Am I A Bad Kisser?

3.4K 189 8
                                    

Lucille had kissed a few men before. Pero hindi naman niya masasabing expert na siya sa paghalik. Ngunit base sa mga na-experience niya ay sigurado siyang hindi tumutugon sa halik niya si Benj. Bigla tuloy siyang na-conscious. Was she a bad kisser? Napaatras siya dahil sa naisip. Binitiwan na din niya si Benj at akmang aatras na nang may pumigil sa kanya. Nagulat pa siya nang marealize na mahigpit na nakahawak pala ito sa bewang niya.

"Gusto mo bang makita ang mga pictures ko?"

Hindi niya inaasahan ang biglang pagbabago nito ng topic. Hindi pa rin siya nito binibitiwan. Hindi alam ni Lucille kung ano ang ibig sabihin ng nangyayari ngayon. "S-sige."

Hinayaan niya si Benj na hilahin siya papunta sa kung saang bahagi ng darkroom. Sumunod lang siya dito hanggang sa mapatapat sila sa isang pader na puno ng mga nakasabit ng litrato. Agad na nakalimutan ni Lucille ang pagkapahiya at pagkalito. Napakaganda kasi ng mga pictures na nasa harap niya. Wait, erase that. Hindi lang basta maganda ang mga 'yon. They were majestic.

Puro pictures lang ng sunrise at sunset ang mga 'yon. But the way they were captured, it's as if Lucille was really there. Na para bang nawiwitness niya mismo nang oras na 'yon ang sunrise at sunset.

"Ang ganda, Benj."

"Nagustuhan mo ba?"

Nakangiting nilingon niya ito. "Are you kidding me? Tinatanong mo pa talaga 'yan? Of course not. Hindi ko nagustuhan, Benj. I loved them. They're just amazing." Gusto pa sana niyang i-describe kung gaano kaganda ang mga pictures nito. But the pictures rendered her speechless. And in the end, the only thing left to say was, "You're amazing."

Napasinghap siya nang bigla siyang yakapin ni Benj mula sa likod. Hindi siya nagpakipot. Actually, hindi siya marunong magpakipot. Agad na sumandal siya sa dibdib nito.

Ilang minutong nanatili sila sa ganoong pwesto habang pinagmamasdan ang mga litrato. Lucille didn't know exactly what happened in that moment. Basta ang alam lang niya ay ang gaan-gaan ng pakiramdam niya. So she let out a contented sigh.

"Para saan 'yun?" pabulong na tanong ni Benj saka siya hinila paatras. Naramdaman niyang sumandal ito sa mesang nasa gitna ng darkroom saka ipinatong ang baba sa kanang balikat niya. Then he pulled her closer and positioned her between his legs. Kuntentong nagpakawala nanaman siya ng malalim na hininga. "There's another one."

Natawa siya. "Hindi ko alam, Benj. I just feel like it."

"Hmm."

"Dahil siguro sa mga pictures mo. They are really breathtaking you know."

"Thank you."

"'Yung mga ganitong klaseng pictures hindi lang dapat dito sa tagong kuwarto nakadisplay. The world needs these pictures, Benj."

Mahinang natawa si Benj. Kinilabutan naman siya. Ramdam na ramdam kasi ng buong katawan niya ang mahinang pagtawa nitong 'yon. Parang hindi lang ordinaryong yakap itong binibigay nito sa kanya. It's as if Benj was covering her entire body with his. Ang ulo niya ay bahagyang nakasandal sa kaliwang balikat nito. Ang mga kamay naman niya ay nakapatong sa braso nitong nakapulupot sa bewang niya. Then her short legs were sandwiched between his long legs. Hindi naman maliit si Lucille. Matangkad siya kung ikukumpara sa ibang babae. But with Benj, she felt really small and fragile. And she loved it. She freaking loved how Benj made her feel so delicate and feminine. Kapag kasama niya ito ay nawawala yung pagka-childlike niya. Narealize niya na gusto niya ang version ng sarili niya kapag kasama niya ito.

More minutes passed. Hindi alam ni Lucille kung gaano na sila katagal sa ganoong posisyon. Para bang walang gustong bumitiw at putulin ang moment na 'yon. Then somewhere in the room, she heard the ring of a cell phone. Si Benj naman ngayon ang nagpakawala ng malalim na hininga.

"Sa tingin ko ay dapat na kitang ihatid. It's already late."

"Okay," pero hindi naman siya gumalaw. Hindi din gumalaw si Benj kaya napangiti siya.

"Lucille."

"Yes, Benj?"

"You should move away."

"Bakit ako ang lalayo? Bakit hindi ikaw ang bumitiw sa'kin." Napasinghap si Lucille nang lalo pang humigpit ang yakap sa kanya ni Benj.

"Hindi ko yata kayang bumitiw sa'yo, Lucille."

"Eh di 'wag mong gawin," bulong niya.

"Paano kung wala na akong ibang choice kundi ang bumitiw sa'yo?"

"Bakit mo iniisip na wala ka nang ibang choice?"

Nagpakawala ng malalim na hininga si Benj. "Hindi ko 'yun iniisip lang. It's the reality."

Sigurado si Lucille na hindi na tungkol sa pagbitiw sa yakap ang pinag-uusapan nila. "Para kanino?" Pagkatapos ay naglakas-loob siyang umikot para salubungin ang mga mata nito. "Para kanino ang reality na tinutukoy mo, Benj? If it's your reality, then it should be your choice."

"It's not that simple."

"Alam ko," hinaplos niya ang kanang pisngi nito. Napangiti siya nang pumikit si Benj na parang dinadama ng husto ang haplos niya. "Anything that's worth fighting for is never simple."

Napangiti na din si Benj. "Thank you. It makes me feel optimistic by just hearing that."

"'Wag ka sa akin magthank you kundi sa Instagram. Doon ko nakuha ang quote na 'yan."

Ang ngiti ni Benj ay tuluyan nang nauwi sa pagtawa. "Oh, Lucille. Gusto ko pa rin magthank you sa'yo. Thank you for just being you. Don't ever change, okay?" And then he kissed her nose. Pagkatapos ay dumiretso na ito ng tayo at hinila siya palabas doon.

~~~

Akala niyo may iba nang mangyayari 'no? Sorry, guys, wholesome pa rin si Lucille. hahaha!

Texting Under the Influence  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon