam kung saan magsisimula. Para ngang naghang na ang isip niya. Talagang walang matinong bagay na pumapasok doon. Dahil siguro ito sa dami ng alak na ininom niya kagabi.

"Teka lang, Lucille. Parang narinig kong may paparating na sasakyan. Titignan ko lang kung si Chase na 'yan. Kanina pa dapat siya nandito eh. Pero hanggang ngayon ay wala pa siya."

Napatango na lang si Lucille dahil tumalikod na agad ang Ate Bree niya. Wala na siyang ibang nagawa kundi ang bumalik sa pagbabalot ng lumpiang shanghai. All the while, she was cursing herself for being too careless last night.

❤️❤️❤️

Don't forget to vote and share this story to your friends! 😘
- Kensi

Texting Under the Influence  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon