Ano ba tong napasok ko?

4.1K 217 6
                                    

ANO ba 'tong gulong napasok ko? Naitanong ni Benj sa sarili habang nakatitig sa kisame ng basement parking. All the while he was partially lying on the cold hood of his car. Napangiwi siya nang mauntog ang ulo niya doon. Ibinaling niya ang paningin sa lalaking humawak sa kwelyo ng suot niyang polo.

This is probably not the right time to deny anything, he thought as he stared back at the very angry-looking soldier leaning against him. Hindi niya kailangan maging manghuhula para malamang kapatid ito ni Lucille. Napakalinaw ng nakasulat na apelyido nito sa suot na uniporme.

"Ano pa ba ang kailangan niyo sa akin? I'm already going to your family dinner," wika ni Benj saka lumingon sa isa pang lalaking nakatayo sa gilid ng kotse. It was Justin Castillo. Ito ang isa pang kuya ni Lucille at siya ring CEO ng ACE, isang malaking commercial enterprise sa probinsiya ng Aurora. Kilala niya ito dahil kailan lang ay nagbukas din ang ACE ng kanilang sariling online shopping website. So pwede na din niyang sabihin na kakompetensiya niya sa negosyo si Justin.

"That's exactly the problem, Benj," sagot ni Justin. "Kagabi lang kasi namin nalaman na may boyfriend pala si Lucille."

"At isang tulad mo pa," dugtong ng isa pang lalaki.

"By the way, nakalimutan ko palang ipakilala sa'yo si Chase."

"I think it's too late for that," sarkastikong sagot ni Benj. Sinubukan niyang alisin ang pagkakahawak sa kanya ni Chase pero talagang matigas ang pagkakakapit nito sa kwelyo niya.

"Is this really necessary?" Itinuro niya si Chase na mukhang enjoy na enjoy sa ginagawa sa kanya. "Bakit hindi tayo mag-usap sa mas sibilisadong paraan?"

Nagkibit ng balikat ang lalaki. "Hmm, I don't know. I'm already comfortable in this position. Ikaw, kuya?"

"Okay na din ako dito sa pwesto ko," sagot ni Justin na humalukipkip pa.

Napabuntong-hininga na lang si Benj. "How did you even know where I live?"

Pinakatitigan siya ng magkapatid na para bang sinasabing hindi na dapat niya tinatanong 'yon. Obvious namang malawak ang network ng dalawa. Idagdag pa na sundalo ang isa sa mga ito. Tuluyan na siyang nawalan ng ganang manlaban. Binitiwan niya ang kamay ni Chase at nagrelax na lang sa pwesto niya.

"Fine, go on and do your brotherly duties. Basta wag lang sa mukha, okay?"

"Natatakot ka bang mapingasan 'yang mukha mo, pretty boy?"

Benj scoffed. "May mga naka-schedule akong business meetings sa mga susunod na araw. Ayokong isipin ng mga ka-meeting ko na isa akong basagulero. You know that it's bad for business." Tumingin siya kay Justin. "Image is everything, right?"

Hindi sila sumagot. Seryosong tinignan lang siya ni Justin habang si Chase ay lalo pang idiniin ang siko sa dibdib niya.

"Isa pa, malalaman agad ni Lucille ang ginawa niyo. Siguradong hindi niya ito magugustuhan."

"Hindi mo kilala si Lucille kaya 'wag kang magsalita na parang alam na alam mo ang lahat ng tungkol sa kanya," may halong pagbabantang sabi ni Justin.

Sa totoo lang ay gustong sumang-ayon doon ni Benj. Hell, he just met Lucille yesterday. Just yesterday, for Pete's sake!

"Pero duda akong malalaman agad ni Lucille kung sakali. Hindi ba paalis ka na para tumakas sa family dinner?" biglang tanong ni Chase.

"Hindi ba kasasabi ko lang kanina na pupunta nga ako sa family dinner niyo?"

"Kung ganoon ay saan ka papunta ngayon?" tanong ni Justin.

"I was on my way to the office."

"Linggo ngayon," wika naman ni Chase.

"Eh ano naman kung linggo ngayon? I was planning on finishing some work before going to your house."

"Hmm," pagkatapos ay binitiwan na siya ni Chase.

Mabilis na tumayo si Benj saka inayos ang nagusot niyang polo shirt. Pagkatapos ay inilabas niya ang cell phone at nagtype doon.

"Ano 'yan? Magrereport ka na agad kay Lucille?" panunuya ni Chase.

Ayaw na sana niya itong patulan. Pero hindi niya maitatanggi na naiintindihan niya ito. Mayroon din siyang nakababatang kapatid na babae. Nasa elementarya pa lang ito kaya matagal pa siguro bago siya gumawa ng ganitong klaseng bagay. Still, he did not like the kind of look that Chase was giving him. Kaya ipinakita niya dito ang kanyang cell phone.

"I was just typing an email to my assistant to inform her that I will not make it today."

"Good. Tara na," pagkasabi n'on ay basta na lang tumalikod si Justin. Pero pagkatapos lang ng ilang hakbang ay lumingon muli ito sa kanya. "Ano pa ang ginagawa mo diyan? Sumunod ka na sakin. Doon ka sasakay sa kotse ko."

"No thanks. May sarili akong kotse."

"Alam ko. Si Chase na ang bahala sa kotse mo." Pagkatapos ay tumalikod na muli si Justin at naglakad palapit sa kotse nito.

Sasagot pa sana si Benj nang marinig niya ang pag-unlock ng kotse niya. Gulat na napatingin siya doon. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Chase na binuksan ang pinto sa driver's side. Pagkatapos ay tumingin ito sa kanya at nang-aasar pang itinaas ang kanyang susi. Agad na kinapa niya ang kanyang bulsa. Wala na nga doon ang kanyang susi.

"Damn it!" was all he could say as he watched Chase drive off with his car. Ilang sandali pa ay tumigil sa tapat niya ang kotse ni Justin.

"Ano pa ang itinatayo mo 'diyan? Sakay na."

Tinignan muna niya ng masama si Justin bago sumunod dito.

❤️❤️❤️

Don't forget to vote and share this story to your friends! 😘
- Kensi

Texting Under the Influence  (COMPLETE)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt