Chapter 3.6

394K 6K 717
                                    

"What if I'll say yes?"

Ulit pa niya. Sh*t. Palapit siya nang palapit sa akin. Lumalayo naman ako ng lumalayo syempre nakakakaba kaya. 

"Did you fart?"

He asked out of the blue tsaka nilayo niya yung mukha niya sa akin. Sayang akala ko merong magaganap na kissing scene.

Pero what the? Did I? Suminghot ako at ang baho nga. Pero promise hindi ako yun. 

"Hindi ah! Honest promise!" 

"What was that smell?"

"Ser, kukuha lang po ng basura." 

Paglingon ko sa nagsalitang kuya ay nakatakip yung kalahati ng mukha niya na parang holdaper pero hindi siya masamang tao parang lang. Tapos sa bandang siguro 5 meters ang layo may truck ng basura. That answered our question. 

Pero naman oh! We're having our moment tapos may magbabasura pa. Pwede namang sa gabi nalang tutulungan ko pa sila, sayang kasi malay niyo kanina na pala yung right time at right place at right moment para sa amin ni Mico. Naudlot pa. 

"So, where were we?"

"You're asking me what if you'd say yes." 

"Ahh. That. I was just kidding." 

Then he started eating. 

Napanganga nalang ako. Alam niyo yun yung sa cartoons or anime na parang binagsakan ng matigas na bagay or binuhusan ng yelo. Packing tape Mico, minsan kupal ka din eh. Umasa ako. Ouch ouch kaya. 

"Joke lang yun?"

Hindi pa din kasi ako makaget over.

"Okay let's just say it's not really a joke."

"Really?"

Enthusiastic na tanong ko. Syempre nabubuhayan ang puso ko. Heart heart. 

"You expecting something?" 

"Ahh baka kasi gusto mo na ako? You know para wala ng hirap hirap. MU na ganun. Hindi na siya malanding unggoy pero mutual understanding na. Kasi diba? Bakit pa papatagalin kung dun din naman ang punta? Sa hinaba haba man daw ng prusisyon sa simbahan din ang tuloy. Y'know."

Habang sinasabi ko yan may mga actions pa akong ginagawa. 

Tiningnan niya ako na parang ewan? Hindi ko mabasa ekspresyon niya.

He laughed. Almost lost his breathing. Pulang pula na siya. 

She's Rich, He's RicherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon