Color coordinate?

3.5K 171 0
                                    

KUMUNOT ang noo ni Benj pagkabasa sa text message ni Lucille. Parang awtomatiko na iyon sa tuwing makakatanggap siya ng text mula dito. And it was only three o'clock in the afternoon. Masyadong maaga pa para magpalitan sila ng mga drunk texts.

Should we color coordinate? 'Yan ang laman ng text. Kahit pa anong klaseng pag-iisip ang gawin niya ay hindi parin niya maintindihan kung ano ang ibig nitong sabihin.

Ibinaba niya ang cell phone, determinadong hindi pansinin ang text na 'yon. Nasa kalagitnaan siya ng pagto-troubleshoot kanina sa bagong check-out system ng Blush nang matanggap niya ang text ni Lucille. At dahil sa text na 'yon ay nawala na siya sa konsentrasyon. Sumusukong muli niyang kinuha ang cell phone at nagtype ng reply.

Are you drunk?

Wala pa yatang isang minuto ay nagreply agad ito.

Alam mo bang nahulaan ko agad na 'yan ang irereply mo sa akin? But anyway, the answer is no. Hindi ako lasing. And for your information, sa tanang buhay ko ay dalawang beses pa lang akong nalalasing.

Benj snickered after reading Lucille's reply. Mabilis na nagtype din siya ng reply. Baka nakakalimutan mong dalawang beses na kitang nakikitang lasing.

Confucius: Exactly. Those are the only times that I became drunk.

Benj: Wow! I feel honored. Note the sarcasm.

Confucius: Whatever. So, should we color coordinate?

Benj: Hayan ka nanaman. You're talking in Lucille language. Plain English lang ang naiintindihan ko.

Confucius: Nagpapatawa ka ba?

Benj: I was actually trying to be sarcastic. Damn! Kinakalawang na yata ako. Dahil siguro masyado na akong nae-expose sa Lucille language.

Confucius: Ha-ha! Whatever. Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko.

Benj: Hindi ko nga naiintindihan kung ano ang tinatanong mo.

Confucius: Sa engagement party ng kapatid mo. 'Di ba ako ang ka-date mo? So, iko-color coordinate ba natin ang mga damit natin?

Benj had to stop and read again. "Damn!" This time he really meant it. He was definitely damned. Ano ba ang pumasok sa isip niya at pumayag siyang isama si Lucille sa engagement party? Malalagot talaga siya kay Henry at lalong-lalo na sa papa nila.

Benj: Nasaan ka?

Confucius: Nasa school.

Benj: I'll come pick you up.

Confucius: Hindi pwede. May pasok ako mamaya.

Benj: Anong oras matatapos 'yan?

Confucius: Well, six to nine ang klase ko. Pero minsan ay natatapos kami before nine.

Benj: Alright, I'll be there by eight-thirty.

Confucius: Do you realize that you did not ask me if I wanted to meet you?

Benj: Bakit kailangan ko pang itanong? Obvious namang kailangan nating mag-usap. I'm not very fond of texting.

Confucius: Hindi ko napansin. Ang bilis mo kasing magreply eh.

Nagpakawala ng malalim na hininga si Benj pagkabasa sa huling text ni Lucille. He just wasted thirty minutes of his life texting like a teenager. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya kaya ipinikit niya ang mata at minasahe ang ulo. Para kasing biglang sumakit 'yon. And then he put his cell phone on the drawer. Sa pagkakataong iyon at determinado na talaga siyang 'wag pansinin si Lucille.

~~~

Thanks for reading. Don't forget to vote!

- Kensi

Texting Under the Influence  (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon