Chapter 47

644 36 33
                                    

NAKAYUKO si Dahlia habang naglalakad. Sinasakto niya sa bawat tiles ang kanyang bawat hakbang at iniisip ang nangyari kahapon. Naipresinta na sa kanya ang mga prospects ng iilan sa mga Codes at natutuwa siya dahil kitang-kitang niya na pinagkakatiwalaan siya ng mga ito, "Aray!" dahil hindi siya nakatingin sa harap ay nabunggo tuloy siya ng kung sino. Itinaas niya ang kanyang tingin at napaurong ang kanyang dila.

"M-mahal . . . Jennica."

"Huwag mo akong tatawaging mahal." pagtataray ng dalaga sa binatang si Reymond at inirapan ito, "And my name is Dahlia." akmang lalagpasan na niya ang binata pero hinawakan nito ang kanyang mga braso, "What?!"

"How am I going to gain your trust back?" 

Hinila niya ang kanyang braso mula rito at huminga ng malalim, "That's not the real deal Reymond." tinalikuran niya ito bago nagpatuloy, "Ang dapat mong itanong ay kung makukuha mo pa ba ang tiwala ko." binirahan na niya ito ng walk-out pero sadyang matigas talaga ang ulo ng lalaki. Hinawakan na naman nito ang braso niya pero sa pagkakataong ito ay binigyan na niya ito ng wallop. Napamura siya sa kanyang isipan nang mahuli ni Reymond ang kamay na pinang-atake niya, "Ano na naman ba?!" 

Ang mga empleyadong dadaan sana ay lumihis na lamang. Alam kasi nilang nagkakainitan na ang dalawa.

"Anong gusto mong mangyari Jennica?" 

Binawi niyang muli ang kanyang braso at sinabing, "Ang gusto ko? Ha! Simple lang naman! Ang mawala ka sa buhay ko! Kalimutan mong naging tayo. Kalimutan mong may nag-exist na Jennica sa buhay mo. Magsimula ka ng panibago mong buhay na wala ako. Kasi ako?" lumapit siya rito pero naglagay pa rin siya ng konting distansya sa pagitan nila, she's aware that her heart is beating wildly while slowly tearing apart. Hindi niya alam na posible palang pagsabayin ang dalawang iyon, pero eto na, nararamdaman na niya, "Ako ayoko na. Ayoko na sayo! Sawang-sawa na ako sa kakapaibig sa iyo when in fact madali na lang pala iyon para sa akin. Kasi nga diba? Kamukha ko ang babaeng mahal mo, kakambal ko pa nga eh? Galing mo rin ano? Ang galing-galing mo." she motioned for a slow clap, "Siguro nga ang saya-saya mo noong minahal kita, kasi sa wakas, magkakaroon ka na ng sarili mong version ng Daisy!"

"Jen hindi totoo iyang—"

"Walang magagawa ang paliwanag mo. Kahit pagbalik-baliktarin mo pa ang mundo, kambal pa rin kami. Magkatulad at halos walang pinagkaiba. Isa pa . . . " humakbang siya palayo rito at tiningnan ang binata mula ulo hanggang paa, " . . . ano pa bang gusto mo sa akin? Nakuha mo na ako. Una, ang puso ko. Pangalawa, ang pagkatao ko. Pati katawan ko Reymond nilimas mo na! Itira mo nalang sa akin ang pride ko, pwede?" 

Matinding umiling ang binata, "Hindi ba sabi mo hindi ka kailanman mapapagod sa pagmamahal sa akin? B-bakit hindi mo iyon panindigan ngayon?" 

Lumunok si Dahlia at tumalikod na sa binata, "Tama ka. Hindi ako mapapagod. Oo mahal pa rin kita pero ayoko na sa iyo. Ayoko na sa piling mo. Ang mas mabuti pa magsimula kang muli, maghanap ka ng iba. Mabuhay ka ng wala ako at ganoon din ang gagawin ko. Ang mahalin ka ay parang pakikipaglaro sa mabangis na hayop . . . bawal, delikado, ngunit masarap sa pakiramdam at nakaka-excite but it always boils down to one thing . . . masasaktan at masasaktan lang ako kapag ipinagpatuloy ko. Naiintindihan mo ba ako? Kung oo, umalis ka na."

"Iyan ba talaga ang gusto mo?" malamig na pahayag ng binata.

Hindi., Dahlia closed her eyes, punong-puno na kasi ng luha ang kanyang mga mata, "Oo. Magpapa-party ako kapag ginawa mo iyan."

"Kung iyan ang ikasisiya mo mahal ko . . . " 

Rinig ni Dahlia ang yapak ng mga sapatos ng binata palayo. Tuluyan na siyang humagulhol at wala na siyang ibang naririnig pa kundi ang kanyang pagsinghot at paghikbi. Ngunit naramdaman niya bigla ang dalawang braso na pumalibot sa kanyang bewang. Pati ang bigat ng ulo na nakapatong sa kanyang kanang balikat.

The Philosopher Stones (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon