The Bachelor/Bachelorette Party

3.5K 141 0
                                    

MAGKASABAY na gaganapin ang bachelor party ng Kuya Chase ni Lucille at ang bachelorette party ng Ate Bree niya ngayong gabi. Sabi ng mga kuya niya ay nagconfirm daw na pupunta si Benj. Gusto sana niya itong tawagan o i-text pero nahihiya siya. Yup, siya mismo ay hindi makapaniwala na marunong pala siyang mahiya. That and the fact that she actually missed Benj. Simula nang ihatid siya nito galing sa engagement party ni Henry ay hindi na ito muling nagparamdam sa kanya. That was two weeks ago.

Napalundag siya sa gulat nang tumunog ang cell phone niya. Nakatulala na pala siya. Wala sa sariling sinagot niya ang cell phone.

"Hello, Ate Max," bati niya sa kaibigan at maid of honor ni Ate Bree.

"Hi, Bree, kakamustahin ko lang ang cake natin."

"Nandito na ako sa bakeshop, Ate. Napaaga nga ako eh. Nilalagyan pa raw nila ng finishing touches." Siya ang nautusan para pick-up-in ang customized cake na pinagawa nila para sa bachelorette party.

"Good. I-text mo na lang ako kapag paalis ka na diyan."

"Okay, bye." Pagkatapos ay ipinagpatuloy na niya ang pagtitig sa kawalan. Ilang sandali pa ay natapos din ang cake. And then before she knew it, she was already walking inside the lounge area of a hotel bar while carrying a very large cake with a very scandalous shape.

Pero lahat 'yan ay hindi nagregister sa utak ni Lucille. Kahit nang magsimula na ang bachelorette party ay wala pa rin siya sa sarili. Sa katunayan ay nagulat na lang siya nang isa-isang magpaalam ang mga bisita. Napatingin siya sa relo niya. Tinignan din niya ang oras sa cell phone niya. Hindi nga siya nagkamali ng basa.

"Eight o'clock pa lang."

Si Ate Bree ay ngumiti at lumapit sa kanya. "Kundisyon 'yan ni Chase."

"Binigyan ni Kuya Chase ng curfew ang bachelorette party mo?"

Tumango si Ate Bree. "Okay lang 'yun. Hindi din naman ako mahilig sa nightlife."

"At karamihan sa atin ay kailangang umuwi ng maaga. I have a baby to take care of," singit ni Ate Lacey na asawa ng Kuya Justin niya.

Tumingin si Lucille kay Max. "Wala ka pang baby."

"May boyfriend naman ako at take-home work."

"Pero—" natabunan na ang boses niya dahil nagkanya-kanya na ng dahilan ang iba pang naroon. May ilang kaibigan si Ate Bree na kapareho niyang nagprotesta. Pero hindi naman niya kaclose ang mga 'yon. Actually, ni hindi nga niya maalala ang mga pangalan nila. Kaya tumanggi siya nang yayain nila siyang lumipat ng bar. And that's how she found herself alone in the bar area.

"OH, YOU'RE here," gulat na wika ni Chase pagkalapit dito ni Benj.

"Because you invited me."

Tumango lang si Chase saka kinawayan ang kapatid nitong si Justin. "Hindi ko lang inaasahan na pupunta ka talaga."

Ilang sandali pa ay naroon na si Justin sa tabi nila. Tulad ni Chase ay halatang nagulat din ito sa pagdating niya.

"Ahm, mas gusto niyo bang umalis na lang ako?" Itinuro ni Benj ang pinto.

"No, of course not," mabilis na sagot ni Justin saka tinapik siya sa balikat. Pagkatapos ay tinuro nito ang bakanteng upuan.

Pagkaupo nila ay inilibot niya ang paningin sa paligid. Nasa private lounge sila ng isang hotel bar. Sampu lang silang naroon. Kasama na siya sa bilang. Bigla tuloy nailang si Benj. Mukha kasing puro mga ka-close lang ni Chase ang naroon.

"Ano'ng gusto mong inumin?"

"Listen, man, I don't want to intrude. Aalis na lang siguro—"

"Shut it, Benj. Huhulaan ko na lang ang gusto mong inumin." Pagkatapos ay um-order na si Chase.

Susubukan pa sana niyang magpaalam uli pero naunahan siya ni Justin na magsalita. "Alam na namin ang totoo."

Kumunot ang kanyang noo.

"Sinabi sa akin ni Bree ang totoo at sinabi ko naman kay Kuya Justin," dugtong ni Chase.

"I hope you understand that we just did what we had to do," apologetic ang mukha ni Justin.

"Teka, hindi ko naiintindihan. What are you talking about?"

"Ikaw at si Lucille. Alam na namin ni Kuya Justin na hindi talaga kayo magboyfriend."

"Pero hindi naman namin 'yon alam at that time. For what it's worth, we actually like you. Kaya 'yun lang ang inabot mo sa'min," ngumiti pa si Justin.

Pinaglipat-lipat ni Benj ang tingin sa magkapatid. They both have a boyish grin on their faces. May ideyang pumasok sa isip niya. "Wait a minute, are you two apologizing to me?"

"Yes," tumango pa si Justin. "I believe we are."

Napailing siya. "Wala na 'yun, pare."

"That's good to know. Pero 'wag mong sasabihin kay Lucille na alam na namin."

Tumango si Benj. Hindi siya makapaniwalang ganito lang kadali ang magiging pagtanggap nina Justin at Chase sa katotohanan. "Walang problema. Wala na rin naman kaming communication ni Lucille."

Both men gave him a look of disbelief.

"It's true. Ang huling beses na nakita at nakausap ko siya ay nang ihatid ko siya sa bahay niyo pagkagaling namin sa engagement party ni Henry. Hindi ko alam kung nasabi niya sa inyo ang tungkol doon. But she asked it as a favor. At pumayag naman ako. Doon na natatapos ang koneksiyon naming dalawa."

"Hmm," binigyan siya ng nagdududang tingin ni Chase.

"We know about the party. Pero hindi ko naiintindihan kung bakit kailangan pa niyang pumunta doon. I mean, the asshole—" binigyan siya ni Justin ng sarkastikong ngiti. "Your brother is not worth her time."

"I agree," tumango pa siya.

"Talaga?"

"Kahit pa kapatid ko si Henry ay hindi ko ipagtatanggol ang ginawa niya. Lucille doesn't deserve that kind of treatment." Sabay pang napakunot sina Justin at Chase. "Walang babaeng deserve ang ganoong klase ng treatment."

They gave him a nod of approval. Pakiramdam ni Benj ay ibang klaseng approval ang ibinibigay nila ngayon sa kanya. Pero bago pa kung saan mapunta ang isip niya ay pinigilan na niya iyon.

Sa loob ng dalawang linggo ay ginawa niya ang lahat para mawala sa isip niya si Lucille. Nang gabing i-acknowledge niya na may iba pa nga siyang nararamdaman para sa dalaga ay siya ring gabing ipinaalala sa kanya ni Henry ang reyalidad. And like what his father said, the nature of his birth was not important. Anak pa rin siya ng tatay niya. So he did not have any business thinking about kissing Lucille.

Shit! Bakit ba napunta nanaman siya sa isiping 'yan? No! This was not acceptable. Calling her, texting her, talking to her, thinking about kissing her. Lahat 'yan ay hindi kasama sa kanyang future. Forgetting her was the only option he had. At sa loob ng dalawang linggo ay nagtagumpay naman siya. Ngayon ang kailangan na lang niyang gawin ay bawiin ang kanyang confirmation sa pagpunta sa kasal ni Chase.

Napangiti siya. Kakausapin na sana niya si Chase nang tumunog ang cell phone niya. Wala sa sariling kinuha niya 'yon sa bulsa at agad na natigilan siya. Ano nga ba 'yung sinabi niya kani-kanina lang? Para kasing lumipad na lahat 'yon nang makita niya kung sino ang nagtext.

Texting Under the Influence  (COMPLETE)Where stories live. Discover now