Stubborn Lucille

3.2K 140 14
                                    

NAPUYAT si Lucille dahil tinapos niya ang presentation niya para sa kanyang thesis defense. Kaya naman tanghali na nang magising siya. Actually, it was a few minutes past noon already. Awtomatikong kinapa niya ang cell phone niyang nasa bedside table. Napakunot siya nang makita ang mahigit sampung missed calls mula kay Benj. Pero hindi naman ito nagtext. Naisip niya na baka aksidente lang 'yon. Hindi naman kasi ugali ni Benj ang magmiss call ng magmiss call. Kung may sasabihin si Benj at hindi siya makontak, siguradong susugod ito sa bahay nila. Alam naman nitong wala siyang pupuntahan ngayong Sabado. He probably had his phone in his pocket and the call button was accidentally pressed repeatedly.

Nakangiting nagtype na lang si Lucille ng text message para dito bago siya tuluyang bumangon. Nagha-hum pa siya nang lumabas siya sa kuwarto at dumiretso sa kusina. Naabutan niya doon ang mama at papa niya na seryosong nag-uusap. Biglang natigilan ang mga ito nang lumapit siya.

"Ano'ng meron, Pa? Ma?"

Nagpalitan ng makahulugang tingin ang mga magulang niya bago tumingin sa kanya. "Anak, nakausap mo na ba si Benj ngayong araw?" tanong ng mama niya.

Umiiling na lumapit si Lucille sa fridge at binuksan 'yon. "Hindi pa po. Bakit, Ma?"

Nagkatinginan nanaman ang mga magulang niya. Ang mama niya ang sumagot. "May nakita kasi kaming balita dito sa Internet. Ahm, tungkol 'yon kay Benj."

Sinara na ni Lucille ang fridge matapos kunin ang isang bote ng juice. "Ano pong balita?"

Hindi sila sumagot. Ang papa niya na kanina pa tahimik ay bigla na lang tumayo. Saka seryosong lumapit sa kanya. Nakasunod dito ang mama niya na hawak ang tablet na iniregalo dito ng Kuya Justin niya noong Pasko. Tahimik na iniharap nito sa kanya ang screen.

Hindi alam ni Lucille kung saan nanggaling ang malakas na tunog na sumunod niyang narinig. It was either the sound of breaking glass when she dropped the bottle of juice or the sudden loud thumping of her heart.

"A-ano 'to?" Nanginginig ang mga kamay na inagaw ni Lucille ang tablet mula sa mama niya. She frantically scrolled through all the links. Pero hindi talaga 'yung mga nakasulat na article ang pumunit sa puso niya. It was the interview video that came with the articles.

Kitang-kita sa video ang nakangiting mukha ni Benj habang nakaakbay ito sa isang pamilyar na babae. May sinabi ang babae na tinawanan ni Benj. And then he spoke, and it literally broke her heart into tiny little pieces.

"Oo," sagot ni Benj sa nagtanong. "Alam kong business arrangement lang ang engangement nila ni Henry. But it didn't stop me from getting jealous. And in the end, I simply couldn't stay away from her," nakangiting wika ni Benj sa video.

"He's a sweet talker and a romantic. I didn't stand a chance against him," nakangiti ring dugtong ni Alyssa.

Hindi na tinapos ni Lucille ang video. Mabilis na tumakbo siya pabalik sa kwarto niya. Hindi niya pinansin ang pagtawag sa kanya ng mama niya. Nang nasa loob na siya ng kwarto ay kinuha niya ang cell phone at tinawagan si Benj. Pero naka-off ang cell phone nito.

Hindi niya ito nakontak ng araw na iyon. Sa katunayan ay hindi niya ito nakontak sa loob ng apat na araw. Oo, bilang na bilang talaga siya.

Shit!

PANGLIMANG araw na simula nang makita ni Lucille ang video na 'yun. Nagmamadali siyang makarating sa desk niya para makapagtype ng resignation letter. Hindi na kasi niya matagalan pa ang sitwasyon. Hindi na niya kayang maghintay pa kung kailan lilitaw si Benj para ipaliwanag kung ano ang nangyayari. Pero nakalimutan niya ang pagmamadali nang salubungin siya ng dalawang kasamahan sa trabaho.

"Lucille, nagbreakfast ka na ba?" tanong ni Donna.

"Sumama ka muna sa amin na magbreakfast," wika naman ni Badet na hinawakan pa siya sa kamay.

"Wala akong ganang kumain. Isa pa, hindi pa naman break time," sagot ni Lucille saka sinubukang lagpasan ang dalawa.

Pero mabilis na nahila siya ni Badet sa kamay. "Believe me, Lucille. You don't want to go there right now."

Pero huli na ang warning ni Badet. Natigilan siya nang makita kung sino ang nasa bukana ng pinto papunta sa opisina ng Blush. Benj and Alyssa were walking side by side.

Biglang nanlamig ang buong katawan ni Lucille. Hindi siya makagalaw. She just stood there gaping at them. Ni hindi siya tinapunan ni Benj ng tingin. Habang si Alyssa ay binigyan siya ng nanunuyang ngiti. Alyssa obviously recognized her.

"Lucille," narinig niyang tawag sa kanya ni Donna. Hindi niya alam kung sino sa kanila ni Badet ang humila sa kanya.

Pero napako na talaga siya sa kinatatayuan. Hindi siya makagalaw kahit pa gusto niya. Nagulat pa nga siya at nagawa niyang igalaw ang ulo para sundan ng tingin sina Benj at Alyssa hanggang sa makarating ang mga ito sa tapat ng elevator. Ngunit agad na pinagsisihan din niya ang ginawa. Because it just made her broken heart break even more when she saw Alyssa kiss Benj. Sa pisngi lang naman 'yon. But it was still a kiss.

Another woman just gave her man a kiss! Nagdilim ang paningin ni Lucille. Sa isip niya ay na-murder na niya si Alyssa dahil sa paghalik nito kay Benj. Dahil para sa kanya ay pag-aari pa rin niya si Benj. Alam niyang hindi isang bagay si Benj para mag-isip siya ng ganoon. But Lucille was stubborn as hell. If she believed that Benj was hers, then Benj was hers no matter what!

Texting Under the Influence  (COMPLETE)Where stories live. Discover now